Chapter 77

2K 53 15
                                    

Galit

-❇Zen's POV❇-

Nakabalik ako sa bahay nila Ace na lutang at maraming iniisip. Kasama ko si Lee pero para lang siyang hangin sa akin.

Ang huling naaalala ko, sinabi niya rin yun sa akin noon. Hindi sumakit ang ulo ko katulad kanina. Bigla na lang rumagasa ang alaala ng kung ano sa utak ko.

Ano ba talagang nangyari noon? Bakit wala akong naaalala kahit isa man lang doon? Matagal na akong nagtataka kung bakit maliit na detalye lang ang naaalala ko noong high school. Akala ko normal lang yun dahil bata pa ako noon.

Pero imposible naman na hindi ko maalala ang mga taong nakilala ko na noon. Si Venice, ang mga Infinite member, si Brownies, si Windston, at si Ace.

Nakakatakot na.

Natatakot akong makaalala ulit. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling madugtungan na naman ang alaala kong iyon. Ayaw ko ng malaman ang nangyari noon. Natatakot akong malaman.

"Malapit na ang pasko. May gusto ka bang regalo, Zaih?" Basag ni Lee sa katahimikan.

Inilingan ko lang siya tsaka nilagpasan ng lakad. Sabi ko nga, wala ako sa sarili ngayon para makipag-usap.

Sinundan niya lang ako ng tingin habang umaakyat ako sa taas. Alam kong alam niya na may problema pero hindi lang siya nag komento.

Kilala ko na sila noon pa. Kilala ko na... Noon pa.

"Sir Windston kailangan niyo na pong pumili ng isusuot para sa party mamaya." Rinig kong sinabi ng kasambahay.

"Party? Ah! Okay... Mamaya na." Sagot niya.

Tuluyan na akong nakapasok sa kuwarto at nahiga sa kama. Nakatanga na lang ako sa kawalan. Ano ba ang gagawin ko sa nangyayari ngayon?

Ilang oras din akong nagkulong sa kuwarto. Iniisip ang gagawin bukas at sa pagpasok sa ibang paaralan sa lunes. Idagdag pa ang usapang pagbabantay sa taong nasa bahay ni Doctor Cruz.

Sino kaya ang taong 'yon? Sinabi niya sa aking asawa 'yon ng pinsan niya. Sino naman kayang pinsan?

Tsaka lang ako bumaba nang nakarinig ng busina sa labas. Alas sinko na ng hapon at sa tingin ko ay sila Ace na 'yon. Nag aabang si Lee sa sala kasama sina Ate Brenda.

Nakababa na ako ng hagdanan nang tumayo si Lee para abangan sila. Naunang pumasok si Venice na diretso ang tingin kasabay naman ng pagpasok ng mama niya, huli ay si Ace na agad dumapo ang tingin sa banda ko.

"Good evening, Tita. Kamusta?" Bati ni Lee sabay halik sa pisngi ni Tita Armina.

"Mabuti naman, Windston. Dumalaw ka na pala sa Tito Arthur mo kahapon pa."

Ngumisi lang si Lee at minasahe ang batok. Bumuntong hininga naman si Ace at naupo sa sofa, ganoon din ang ginawa ng kapatid niya na kumaway pa sa akin.

Nginitian ko siya at kinawayan din. Kitang kita ko ang pagdapo ng mata ni Ace sa akin kaya agad kong ibinaba ang kamay at nag iwas ng tingin.

"By the way, hijo. Nakapili ka na ba ng susuotin mo?"

"Hindi pa po, Tita. Iniisip kong sumabay na kay Ace."

Napasinghap siya, "Nakapili na si Ace kanina pa ng kaniya."

"Ganoon po ba. Edi ako na lang mag isa ang pipili." Humalakhak siya.

"Don't worry, pwede mong isama ang mga kaibigan niyo ni Ace dito. Alam kong nandito ang mga 'yon."

"That's good. Pwede ko ring isama si Zaih." Naninimbang ang tingin ni Lee kay Ace na nag iwas ng tingin.

"Gawin mo kung ano ang gusto mo, Windston. Just don't forget to call your parents, okay?"

My Cold Playboy Boyfriend #HHC2019Where stories live. Discover now