Chapter 1

3.1K 57 2
                                    

Danielle's POV

"Akin ka na nga yan, kung ano ano pa sinasabi mo eh" I said to kuya Stephen sabay kuha ng picture na nasa kamay nya

"Paka guilty naman nitong babaeng yun, totoo nga yun!" He told me pero inirapan ko lang sya. Kasi naman nanggugulo pa dito sa office ko, ang dami ko pa ngang kailangang gawin

"Althea kasi hindi Arissa, saang lupalop ng mundo mo ba nakuha yun?"

"Hindi yun gawa gawa totoo yun, Arissa name nyang babaeng yan hindi si Althea"

"Si Althea toh, sa kanya ko nga nakuha eh" I protested

"Pero bahala ka si Arissa talaga yan, kami pa nga ni kuya Erin ang kumuha ng picture na yan eh"

"Nasisiraan ka na kuya. Basta si Althea toh kahit ano pa ang sabihin mo si Althea toh" I said at binalik na ulit ng atensyon ko sa pagbabasa ng mga files and contacts.

It's been 6 years since ang daming nagbago sa buhay ko, since nawala si Althea sa buhay ko. I gave up the café and gave it to Raylee kaya sya na ang may-ari nun ngayon, ako naman I'm the one who's holding the company now. Ako naman talaga ang una palang na tagapagmana nito dahil ito ang binigay sa akin ni lola sa last will testament nya.

Mahirap man mag-adjust kasi sa café ako nasanay at iba ang management nun sa company na pinahawak sa akin ni papa.

"Ma'am you have 2 meetings for today" narinig kong sabi ng secretary kong si Lily sa akin pagkaalis ni kuya Stephen. Ayaw pa sana nun umalis kaso di ko sya pinapansin kaya alis nalang sya.

Si kuya Stephen na ang totoong may hawak ng AU ngayon, matagal tagal din nyang gustong magmanage nun dahil lang andoon yung crush nyang teacher. Matagal na yun eh classmate pa nyang highschool, nasisiraan na.

"About the board members?" I asked

"Yes ma'am and the other one is with Mr. Jeffreis, the owner of the Jeffreis Houses" She informed, tumango lang naman ako at umalis na sya pabalik sa room nya, may sarili syang room dito at pupunta lang sya sa office ko kapag may kailangan lang sya sabihin. Hindi kasi ako komportableng makisama sa ibang tao since nawala si Althea sa akin

Ewan ko lang, bumalik lang talaga ako sa dating ako, to the square one. Ilang ako makisama sa ibang tao kaya halos lahat ng mga tao dito mapaemployee sinasabi nila na ilap ako sa mga tao, well that's true pero andito parin naman yung kabaitan ko sa kanila.

Before the meeting, natapos ko na lahat ng folders na dapat kong basahin, so bumaba muna ako sa may lobby after akong tawagan ng lobbist na andoon daw si Jamie sa baba

"Good afternoon ma'am" bati sa akin ng mga employees sa tuwing bubukas ang pinto ng elevator at bubungad ang ganda ko sa kanila. 

Nginingitian ko lang sila bilang sagot, wala naman akong close sa kanila para makipagkwentuhan at hindi ako mahilig sa ganun.

"Danielle, buti nalang hindi ka busy," sabi sa akin ni Jamie pagkatayo ko sa harap nya

"Hindi naman pero may meeting pa ako after nating mag-usap so bakit ka andito?" I asked her, inabutan naman nya ako ng isang envelope na hindi masyadong malaki, sakto lang parang invitation at hindi nga ako nagkamali na invitation sya nung nabuksan ko na. "What's this for?" I asked

"Invitation ni Victoria sa bahay nila, you know baby shower kasi first baby nila tapos may surprise daw kay Andrew," sabi nya sa akin, tumango lang ako

"Tell them to expect me to come, hindi naman ako nawawala pag may party sa magbabarkada," I smiled while waving the envelope in front of her, ngumiti naman sya ng sobrang saya sa akin at saka nagpaalam dahil sabi nya may gagawin pa sya.

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon