Chapter 17

1.3K 37 1
                                    

Danielle's POV

"Nasisiraan ka na ba Danielle?" Parang gulat na gulat na tanong sa akin ni Andrew

"What? Why?" Pabalik na tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa mini bar counter ng bahay nila. Naisip ko kasing bumisita ngayon dahil nanganak na si Victoria nung isang araw eh nasa US kami ni Arissa nung time na yun tapos pagkabalik ko nalunod kaagad ako sa dami ng mga kailangang gawin, tinutulungan ko na din si kuya Stephen sa business nya doon sa Australia kaya medyo palagi rin akong wala sa bahay

"Binusted ka na ni Arissa pero parang ang saya mo parin" he said, napatingin naman ako sa kanya "kasalanan mo din eh, bakit kasi nagpropose ka hindi pa pala kayo. Di mo naman pala girlfriend" he added.

Napangiti naman ako sa sinabi nya, "you don't know anything, Andrew" I smiled

"Danielle, I'm sorry" umiiyak na sabi sa akin ni Arissa habang nakaluhod ako sa harap nya at hawak ang box ng isang engagement ring. Pinatayo nya ako at yinakap ako "I'm sorry, di pa kasi ako ready eh." She said.

Wala naman akong nagawa kundi yakapin nalang din sya, I comforted her and told her that I understand her that she can't give back the love I'm giving her but you know what she said?

"Mahal kita, mahal na mahal kita. Di ko lang kayang sabihin sayo yun kasi gusto ko kikilalanin muna kita pero ngayon siguro ito na yung tamang time para sabihin ko sayo yung totoong nararamdaman ko" pagsabi nya nun, pinalayo ko sya ng kaunti at tinignan ang maganda nyang mukha.

I wiped her tears. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya sa akin

"Do you mean that?" I asked her and she nodded. Mabilis na sumilay ang napakatamis na ngiti sa labi ko at saka sya yinakap ng mahigpit

"Magstay muna tayo nang ganito Danielle. Please?" she said, tumango lang naman ako bilang sagot sa kanya.

"Ha? Anong magstay muna kayo sa ganun? Di ko gets, kayo na?" Nagbikit balikat nalang ako di ko din kasi alam, di nalang ako nagdare magtanong kay Arissa

Baka kasi iba yung iniisip ko sa iniisip nya edi nasaktan lang ako, masakit na nga yung hindi nya ako sinagot pero tinatago ko parin sa mga ngiti ko may nagtanggal naman eh, yung pagcoconfess nya ng feelings nya sa akin

Kaya pala may times na nahuhuli ko syang nakatingin sa akin tapos pagnahuli ko yuyuko tapos mamumula. May times din na nakikita ko syang nakatingin sa katawan ko tapos kagat kagat yung labi nya.

May pananasa din pala yun HAHAHA joke lang

So ito yung sinasabi nila na kahit makalimot ang isip natin about sa past, yung puso natin hinding hindi makakalimot. Sabi kasi ni Arissa umpisa palang daw naconfuse na sya about sa feelings nya sa akin at kay Billy nun first time ko syang hawakan sa rooftop.

Sobrang kinilig talaga ako about doon eh, nakakabaliw masyado si Arissa.

"Andito ka pala Danielle" Maganang sabi ni Jamie pagkapasok nya sa bahay nila Andrew, may mga dala din syang ilang paper bags na galing mall

"Kanina pa ako dito, binisita ko kasi si Victoria at si Wendel" sabi ko ngumiti naman sya sa akin at saka umupo sa isang upuan doon sa mini bar counter kung nasaan kami ni Andrew

"Musta na si Arissa?" She asked

"Andoon pa sya sa US, naoperahan na si Brent and fortunately, it's successful pero hanggang ngayon hindi pa daw gumigising si Brent" I answered

"Ikaw sumagot nun diba?" Andrew asked and I just nodded. They asked me kung paano daw makakabalik si Arissa kung gustuhin na nyang bumalik dito sa Pilipinas.

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now