Chapter 20

1.7K 46 2
                                    

Arissa's POV

"Danielle are you sure you're okay?" Tanong ko kay Danielle pagkasakay namin ng sasakyan nya, tumingin naman ito sa akin ng may kasamang matamis na ngiti, napakunot noo ako

"Why? May mali ba sa akin?" She asked, sumingit naman si Hillary at tinignan ang mommy nya

"You look so pale mommy" she said, napatango naman ako. Ngumiti lang naman si Danielle sa amin at nagsimula nang magdrive. Habang nagdadrive kami papunta sa Baguio, nagpapatugtog sya, feeling ko nagcacarpool kami. Sobrang nag-eenjoy kami puro tawanan.

Di ko alam na magaling palang magpatawa si Danielle tapos sasakyan pa ng anak nya, sobrang natutuwa ako sa tandem nila sakit sa tiyan.

Nung nakarating na kami sa Baguio, nagpark si Danielle sa tabi ng mga blue at puting sasakyan, napanganga ako sa nakita ko. Isang magandang bahay, gawa sya sa kahoy, hindi sya ganun kalaki pero pahaba sya. Nakita ko namang nagbabarbeque sila Ken tapos nagtatakbuhan naman ang mga bata.

"Hi, kala namin di kayo dadating" sabi ni Jamie sa amin na ngayon ay naghahanda ng mga plato sa table

"Grabe, di ko kayo papapasukin sa bahay kung di ako dadating" Natatawang sabi ni Danielle, naglabasan naman ang iba sa kanila doon sa loob ng bahay, meron din ako nakita na babae na ngayon ko lang nakita, maganda sya makinis at kamukha nya si Ken. Nginitian ako nito at tanging ngiti lang din ang iginanti ko sa kanya

Naramdaman kong hinawalan ni Danielle ang kamay ko, tinignan ko ito at ngumiti sa kanya ng matamis, "you'll see my circle of friends tonight" She said and kissed the back of my hand

Umupo na kami sa picnic table at sabay sabay na nagdasal bago kumain, sobrang nag-enjoy kami habang kumakain dahil puro kwentuhan, nakikilala ko na din ang mga kaibigan ni Danielle isa isa, halos si Jamie lang kasi ang nakikita ko palagi at ang asawa nito.

After naming kumain, pumasok na kami sa loob at nagulat ako sa ganda nito, para akong nakatira sa isang provincial Korean house na pinamodern ang itsura, may heater dito dahil sa lamig. Halos kahoy din ang mga gamit dito at bagay na bagay ang mga color combinations.

Curious tuloy ako kung sino ang architect nila Danielle dahil magaganda ang mga bahay nila, sure ako pinakamagaling na architect ang kinukuha nila syempre mayayaman sila eh. Kahit nga yung company ni Danielle, perfectly made.

"Hi, you're Arissa, right?" Tanong sa akin nung babaeng nakita ko kanina na kahawig ni Ken, kahit kasabay ko namin syang kumain kanina hindi ko sya masyadong nakausap dahil busy sya magbantay ng kambal nyang anak.

"Oo, ikaw Amira name mo diba?" I asked her with a smile, tumango naman ito sa akin at tinulungan akong maghugas ng mga pinggan. Sila Danielle kasi naglilinis sa bahay nung una gusto ko sanang tumulong pero sabi nya ayaw nyang mapapagod ako ng sobra kaya tama na maghugas nalang ako ng mga pinggan

Habang naghuhugas, nagkekwentuhan kami ni Amira, sobrang saya nya palang kausap, puro jokes. Nalaman kong sya pala yung sinasabi ni Jamie na first love ni Danielle na asawa na ng barkada nila which is si Raylee tapos kaya pala sya kahawig ni Ken dahil kambal sila

No wonder bakit kapwa sila may kambal na anak. Nasa lahi pala nila yun

"You're lucky you have Danielle" she said with a smile habang pinupunasan namin ang mga utensils bago ilagay sa lalagyan nito

"Bakit naman?" I asked

"Nung una kasi, liniligawan nya a--- wait I'm not telling you this to annoy you" Natawa naman ako sa sinabi nya at sinabing okay lang kaya pinatuloy ko na sa kanya yung kwento nya "Once I had her pero ayun nga hindi ko kayang ibigay ang love na binibigay nya sa akin noon. Hindi naman ako nagsisisi kasi mas masaya sya sayo kesa sa time na ako yung mahal nya" she said. Napangiti naman ako ng sobra sa kanya

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon