Chapter 7

1.4K 43 3
                                    

Danielle's POV

"Danielle" Nakita kong nagtatakbo si Nicole papunta sa akin mula sa office nya

"Yes?" I asked her habang hawak nya ang braso ko

"Uuwi ka na ba?" She asked pero umiling ako "gusto ko sana kain muna tayo sa labas bago ka umalis" she answered, ngumiti lang naman ako sa kanya at inalis ang kamay nya sa braso ko

"Sorry pero may aasikasuhin pa ako eh" I answered at tumakbo na papunta sa kwarto namin ni Raylee, aalis na kasi sila ngayon, I cancelled my flight for Arissa kahit hindi ako sure kung ako ba ang pipiliin nya or si Billy basta mag-aantay ako sa kanya, mag-aantay ako na ako ng pipiliin nya.

Gusto kong mapalapit sa kanya dahil gusto kong malaman kung sino talaga, kung bakit pareho sila ng mukha at boses ni Althea pati nga ang height nila halos magkapareho na sila pero parang medyo maliit pa si Arissa sa kanya or dahil patay lang sobra si Arissa.

Para nga syang hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa katawan nya eh.

"Oy Danielle, grabe ka magtake ng risk mo ah? Ingatan mo sarili mo, tandaan mo bumabalik na naman ang tantrums mo sana hangga't maari wag ka munang maattach kay Arissa, hindi pa tamang time" sabi sa akin ni Jamie, tumango lang naman ako sa kanya

"Kaya nga Danielle, di bale pag balik mo sa Manila magpapacheck up ka tapos kikilalanin natin si Arissa" sabi sa akin ni Ken habang nakahawak sa braso ko

"Kahit hindi nyo na ako ipacheck up ulit, kaya ko naman sarili ko eh" sagot ko sa kanila at ngumiti lang naman sila sa akin, after naming mag-usap usap nung medyo ready na sila, pumunta na kami sa labas para maihatid sila nung pinakuha ko na tricycle papunta sa airport eh.

As in sobrang lapit lang ng airport sa lugar namin kaya kahit hindi ka na magsasakyan, kaya mong makapunta doon na nakatricycle lang. Hindi rin naman ganun ka bongga ang airport nila dito pero malinis at maganda.

Pagkahatid ko sa kanila, nakita kong 6pm na kaya nagmamadali na akong pumunta sa rooftop kaso biglang sumingit si Billy sa akin, "can we talk?" he asked. Tumango lang naman ako kaya pumunta na kami sa office nya

"Danielle, please wag mo nang kunin sa akin si Arissa, mahal na mahal ko sya" He told me, napatingin naman ako sa kanya "I know that you like her that's why you're doing this"

"No, hindi ko toh ginagawa dahil gusto ko sya, kaya ko naman syang pakawalan kung sayo talaga sya masaya eh pero hindi, nakita mo pinakawalan mo na tapos ngayon magmamakaawa ka sa akin na ibalik ko sya sayo? She's not a thing na hinihiram hiram lang Billy" I said to him kahit hindi kami close I called him by his name. He sighed and said please pero hindi parin ako pumayag

Since wala namang patutunguhan tong pinag-uusapan namin, umalis na ako sa office nya pero bago pa ako tuluyang makalabas binantaan nya ako na kukunin nya si Arissa sa akin kahit anong mangyari. Tignan natin, kung makikita ko si Arissa sa rooftop hindi ko na sya ibabalik kay Billy pero kung hindi, hahanapin ko sya at ako ang mismong magbibigay sa kanya kay Billy.

Sumakay na ako sa elevator, nabibingi ako sa tibok ng puso ko dahil parang kunti nalang sasabog na ito sa kaba ko. Natatakot ako na baka hindi ko makita si Arissa sa taas pero nagkamali ako, I saw her there, sitting at the bench while crying. Siguro akala nya na iniwan ko sya?

"Althea?" I called her, mabilis naman sya napatingin sa akin at pumunta pagkatapos punasan ang luha nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya ko sya nayakap, after ng mga bagay na nangyari sa rooftop pumunta na kami sa room nya para makuha na nya yung mga gamit nya.

Alam kong mabigat ang nararamdaman ni Arissa kaya hinayaan ko sya muna doon sa kwarto nya pero sinigurado kong bantay ko sya at hindi makakalapit sa kanya si Billy. Habang nag-aantay ako sa labas ng kwarto nya, wala akong pake kung matagal ba sya o hindi ang concern ko lang is I heard her crying.

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now