Chapter 9

1.3K 33 6
                                    

Danielle's POV

"Mommy!" Masayang sabi sa akin ni Hillary pagkalabas nya ng classroom nya, yumakap pa ito sa akin

"Hi, baby where do you want to take lunch?"

"Anywhere mommy" she answered. Tumango naman ako na may ngiti sa labi ko, paalis na sana kami nung nakita ko si kuya Stephen, mabilis naman lumapit si Hillary sa kanya at nagbless

Syempre tinuruan ko ng good manners ang anak ko

"Musta na kuya?" I asked him with a smile

"Okay naman, medyo busy lang kasi madami na ang nagbago dito sa university tapos baka nga magshut down na yung business ko sa Australia"

"Luh, kaya mo yun ikaw pa ba wag mo ishut down hanggat kaya pa pwede naman kitang tulungan ah" sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito sa akin

"Maaasahan talaga kita Danielle" he smiled

"Ako pa ba" I laughed "sige kuya, next time na tayo mag-usap gutom na si Hillary" sabi ko sa kanya at tumango naman sa akin saka nagbabye kay Hillary na mabilis namang sinagot ni Hillary.

Lumabas na kami ng university, madami ang bumabati sa akin at kay Hillary, friendly din kasi tong si Hillary manang mana sa mama nya. Yung ibang ugali ni Hillary nakuha nya sa akin, ilang beses nga ako sinabihan ni papa na nakikita nya ako kay Hillary pero mas kaugali nya talaga si Althea parang yung mukha nya, mas kahawig nya si Althea parang ang nakuha nya lang sa akin yung mata eh.

"Daan tayo sa café, mommy. Please" Hillary said pagkasakay namin sa car

"Why?" I asked her

"I just want to buy chocolate drinks, medyo inaantok kasi ako sa school eh"

"May nalalaman ka ng ganyan ah" Natatawa kong sabi sa kanya

"I saw you every time you're sleepy in your work you drink coffee eh diba sabi mo di pa ako pwede kasi baby pa ako kaya chocolate drink nalang"

"Okay okay, ngayon lang yan ah, di pwedeng palaging umiinom nun magiging makulit ka"

"Makulit na ako mommy"

"Behave ka pa naman kahit papaano" I answered at tumawa sya, sakto namang pasok ni Enzo. "Sa café muna tayo pumunta Enzo, before sa company" I said tumango lang naman ito at nagsimula nang magdrive papunta sa café.

Pagkadating namin doon, excited na lumabas si Hillary sa sasakyan at mas inunahan pa ako, sakto namang andoon si Raylee sa labas kaya nakaorder sya kaagad. 

"Ang talino ng anak mo Danielle, manang mana sayo" sabi nito sa akin habang nakatingin kay Hillary na nakaupo na sa table for 2 at tahimik na nag-aantay sa akin habang nakangiti

"Ganun talaga, anak ko yata yan" sagot ko sa kanya na ikinatawa nya, tinapik ko naman sya sa balikat bago ako naglakad palayo sa kanya pero bigla akong tinawag ulit nito, when I looked at her mabilis syang lumapit sa akin at pinakita ang phone nya

"What's with that"

"Read the news" She said. I get her phone and read the news. 

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, it's Amira, nabalita na nagdivorce na sila ng asawa nyang si Damian. It was said that the reason for the divorce is fake marriage, linoko lang ni Damian si Amira for money

"Ang sakit Danielle, pinalaya ko sya para sa kaligtasan nya matapos kaming bantaan ng kamatayan tapos ngayon sinaktan sya ng sobra ng asawa nya"

"So what's your plan now?" Tanong ko sa kanya

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon