Chapter 10

1.6K 42 2
                                    

Arissa's POV

2 weeks na since nagtrabaho ako kay Danielle, maganda naman ang result, madali syang pakisamahan pati ang ibang mga katrabaho ko dito. May sarili rin akong room pero mas ginugusto kong magstay sa office ni Danielle. Ang sarap kasi nyang pagtripan kapag medyo busy sya eh, hindi sya napipikon, minsan kasi sinasakyan nya. Ako pa nga ang napipikon sa amin dalawa.

Ang gusto ko lang makita si Danielle na tumawa, as in yung sasakit yung tiyan nya pero yun yung hindi ko magawa, ngungiti lang sya pero hindi mo sya makikitang tumawa. Yung ngiti nya din makikita mong may halong sakit at lungkot.

Naiintindihan ko sya pero hindi ako mapapagod na magtry na tumawa si Danielle at ngumiti na puro kasiyahan lang.

"Good morning Danielle" sabi ko sa kanya pagkalabas nya ng comfort room ng kwarto nya, halatang nagulat pa sya sa akin dahil napaatras sya

"Ang aga mo ah" she said

"Di ka pa ba nasanay, eh 2 weeks na tayong magkatrabaho" I said with a smile pero tumango lang naman ito sa akin saka pumunta sa dresser nya at nagblower ng hair nya, nakatayo lang naman ako sa likod nya at tinitignan ang maganda nyang mukha habang busy syang magblower.

Sobrang ganda nya. 

Di talaga nagkakamali yung kapatid ko sa sinabi nya sakin. Akala ko nung una bakla yung batang yun tapos crush pala si Danielle. 

Ilang taon na pala toh si Danielle? Once sabi nya magkasing edad lang kami pero parang ayokong maniwala eh parang mas matanda pa ako.

Since nagkasama din kami ni Danielle, medyo nagkaron ako ng laman sa katawan ko, nung nasa Surigao kasi ako bihira lang ako makakain kasi busy sa trabaho tapos hindi pa usually healthy foods ang kinakain pero nung andito ako halos ipalamon sa akin ang pagkaing linuluto ng maid nya eh.

Tinatawanan naman ako ni Hillary kapag busog na busog na ako pero pinipilit ako ng mommy nya. Minsan may pagkabully din yung dalawa yun eh. 

Si Hillary naman, nakakausap ko sya minsan pero masasabi mo talaga ilap sya sa akin, kahit naman sa mga taong first time lang nya makita ganun din sya.

Parang si Danielle, kahit wala kang nakikita pareho silang may high walls na nakapaligid sa kanila at mahirap gibain yun na kahit ako hindi ko magawa yun pero hindi ako susuko.

"You told me na 2 weeks ka nang nagtatrabaho as personal assistant ko diba?" Nagulat ako nung biglang nagsalita si Danielle, nagpaplantsa na sya ng buhok nya ngayon

"Yes," sagot ko habang tumatango. Tumingin naman sya sa akin. "Maybe this is the time na dagdagan ko na yung trabaho mo," she smirked. 

Nagtaka ako sa sinabi nya, idagdag mo pa yung ngiti nyang parang may kakaiba.

"Can you take me some clothes from the closet?" 

Napanganga ako sa sinabi nya.

I mean, p-pati undies? Di ko naman siguro sya bibihisan diba?

Pero ang weird parin baka naman every time na magkikita kami maiisip ko yung nasa loob ng damit nya syempre ako naghanda eh. 

"Hey, are you listening to me?" she asked while waving her hand in front of me. "Pakikuhaan ako ng damit sa closet. Please" 

"Ha?" Tanong ko. 

She sighed.

Baka galit na toh.

"I-I mean, asan yung closet mo?" Tanong ko sa kanya

"See that translucent glass door? Pagdating mo dyan, islide mo pa-right then pasok ka nasa closet ka na" 

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon