Chapter 8

1.5K 35 0
                                    


Arissa's POV

"Ate!" Masayang salubong sa akin ng bunso kong kapatid na si Brent sa pintuan ng bahay namin pagkalabas namin

"Anak, kamusta na?" Tanong sa akin ni mama na masayang nakangiti, sabay ko silang yinakap ng matagal dahil namiss ko sila ng sobra. Sa tagal ba naman naming hindi nagkita dahil nagtrabaho ako sa Surigao kasama si Billy.

Masaya kaming nagyayakapan nung biglang lumapit si Enzo sa amin habang dala ang gamit ko, nginitian ko lang naman sya at kinuha yun. Umalis na sya after nun at pumasok na kami sa loob ng bahay

"Hay salamat nakauwi na rin" sabi ko sabay upo sa sofa na matagal kong namiss

"Sino yung lalake ate? Boyfriend mo?" Tanong ni Brent sa akin pagkaupo nya sa tabi ko, mabilis naman akong napatingin sa kanya

"Pogi naman pala Arissa eh, ang sosyal pa ng sasakyan nya ah di nga lang namamansin at di nagsasalita" sabi ni mama sa akin, natawa naman ako ng mahina sa kanila

"Hindi yun si Billy, si Enzo yun driver ng boss ko"

"Driver ng boyfriend mo? Kapal naman ng boyfriend mo ate di ka magawang ihatid"

"No, hindi naman na si Billy yung boss ko eh kaya nga nakabalik ako dito sa Manila kasi tinanggalan nya ako ng trabaho doon" sagot ko, mabilis namang sumimangot si mama pagkalapag nya ng tray na may lamang 3 baso ng juice at umupo sa upuan sa harapan namin ni Brent

"Natanggal ka? Bakit?"

"Misunderstandings lang, break na din kami kaya tama lang"

"Sino yung tumulong sayo ate?"

"Si Danielle, namamasyal sya doon sa resort na pinagtatrabahuan ko tapos naging close kami kaya nung natanggalan ako ng trabaho doon, binigyan nya kaagad ako tapos doble pa yung taas ng sweldo ko kesa sa Surigao" nakangiting sabi ko sa kanila, nakatingin lang naman sa akin si mama habang umiinom ng juice

"Sino Danielle?" Tanong nito, uminom muna ako ng juice bago sumagot

"Danielle Alejandro po" Nagulat ako nung pagkabanggit ko ng pangalan nila pareho silang nasamid maski si Brent kaya tinapik tapik ko yung likod kakaubo, medyo natatawa pa ako sa itsura nya.

13 years old palang si Brent kaya tinutulungan ko si mama na mapa-aral si Brent since wala namang regular na trabaho si mama, tatawagin lang sya kapag may ipapalaba na naman sa kanya minsan sumaside line sya pero hindi parin sapat yun dahil sa pang-araw araw naming pagkain kaya minsan hindi na kami nakakakain ng tatlong beses tapos nakilala ko si Billy kaya ayun nabigyan ako ng trabaho sa Surigao, kahit malalayo ako sa kanila tinanggap ko nalang para rin naman sa kanila yun eh. Saka sabi ni mama tama na yung mapunta nalang ako sa Mindanao kesa sa ibang bansa, may point din naman sya kaya tinanggap ko na.

"Ang swerte mo ate" sabi ni Brent

"Ha? Bakit naman?

"Sulitin mo na yun anak" sabi ni mama sa akin. 

Napasimangot naman ako, hindi ko sila magets, seryoso.

"Sikat yun si Danielle Alejandro dito sa Pilipinas dahil sya ang pinakamayaman. Sya yung may-ari ng kompanya ng mga kilalang sasakyan ngayon." sabi ni Brent sa akin. "Yung sinakyan mo nga kanina, isa yon sa mga nagawa ng kompanya nya kaya akala ko sobrang yaman nung boyfriend mo. Mahal kaya yung mga sasakyan na gawa nila. High quality pa." Dagdag nito. 

Napatingin naman ako sa kanya

"Bakit naman ang dami mong alam about kay Danielle Alejandro?"

"Eh syempre nakikita ko sya sa news at hinahangaan ko sya. Ang ganda pa nya, mabait daw yun eh." Nakangiting sagot nito sakin. "Gusto ko maging katulad nya paglaki ko gusto ko din maging mayaman tapos gagawa ako ng mga sasakyang sikat tapos idadrive ko yun. Sana nga makasakay ako doon sa sinakyan mo kanina eh" 

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)On viuen les histories. Descobreix ara