Chapter 11

1.4K 38 1
                                    

Danielle's POV

"Danielle, dapat hindi mo na ginawa yun," sabi sa akin ni Arissa pagkalabas namin ng private room ni Brent.

"Why?" I asked

"Sobra na eh, una binigyan mo na ako ng trabaho tapos ngayon ikaw maggagastos para sa operation ng kapatid ko"

"Arissa, bata si Brent, may anak din ako, kung anak ko yung magkakaganun gagawin ko ang lahat para sa kanya. Ganun din naman siguro ang gagawin mo diba? Lalo na yan kapatid mo pa" sagot ko sa kanya, wala naman syang nasabi, yumuko lang sya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya yinakap ko sya. "Please just accept my offer, di naman kita sisingilin eh" I said

"Pero Dan---"

"Sige reklamo pa, hahalikan talaga kita" I cut her words kaya ayun yumuko sya ulit.

Naalala ko na naman yung time na hinalikan ko sya sa may cave. Argh! 

"Wag nang makulit ha?" Sabi ko sa kanya at tumango lang naman sya. 

After namin mag-usap umuwi na ako, at pagdating ko sa bahay naabutan si Hillary na nagbabasa ng libro sa sala. Mabilis naman akong napatingin sa oras at nakita kong 11pm na

"Hi, baby bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sa kanya, tumingin naman sya sa akin

"I'm waiting for you mommy, akala ko kung nasaan ka na eh" sabi nya sa akin, hinalikan ko nalang sya sa forehead at nagsorry.

Tinanong ko kung nasaan yung maid na nagbabantay sa kanya, mabilis itong nagpakita sa akin, nag-cr lang pala

"Pwede ka na matulog, salamat sa pagbantay kay Hillary ha? Sorry kung napuyat ka" sabi ko sa kanya

"okay lang po ate Danielle, masaya naman bantayan si Hillary eh" sagot nito sa akin at saka pumunta sa kwarto nya, binitbit ko naman si Hillary paakyat sa kwarto nya at hiniga sya dahan dahan sa kama nya

"Mommy, saan ka po ba galing?"

"Sa hospital galing si mommy"

"Hala mommy why? May masakit sayo? Gamutin natin mommy"

"Hindi baby, yung kapatid kasi ni ate Arissa, nagkasakit kailangan dalhin sa hospital kaya tumulong ako" mahinahong sabi ko sa kanya, ngumiti naman ito sa akin

"Superhero ka talaga mommy" she said at yinakap ako, buti nalang Friday ngayon at walang pasok si Hillary bukas kung hindi puyat toh pagpasok. Binantayan ko si Hillary hanggang makatulog sya, malapit na palang magbirthday ang anak ko. Next week 6 years old na sya.

Nung nasigurado kong nakatulog na si Hillary, pumunta na ako sa room ko at nagshower. 

Hindi naman mawala sa isip ko si Arissa, yung bahay nila maliit lang, sa may tulay pa. May mama sya eh si Althea wala, kahawig pa nya ang mama nya. May kapatid din syang bunso, eh si Althea si kuya ang meron sya.

Speaking of kuya Liam, matagal ko na syang hindi nakikita siguro magandang itanong ko nalang yun kay kuya Stephen?

Pagkalabas ko ng bathroom, nagbihis kaagad ako at nagblower, habang nagboblower. Si Arissa pumasok na naman sa isip ko, yung damit na binigay nya sa akin, nakakapag-alala sa akin yun kay Althea, kaya ganun nalang ang reaksyon ko. Pati yung perfume

"Ano yan?" Tanong ko kay Althea nang makita syang may dalang ilang hanger na mula sa closet ko habang busy akong mag-ayos ng sarili ko para sa party ngayon dahil birthday ni Kaye, pinsan ko

"Damit malamang?" She answered, natawa naman ako as I rolled my eyes on her

"Di, what I mean is bakit yan yung napili mo"

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon