Chapter 5

1.6K 41 0
                                    

"Ang saya ha? Ano na bang nangyari?" Tanong sa akin ni Jamie habang nakatayo kami sa gilid ng beach habang ang mga paa namin ay natatamaan ng alon

"Wala naman, nagiging close na kasi kami ni Althea"

"Correction, her name is Arissa"

"I know but I like it when I call her Althea, magkamukha sila eh"

"Di ka ba nagtataka kung bakit ganun Danielle?" Nagipon ako ng hangin sa bibig ko before blowing it out and speak

"Nagtataka, kasi sa pagkakaalam ko walang kambal si Althea" sagot ko sa kanya habang nagkakamot ng batok, lumapit naman sa amin sila Ken at Samantha

"What are you talking about guys? Kayo ha, palagi kayong may sariling buhay, 6 na nga lang tayo dito eh" sabi ni Samantha sa amin kaya natawa kaming dalawa ni Jamie

"Naiisip lang namin kung bakit magkamukha si Althea at Arissa eh sa pagkakaalam namin wala syang kambal"

"Oh yan yung pinag-uusapan namin ni Sam kagabi" sabi ni Ken

"Uso isama kami," sabi ni Kristine na tumabi kay Jamie at kinurot sya sa gilid dahilan para mapasigaw sya "ito si Jamie iniiwan ako, matapos mo akong pagurin kagabi" Natatawang dagdag pa nya.

"Wow, grabe talaga, ako may 9 months pang aantayin," sabi ni Ken na ikinatawa naming lahat.

"Alam nyo guys wag muna natin intindihin ang mga bagay na ganito, set aside muna natin yan si Althea at Arissa, kaya nga tayo andito kasi kailangan nating maglabas ng stress from our works and businesses eh" sabi ni Raylee at nagtanguan naman kami

"Hi guys, goodmorning, what are your orders this morning?" Tanong sa amin ni Nicole na nakasuot ng two piece, napatingin naman ako sa kabuuan nya

"Pst, stop checking her out kala ko ba di malikot mata mo?" Bulong sa akin ni Ken, hinampas ko lang naman sya sa balikat nya kaya sya natawa ng sobra

"Umm, mamaya nalang kami kakain, curious kami kung may iba pa bang activities dito?" Tanong ni Kristine kay Nicole

"Yes we have, meron kami dito yung fishing then pwede yun yung kainin nyo para sa lunch, wanna try it? Meron din mga water rides pero meron din naman sa land"

"We'll try everything, I'll pay it" I said while raising my right hand kaya napatingin sila sa akin

"Hindi, ambagan tayo, mga rich kids kaya tayo" sabi ni Jamie

"Luh matanda ka na noh" Pang-aasar ni Samantha sa kanya

"Hoy, 25 palang ako noh, mas matanda pa nga si Raylee sa akin eh"

"Bakit ako nadadamay dyan? Bata pa ang 26 noh"

"Kita mo?" Mapang-asar na sabi ni Jamie kay Raylee kaya ayun tinulak sya ni Raylee sa dagat saktong may alon kaya nagtawanan kaming lahat kasi nakainom ng tubig dagat si Jamie "ang alat, puta" she cursed

"Bakit may dagat bang maasim?" Natatawang tanong ko sa kanya, halata namang napipikon na si Jamie pero sinasakyan parin nya yung trip naming magbabarkada. Sumunod na kaming lahat kay Nicole at dinala sa lake kung saan pwedeng mamingwit

"Patong nalang kayo doon" sabi ni Nicole sa amin kaya pumatong kami sa pinagtagping tagping kawayan pero muntik itong tumagilid nung tinalon ni Raylee

"Nasisiraan ka na ba?!" Inis na tanong ko kay Raylee habang nagtatawanan ang iba, pano ba naman kasi nakatayo ako sa gilid kaya muntik akong malaglag kung hindi ako nakahawak sa hawakan

"Chill lang Danielle" nagulat ako nung biglang may nagsalita sa likod ko, liningon ko ito at mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ko, si Arissa kasi yung nasa likod ko eh may dala syang timba

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon