Chapter 12

1.5K 38 9
                                    

Arissa's POV

"Ang daya pupunta ka ng Macau at Hong Kong tapos kayo lang ni ate Danielle" sabi ni Brent sa akin habang nasa loob sya ng kwarto namin

"Eh ako lang yung binilan ng ticket ni Danielle eh"

"Ate ang swerte mo kay ate Danielle" malungkot na sabi nya "bakit kasi ang bata ko pa hindi ko tuloy makuha yung crush ko tapos feeling ko ikaw ang gusto nya eh, hindi ba sya straight?" Nagbikit balikat nalang ako sa tanong nya sa akin. 

Ayokong sabihin kay Brent yung about kay Danielle.

Kanina lang binigay sa akin ni Danielle yung ticket namin papunta sa Macau, sinabi din nya na sinagot nya yung pagpagawa ng passport ko. Sa totoo lang hindi talaga ako naiinis sa kanya nahihiya na ako kasi ang dami nyang gastos sa akin, sakto na sana yung papaoperahan nya yung kapatid ko sa US tapos sya ang magbabayad pero iba na kasi yung mga gastos nya ngayon eh

I understand naman na gusto nya ako pero paulit ulit akong sinasampal ng katotohanan na kaya lang naman ganun si Danielle kasi nakikita nya sa akin yung asawa nya, yung mama ng anak nya at kahit kailan hindi ko matutumbasan yun.

Kamukha lang naman eh.

Oo inaamin ko, gusto ko si Danielle, gustong gusto ko sya since nagpunta sya sa bahay namin at nakipag-usap kay mama nagustuhan ko sya at dahil doon ilang beses na din ako ginugulo nung babaeng nagpapatibok ng puso ko sa panaginip ko. 

Baliw na ata ako para mainlove sa isang taong nasa panaginip lang nag-eexist.

Ilang araw na din akong kinukulit ni Billy pero masyadong mabilis si Danielle at nagagawa nya akong protektahan kay Billy, kagaya ng sinabi nya na hindi ako mapapahamak pag nasa kanya ako, tinutotoo nya yun.

Kaya nasabi kong safe ako sa tabi nya.

"Sabihin mo nga sa akin gusto mo ba si Danielle?" Seryosong tanong sa akin ni mama habang nagluluto ako

"Ha?" Tanong ko sa kanya "d-di ko alam"

"Arissa, alam ko namang hindi ka straight wag mo nang itago, ilang beses ka kayang nagsasabihing babae ang mahal mo pag tulog ka" sabi ni mama, nanlaki naman ang mata ko

"Panaginip lang naman yun ma eh"

"Pero kung straight ka talaga, hindi babae ang babanggitin mo" I sighed, tama si mama hindi ako straight pero natatakot akong aminin sa kanya yun kasi baka magalit sa akin

"Okay. Opo ma, bi ako at gusto ko si Danielle pero di pwedeng maging kami, may asawa na sya ma at may anak na rin. Magiging pangalawa nalang ako sa kanya palagi dahil iba parin talaga ang unang taong minahal" sabi ko kay mama

"May anak at asawa na pala yun? Edi parang ginagawa ka nyang kabit?" Parang inis na tanong ni mama

"Patay na yung asawa nya ma tapos sabi nya sa akin hindi daw legal yun kasi silang dalawa lang ang nakakaalam nun. 1st year college palang sila noon eh" sabi ko sa kanya, naramdaman ko namang yinakap ako ni mama sa likod

"Walang mali anak kung patay na yung asawa nya, kaya siguro puno ng kalungkutan ang mata ni Danielle pero nakita ko sa mga tingin nya sayo, magiging masaya sya ulit kapag nasa tabi ka nya. Feeling ko gusto ka din ni Danielle"

"Sa totoo lang sinabi nya sa akin na gusto nya ako at nung isang araw sinabihan nya ako na mahal na daw nya ako pero ang hirap paniwalaan kasi nakikita nya lang sa akin yung asawa nya eh"

"Nahihirapan kang maniwala kasi sarado ang puso mo pero pagsinubukan mong buksan para kay Danielle, makikita mo ang totoong ibigsabihin ng pagmamahal nya sayo" sabi nya sakin, napatingin naman ako sa kanya "wag mo na kasing alalahanin si Billy, feeling ko kaya ka nagkakaganyan kasi nasaktan ka ni Billy"

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now