Chapter 16

1.5K 38 3
                                    

Arissa's POV

"Aw!" Nagising ako bigla nang marinig ko ang isang mahinang sigaw. Pagkadilat ko nakita ko si Danielle na nakaupo na sa kama nya pero nakahawak sya sa bandang tiyan nya

"Danielle, okay ka lang ba? Saan banda yung masakit, wait tatawagin ko lang s---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung bigla nya akong hinatak papunta sa kanya at yinakap ako

"You can't go anywhere Arissa. Please stay by my side. Kasi pag nawala ka, I'm not able to follow you" sabi nya sa akin habang sinusubsob ang mukha nya sa damit ko, nasa bandang tiyan ko sya, di ko naman mapigilang hindi makiliti, may kiliti kaya ako sa part na nahahawakan nya

"Saan naman ako pupunta Danielle?" I asked, this time umiiyak na talaga sya. Wala nalang akong ginawa kundi yakapin sya at icomfort. "Di ako aalis sa tabi mo Danielle, dito lang ako" I gave her an assuring smile nung lumuhod ako para mapantayan ko sya. Nakatitig lang sya sa akin habang pinupunasan ko yung mga luha nya sa pisngi. Siguro nanaginip na naman yung babaeng toh.

Pagkatapos kong punasan, tumayo na ako, para naman syang nagulat at parang tatayo na pero hindi nya magawa dahil masakit talaga yung part na nasuntok sa kanya

"Wag kang mag-alala di ako aalis kukuhaan lang kita ng damit" sabi ko sa kanya, nakasuot lang kasi sya ng extra-large na damit para hindi matamaan yung bandage na nakabalot sa katawan nya. Naglalakad na ako papunta sa closet nya nung bigla akong natitigilan sa sinabi nya.

"I love you Arissa" sabi nya habang nakatalikod parin sa akin. Napakagat ako sa labi ko, gustong gusto kong sagutin pero gusto ko munang magpakipot at hindi pa ako ready.

Pinipigilan kong kiligin. 

"I really do." Dagdag pa nya, pumasok nalang ako sa closet at doon nagtatalon habang inaalala ang sinabi nya sa akin, hindi ko naman yun pinahalata baka mawala na ng thrill sa kanya.

Pagkakuha ko ng maayos na damit para sa kanya, bumalik na ako ulit sa harap nya, nakatingin lang sya sa akin mababasa mo sa mata nya ang saya pero nahahaluan parin yun ng takot at lungkot.

"Mahal mo ako?" Tanong ko sa kanya habang nakasabit ang damit nya sa braso ko, tumango naman ito "ligawan mo muna ako, di naman ako easy to get" sabi ko sa kanya at nagcross arm, napansin ko namang napangiti si Danielle sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko

"Hinding hindi ako mapapagod kahit pa sagutin mo na ako" she said while smiling, napangiti naman ako sa sinabi nya, nagawa ko pang kuritin ang pisngi nya dahil sobrang cute nya

"Ang advance mo mag-isip" sabi ko sa kanya saka binigay ang damit nya at lumayo, magbibihis kasi sya eh ayoko namang makita yung ano nya.

"Doon din naman yung mapupunta" she said sabay hubad ng t-shirt nya at sinuot ang damit na binigay ko. Napakagat na lang ako ng labi ko habang tinitignan ang hotness ni Danielle na ngayon ay dahan dahan nang tumatayo at papalapit sa akin. "Stop staring me like that, baka mauna ka pang humiga sa kama bago mo ako sagutin" she said while smirking. Mabilis namang napalitan ng simangot ang ngiti na nasa labi ko sabay hampas ng braso nya

"Bastos"

"For you only" she winked at saka lumabas sa kwarto nya. Napakamot naman ako ng ulo ko at pilit na tinatanggal sa isipan ko kung ano ang itsura ni Danielle habang nakapatong sa akin nang walang damit.

Ang sama mo brain, ang sama mo!

Sumunod na din ako kay Danielle na ngayon ay nasa dining area na at kasama ang anak nyang kumakain ng pancake. Masayang sinubuan ni Hillary si Danielle dahil nagpapacute ang mommy nya

Parang bata rin talaga eh.

Hanggang ngayon wala parin akong balita about sa kapatid ko na nasa hospital sa US. Hindi ako mapakali sa mga naiisip tapos dumagdag pa si Danielle na binugbog ng ex ko. Sa totoo lang nung nakita ko yung time na yun, para akong may naalala bigla. Naalala ko yung babae sa panaginip ko.

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now