Chapter 35

399 4 0
                                    

Chapter 35 (Short Update)

It's amazing how time fast forwards when I'm with you. It's like you're making every day perfect.. memorable.

-Christalline

----

Marcus' P.O.V

'Day 142; October 15'

Maaga akong gumising.. Grabe.. ang bilis naman ng oras.. 142 days na kagad ang nakakalipas simula nung bet..

Dalawang taon nalang yung natitira.. para samin ni Christalline. 😱Ano ba yang sinasabi mo Marcus! Wala na nga eh!

I shook my head at bumaba na sa kusina, this will be a long day..

Kumuha ako ng grahams at dinurog yun, nilagyan ng secret recipe ko then niroll yung bawat isa, nilagyan ko ng chocolate/caramel syrup then nilagay sa freezer.

Ibabaon namin yun mamya.

6:24 am palang kaya naman napagdesisyunan ko na magluto ng something special for breakfast.

Kumuha ako ng tasty at naglagay ng spam and hotdog na chinop sa loob then binalot, then dinip ko sa egg, flour, bread crumbs. Gumawa ako ng maybe 4-6? Tapos pinirito ko. After that nagmix din ako ng flour, baking powder, sugar, eggs, etc. para makagawa ng pancake mix tapos shinoot dun sa mix yung oreos tapos pinirito ko din, gumawa ako ng 15 pcs. nun.

8:01 am na ng natapos ako kaya naman kumuha na ako ng plato at inilagay yung oreo with pancake sa gitna at nilagyan ng chocolate syrup with design and a piece of kitkat sa gilid for plating. Then yung tasty naman nilagyan ko lang ng leaf sa gilid at chopped spam sa gilid for plating.

Inihain ko na yun sa dining table at napansin ako si manang Lourdes.

"Preparing breakfast huh? Ano ang okasyon ha at naghanda ka ng ganyan?" biro niya.

"Ah wala po.. gusto ko lang po" sagot ko.

"Well that's weird. Wag kang ganyan, baka maisip ko na nasisiraan ka na ng ulo! Hindi kita nakikitang nagluluto simula nang magkaaway kayo ni E-- sorry." paumanhin niya.

Gr. 3 palang nagluluto na ako, nag iimbento ng bagong lutuin tapos ang assistant ko eh si Ethan. Pero simula nang magkaaway kami eh hindi na ako nagluto ulit.

"Ok lang po.. Kuha kayo ng ganto sa kusina oh! Para matikman niyo naman kung may nagbago ba sa luto na itinuro niyo sakin." sabi ko

"Osige!" sabi niya bago umalis.

Unang bumaba si Ethan sunod si Christalline.

"Oohh.. Oreos?" tanong ni Ethan.

I nod.

"I remember when we were kids, we used to play chefs. Si Marcus yung nagluluto at ako naman yung tagatikim." pagkukwento niya.

"Oo, kaya nga ang taba mo dati eh!" banat ko.

"Ikaw nga puro paso yang kamay mo noon eh kaya magaspang!" bwelo naman niya.

We laughed.

Manang Lourdes' P.O.V

Matanda na ako pero sariwa pa sa alaala ko kung gaano kalapit sa isa't isa noon si Ethan at Marcus.

Tuwing magluluto ako at maaamoy nila ito eh agad silang tatakbo sakin. Si Marcus magpapaturo at si Ethan titikim.

Tinuruan ko silang maglaro ng chef. Nagluluto si Marcus ng kung ano ano.. kadalasan imbento, tapos noon si Ethan naman yung titikim kung pasa ba sa lasa.

Nakakatuwa lang na makita na nagtatawanan ulit sila.. Yung para bang walang nangyari sakanila. Yung parang dati. Walang away.. Puro saya lang.. Puro ngiti.

More Than Just A BetWhere stories live. Discover now