Chapter 48

330 5 0
                                    

Chapter 48

My heart stops everytime you look at me.. but there is just no exact words to describe the feeling I get whenever you're around.

-Christalline

----

Dec. 19
'Day 928'

Christalline's P.O.V

Kahapon kami umuwi galing sa retreat and masaya ang linggo na yun.

Ngayun eto kami exam na kasi.. hayst.

Dec. 19-21 yung examination dates namin, unlike dati, mas mahaba yung oras like maybe 4-5 days ang exam.. pero naging busy december kasi eh kaya eto taranta ang lahat.

Dec. 21
'Day 930'

Marcus' P.O.V

Masyado na kaming naging busy these past few days kaya hindi na din namin napansin na tumatakbo ang oras and I'm wasting time.

Mamayang gabi magcecelebrate kami nila Luke ng isang animal party sa bahay in celebration of the end ng examination week a.k.a hell week.

7:00 pm

Maayos na ang buong bahay, sa counter may mga drinks, may cocktails, may bartender.. etc.

Narinig ko na yung mga paa sa hagdan, I was expecting Christalline but it turned out na si Ethan pala.

Kumuha siya ng glass of vodka sa counter, ruining the perfect triangle glasses na ginawa ni Luke kanina.

"Hey put it back!" utos ko.

Binitawan niya yung glass at narinig ko ang pagkabasag nun.

"Ooops.. sorry"

Hindi ako makapagpigil sa galit kaya nilapitan ko siya.

"Stop there dude.. kelangan maayos ang itsura ko, pupuntahan ko pa yung barkada ko eh" mapang asar na sabi niya.

Itinaas ko ang kamay ko handang suntukin siya nang marinig ko ang boses ni Christalline.

"Marcus.." tawag niya.

"Pasalamat ka andito si Christal" bulong ko kay Ethan

Tumalikod siya sakin.

"Sunud sunuran ka lang naman eh." bulong niya..

Sumabog na ako at susuntukin sana siya sa batok.

Agad kong naramdaman ang kamay ni Christalline sa kamay ko.

"Pet" pang aasar pa ni Ethan.

Christalline's P.O.V

Alam ko na isa sa mga consequences sa pagmamahal ng isang Marcus Luttrell ay ang kanyang pagiging short-tempered.. para nga siyang may dalaw everyday eh. But this is just a part of him that I love.

Nakita ko na bubwelo nanaman si Marcus nang magpasukan sila Luke. Agad naman nilang naintindihan ang nangyayari at tumakbo para tulungan akong pigilan si Marcus.

"Get out Ethan!" sigaw ko kay Ethan. Ayoko sa lahat ang sinisigawan siya kasi in the first place. Alam ko kung bakit siya ganyan, at ako yung taong nangako sakanya na iintindihin siya till the rest of our lives.. but his words are all under the belt.

"What?" kunot noong tanong niya sakin.

"Just get out Ethan" mahinang utos ko.

Magsasalita pa sana siya nang muli akong sumigaw habang tinuturo ang pinto.

"Labas!. Kung hindi mo kaya baka gusto mong pagbuksan nalang kita ng pinto." sabi ko.

He looked at me as if he was so lost.. Lumabas na siya and after a few minutes nagdatingan na ang mga bisita namin at nagcooldown na si Marcus.

More Than Just A BetWhere stories live. Discover now