Chapter 53

320 5 2
                                    

Chapter 53

----

Christalline's P.O.V

February 9

34 days nalang at graduation na.

Nakauwi na ako dito sa NYC. nagstay kami dun sa LA for a week, nagkaayos na din kami ni mama.. Pero kami ni Marcus hindi pa.

Speaking of Marcus, hindi na niya ako pinansin pa, magkaklase nga kami pero talagang hindi na niya ako magawang tingnan, tuwing kakausapin ko naman siya aalis siya. Marcus ano na bang nangyari satin?

Bukas monday and start na din ng week of love. Hay, ayoko nalang pumasok.. pero kailangan ako ng gazette at photography club.

Walang classes this week dahil puro booths lang at puro games, etc.

Umupo ulit ako sa upuan na nilagay ko sa tapat ng bintana. Umaasa na babalik siya dito, na uuwi ulit siya.

Hindi ko na din napigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Again, umiyak nanaman ako. Nakakasawa na, ayoko na ng ganto. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganto Marcus?

Narinig ko ang katok sa pinto, si Ethan yan panigurado, pipilitin nanaman akong kumain ng dinner.

Hindi ako nagsalita, tumitig lang ako sa labas ng bintana.

Narinig ko ang kalabog niya pero still.. hindi ako gumalaw, masyado na akong nanlalata at nanghihina para magsalita o pagbuksan siya ng pinto.

Maya maya lang narinig ko nang bumukas ang pinto at naramdaman ang yakap niya sa likod ko.

"Christalline ano ba nangyayari sayo? Diba sabi ko wag na! Tama na!" Sigaw niya.

"Kelan uuwi si Marcus dito?" Tanong ko.

"Christalline magising ka na sa katotohanan na hindi ka babalikan ni Marcus!" sigaw pa niya.

Tumulo na ang luha ko, inangat ko ang mga paa ko at niyakap ang tuhod ko.

Binuhat ako ni Ethan at inihiga sa kama.

"Kumain ka na" mahinahong sabi niya.

"Busog pa ako" sabi ko.

"Busog? Nakakabusog ba ang paglunok ng laway buong araw? Christal, hindi porket iniwan ka niya eh katapusan na ng mundo!" Sigaw niya sakin.

"Out" utos ko.

"Kumain ka" pagmamatigas niya.

"Umalis ka na Ethan!!" Sigaw ko.

Nakita ko ang takot at pag aalala sa mga mata niya bago siya umalis.

Pinikit ko nalang ang mata ko.. and before I knew it, nakatulog na ako.

The next day, maaga akong nagising madami pa kasi akong gagawin sa school.

Pumasok ako nang naka-skinny jeans at naka v-neck na tshirt, then converse.

Pwedeng magsama ng outsiders kaya naman madami nang tao dito sa grounds.

Dumiretso ako sa photography club.. inassign ko na sila sa kanya kanya nilang spot na pipicturan.

"What'll you do?" Tanong sakin ng bagong recruit na si Anna.

I looked at her. Natahimik siya.

Umalis na ako at dumiretso sa gazette, I'll do work, wala din naman akong gana makipag inter act sa mga magsyota na nagbobolahan sa baba.

Vienne's P.O.V

Nakita ko ang takot ni Anna.

"Don't worry, she's just.. she's just.." hindi ako makapag isip ng explanation.

More Than Just A BetWhere stories live. Discover now