Chapter 57

277 3 1
                                    

Chapter 57

Don't you understand how the people left behind feel?!

-Christalline

----

Christalline's P.O.V

Kakauwi ko lang sa condo, hinatid ko kasi si Ethan sa airport.

Natulog na ako at nag isip isip.. maya maya lang tiningnan ko na din ang facebook ko, wala kasi akong magawa.

Nagscroll-down ako sa news feed ko nang makita ko ang post ni Marcus, video yun kung pano siya nagpropose kay Kristina, he seemed so happy. I cried once again. The next post naman, post ni Kristina.

"Don't expect too much.. because you'll just hurt too much. Don't be a feeler girl, you're not much of a loss. He can live without you and he can't stand looking at you, he hates you so much that he begs you to leave him, so please? Get lost"

Yan ang nakalagay dun sa post niya.

Pinunasan ko yung luha sa mga mata ko. 4:00 pm palang naman.

Bumaba ako at dumiretso sa pet shop, inaliw ko ang sarili ko sa mga hayop na nandun. May mga aso, pusa at mga daga, pati isda at sisiw meron din.

Nakakita ako ng pusa sa may isang malaking glass room, mag isa lang siya.. katapat nun ang isang aso na mag isa lang din. Sila lang ang may malaking kulungan.

"Hey, ah.. why are they separated from the others?" tanong ko.

"They are sick and we can't put them together with the others" sabi nung saleslady.

"Do they have a veterinarian?"

"No, they don't have one, we just put them for show there and we just wait until the time they die.. we can't afford a veterinarian, it would take too much money" sabi niya sakin. Sabagay, maliit lang ang shop na to, at tago pa.. nakita ko lang naman to nung nag jogging ako.. hindi ko nga alam na 6 years na pala to dito eh.

"Can I buy them?" tanong ko dun sa saleslady.

"Yeah sure.. you can get them for free" sabi niya

"I'm sorry I'll pay them. Not because they are sick means they don't have value"

Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko.

"I'll also buy this and give me one sack of dog and cat food." sabi ko.

Agad naman siyang kumilos, at kinuha yung binili ko.. yung lalagyan ng pagkain, inuminan, bag and collars, tapos yung mga laruan ng aso at pusa. Hindi porket may sakit sila eh wala na silang halaga.

Nilagay ni ate lahat ng binili ko sa likod ng kotse ko, nilagay ko naman yung dalawa sa loob at pinahiga sa mga unan.

Naalala ko tuloy si Marcus.. siya lang naman ang bumibili sakin ng mga alagang hayop eh.

Tumawag ako kay Luke, Joshua, Clayton, Cloud and Liam to come by my place para tulungan ako sa pag aayos.

Dumaan muna ako sa WholePet Restaurant para bumili ng cake at cupcakes para dun sa dalawang alaga ko. Tradisyon ko nang pakainin ang mga alaga ko dito sa restaurant na to pag may occasion. Dumaan din ako sa veterinarian para pacheck-up yung dalawa. It turns out na mahina yung chow-chow and may problema naman sa utak yung siamese. Naawa tuloy ako, sabi ng doktor si Chilly, yung chow chow, mahina daw kaya may pagkakataon na matutumba tumba siya. Si Humpty naman yung pusa ko, makakalimutin daw at walang mananatili sa utak niya.

Lumabas na kami at umuwi, andun na sila Joshua at halatang gulat sila nang makita yung dalawa kong alaga.

Luke's P.O.V

More Than Just A BetWhere stories live. Discover now