Chapter 55

311 4 1
                                    

Chapter 55

"He faced his fears"

-Christalline

----

Christalline's P.O.V

Nagising ako the next day. Mamyang 12:00 midnight na ang flight ni Marcus at tuloy padin ang plano namin.

12:30 na ng tanghali nang magising ako.

Nakareceive ako ng text.. it's from Kristina.

[Hey, I just want to say thanks for everything.. I'm going to singapore already and I'll be continuing my life there with my fiance.. so again uh.. sorry if I didn't tell you about this.. Bye!]

Bumaba ako at nakita si Marcus at Ethan sa kusina na nagtatalo.

"Goodmorning" bati ko sakanila.

Napatingin naman sila sakin at bumati din. Pinaghandaan nila ako sa dining area ng omelettes at nangingitim na hotdog.

"Hayy.. mag cooking lessons kayo ah" sabi ko sakanila

Napatitig sila sakin.

"Hulaan ko ikaw, Ethan ang nakasunog ng hotdog" hula ko.

He nodded.

"Ha! Sunog" pang aasar ni Marcus.

"Ikaw naman Marcus, hindi ko naman kayang mabuhay nang araw araw, agahan, tanghalian, meryenda at hapunan, puro omelettes nalang" sabi ko naman sakanya.

This time siya naman ang inasar ni Ethan.

Napa iling iling nalang ako sakanila.

Maya maya, natapos na din akong pagtyagaan ang niluto nila at umupo na ako sa sala.

"Aalis ako mamyang 6:00 ah" paalam sakin ni Marcus.

"Huh? Bakit?" tanong ko.

Bago pa man makasagot si Marcus eh nagpasukan na ang barkada ni Ethan.

Kunot noo kong tiningnan si Marcus.

Umupo silang lahat at inexplain sakin ang plano.

Mamyang 11:30 dapat andun na ako sa jellyfish pond sa may river, ihahatid ako dun nila Troy and Ethan. Si Eunice, Dama at Monica ang maglilibang kay mama.. for sure kasi pupuntahan ako nun. Si Michael at Terrence naman ang bahalang manggulo sa opisina para hindi mapansin ni tito Dwayne na mawawala si Marcus.

So ang plano nga ni Marcus eh ayusin muna lahat ng trabaho niya para hindi na siya pinapasok pasok sa opisina ng papa niya.. then kapag nalilibang at natataranta na ang papa niya dahil kila Miguel at Terrence tsaka siya pupunta sa atm para kunin lahat ng pera at ilagay yun sa isang bank account ni Luke, yun ang gagamitin naming pang aral ng college hanggat wala pang mahanap na trabaho si Marcus. Sabi ko nga sakanya, hindi na dapat siya mag working-student but he insist. May naisip namang plano si Luke para madoble ang pera in just a month.

Buong hapon din kaming nag uusap para makasigurado na matutuloy ang plano.

Hindi namin pinapunta ang barkada namin sa bahay kasi baka sila ang unang tanungin kung asan kami at baka madamay pa sila.

Marcus kissed me on the forehead.

"I love you" sabi niya.

Nasa kwarto kami at nakaupo sa couch.

"I love you too" sagot ko.

"I love you three" pilosopong sabi niya.

I stared at his face.

More Than Just A BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon