Chapter 18

1.2K 38 0
                                    

Arissa's POV

"Jamie..." umiiyak na tawag ko kay Jamie habang pasakay palang sya ng sasakyan nya

"Oh bakit ka umiiyak? Di ka pa nagtatagal sa loob ah, may problema ba?" She asked me pero umiyak lang ako sa harap nya. Yinakap nya ako at pinatahan, sinabi nya na doon nalang muna kami sa bahay nila para makapagpahinga na ako

Kakagaling ko lang kasi sa airport, naisip ko na kasi na umuwi dito at sagutin si Danielle dahil nakwento ko na yung about doon kay mama tapos sinabi nya sa akin na kung mahal ko daw bakit kailangan pang patagalin, kung nagpropose na sinagot ko na daw.

Minsan di ko alam kung tama ba yun pero naisip ko na talagang gusto ko nang sagutin si Danielle tapos ganun ang maaabutan ko sa kanya? Yung nakikipaghalikan ay no, nakikipagsex sya kay Nicole, sa dating boss ko pa talaga?

Kitang kita kong sarap na sarap sla sa mga ginagawa nila. Halos nakahubad na si Nicole tapos gulong gulo ang itsura ni Danielle na halatang halata gustong gusto din nya eh. So wala lang pala sa kanya yung mga nangyari sa amin? Yung halik nya sa akin noon sa classroom nya wala lang yun? Sabi nya mahal nya ako diba? Nagkamali pala ako ng minahal na tao.

Akala ko hindi sya katulad ni Billy pero mas worse pa pala sya. Sabi nya hindi nya ako sasaktan pero anong ginawa nya, mas sinaktan pa nya ako kesa sa sakit na binigay ni Billy sa akin eh.

Minsan na nga lang magmahal eh...

"Alam mo kapag broken hearted ka, wag kang makikinig ng love song kasi mas lalo kalang masasaktan, ienjoy mo lang yung beat pero wag yung lyrics" narinig kong sabi ni Jamie habang nakatingin sa daan at busy magdrive

"Ikaw ba naranasan mo nang mabroken hearted?" Tanong ko sa kanya habang humahagulgol

"Naranasan ko na, pero worth it lahat dahil asawa ko na sya ngayon, anak nalang ang kailangan namin. Sobrang sakit ng bawat nararamdaman ko nun pinagtatabuyan nya ako dahil hindi nya ako kayang mahalin pero hindi ako umalis sa tabi nya. Kahit pa nagkaboyfriend sya nun at palagi silang lumalabas tapos magpapasundo pa sya sa akin ginawa ko paring ngumiti at maging masaya para sa kanya hanggang sa parang bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin tapos sa akin na sya ngayon" nakangiting sabi nya sa akin "Makakalimutan mo din yang sakit na nararamdaman mo" sabi nya sa akin napatingin na naman ako sa kanya

"Ang sama nya. Manloloko" sabi ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan

"Si Danielle?" Tumango lang ako at umiyak ulit. Inabutan naman nya ako ng tissue "did you let her explain?" Umiling ako

"Wala nang dapat iexplain, halata namang ginusto nila lahat ng ginagawa nila kanina eh"

"Ano pala ang nangyari?" Tanong nya sa akin nung pumasok na yung sasakyan nya sa isang gate na pinagbuksan ng isang babae na parang familiar na din sa akin "wait lang mamaya mo na ikwento andito na tayo sa bahay namin" she smiled at lumabas na kami. Nakita ko namang sinalubong ng halik si Jamie ng asawa nya.

Lumabas na din ako, napatingin ako sa bahay nila, malaki ito at maganda, puro pa puti halatang doctor talaga eh

"Hi" bati sa akin ng asawa ni Jamie pagkalabas ko ng sasakyan, nginitian ko lang naman ito tinulungan na akong magbuhat ng gamit ni Jamie at nung nakapasok na kami sa bahay nila, pinapunta kaagad ako ng asawa nya sa kusina, sumunod naman ako

Binigyan nya ako ng tubig, "uminom ka muna halatang nasobrahan ka sa kakaiyak, do you mind to share it?" She said with a smile. Nag-ipon naman ako ng lakas ng loob bago kinwento sa kanya ang lahat ng nakita ko kanina at tanging yakap lang ang natanggap ko sa kanya

Nanatiling kaming ganun nung bigla nyang sinabi sa akin na magpahinga muna daw ako dahil sobrang nakakapagod ang napagdaan ko. Tumango naman ako at pumunta na sa tinuro nyang room. Pagkapasok ko binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now