Chapter V

12.4K 788 10
                                    

Chapter V: Auctioning the potions

Nang makalabas si Finn sa kaniyang dormitoryo, nagulat siya nang makitang naghihintay sa labas ng kaniyang pintuan si Isake Reeve.

"Isake? Hinihintay mo ba ako?" nagtatakang tanong ni Finn.

"Parang ganoon na nga. Nagkulong ka sa dormitoryo mo ng dalawang araw at tinatamad ako dito dahil wala akong makausap. Alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko dito at halos lahat ng kasama natin ay nagmula sa Aristocrat Clan. Ayoko sa ugali nila." kamot sa ulong saad ni Isake.

Noong nakaraang araw ay bumisita rin Isake sa dormitoryo ni Finn ngunit nang mapagtanto niyang hindi lalabas si Finn ay agad din siyang umalis.

"Eh?" may napansin namang kakaiba si Isake sa aurang pumapalibot kay Finn, hindi niya mapigilang mapasigaw, "Naglevel-up kana naman?! Paanong..."

"Sinuwerte lang. Haha." naiilang na sabi naman ni Finn. Sa ngayon, hindi niya maaaring ipaalam ang mga natanggap niyang impormasyon at kakayahan dahil maaaring maging dahilan ito ng delubyo.

Alam naman ng lahat na. Ang mga hayop ay namamatay dahil sa pagkain habang ang mga tao naman ay namamatay dahil sa kayamanan, gayundin ang mga Adventurers.

Habang wala pa siyang sapat na lakas upang protektahan ang kaniyang sarili at taong malalapit sa kaniya, kailangan niya munang sarilihin ito.

"Nga pala, may kailangan ka ba?" pag-iiba ni Finn sa diskusyon.

Natauhan naman si Isake dahil kanina ay para bang malalim siyang nag-iisip, "Tama, gusto mo bang sumama sa akin? Pupunta ako sa Heavenly Auction House para manood ng magaganap na subastahan mamayang hapon."

"Sa totoo lang, mga miyembro lang ng Aristocrat Clan o kaya naman ay mahahalagang indibidwal ang pinapahintulutan ng Heavenly Auction House na makilahok sa magaganap auction ngayong araw. Pero dahil ikaw lang ang kaibigan ko, gusto ko sanang samahan mo ako para naman mas masaya at hindi ako mabagot doon. Ano, sasama ka ba?" pagpapatuloy ni Isake.

'Heavenly Auction House... Sakto kailangan ko ring pumunta roon!' sa isip ni Finn.

"Mn. Gusto ko ring makita kung ano ang nagaganap sa loob ng Auction house." nakangiting sabi ni Finn.

"Tara na."

Agad-agad namang nagtungo ang dalawa sa tarangkahan at lumabas ng Sacred Dragon Institute. Habang naglalakad ang dalawa ay nagkukwentuhan sila ng kanilang buhay.

Nagulat si Finn nang malaman na hindi lang pala basta-bastang miyembro si Isake ng Golden Lion Family, siya ay ang bunsong anak ng kasalukuyang Family Head ng kanilang angkan. Ibig sabihin siya ang third young master at mayroong tsansa na maging Family Head ng kanilang angkan sa hinaharap.

Tanghali na ng makarating ang dalawa sa isang malaki at konkretong gusali. Ang panlahatang kapangyarihan sa likod ng Heavenly Auction House ay hindi hamak na mas malakas sa isang Aristocrat Clan. Pero hindi alam ni Finn ang dahilan kung bakit ito ang nababalitaan niya.

'Hindi kaya isang Profound Rank Adventurer ang may-ari nito?' naisip ni Finn.

Papasok na sana ang dalawa nang bigla silang harangin ng guwardiya. Ang lakas ng guwardiyang ito ay nasa Gold Rank!

"Saang Aristocrat Clan kayo nagmula? Ipakita niyo ang inyong pruweba." seryosong bigkas ng guwardiya.

"Elder, nagmula po ako sa Golden Lion Family." ipinakita ni Isake ang kaniyang insignia sa guwardiya at itinuro naman si Finn, "Ito naman ang kaibigan ko."

Tumango naman ang guwardiya sa dalawang binatilyo at hinayaan itong makapasok. Malinaw sa mga kilos ng guwardiya na wala lang sa kaniya ang posisyon ng isang Aristocrat Clan.

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now