Chapter XXXVIII

11.1K 754 38
                                    

Chapter XXXVIII: Kicked Out!

Dahil nakatuon lang ang buong atensyon ng mga manonood sa laban ni Finn, hindi nila napansin na mayroon palang isang magandang laban ang magaganap.

"Ashe laban kay Ezekias? Ang pangatlo at pangalawa sa pinakamalakas na core member! Hindi na ako makapaghintay na masaksihan ang kanilang laban!" galak na wika ng isa sa mga manonood.

"Miyembro ng Earth Sieve Family laban sa miyembro ng Vermillion Bird Family!" dugtong pa ng isa.

"Ang Earth Sieve Family ay kilala sa napakatibay nilang pangangatawan habang ang Vermillion Bird Family naman ay kilala sa kanilang malalakas na skills. Siguradong hindi madali ang magiging laban ng dalawang talentadong core member ng Cloud Soaring Sect."

"Noon, si Ashe ay hindi hamak na mas mahina kaysa kay Ezekias. Pero katanggap-tanggap naman ito dahil mas bata siya ng tatlong taon dito. Pero ngayon, pareho na silang nasa 4th Level Scarlet Gold Rank kaya naman hindi natin masasabi kung sino ang mas lamang sa labang ito."

"Sa tingin ko ay si Ashe ang mananalo sa labang ito."

"Sa aking opinyon, hindi pa rin makukuha ni Ashe ang titulo mula kay Ezekias na pangalawa sa pinakamalakas na core member sa Cloud Soaring Sect. "

Napunta ang lahat ng atensyon sa magkatunggaling sina Ashe at Ezekias, at dahil dito kakaunti na lang ang manonood na nagbigay ng atensyon kay Finn at Roy.

Syempre ay mas gusto nilang panoorin ang laban nina Ashe at Ezekias kaysa sa laban nina Finn at Roy. Gusto nilang makapanood ng magandang laban upang hindi sila madismaya at isa pa, ito ay laban sa pagitan ng pangatlong pinakamalakas laban sa pangalawang pinakamalakas. Ito rin ang kauna-unahang beses na makakapanood sila ng ganitong laban kaya naman ayaw nila itong palampasin.

Habang patuloy na nagkukwentuhan ang mga manonood, agad namang naglakad ang apat patungo sa kani-kanilang entablado.

Ang dalawang entablado ay may lawak na labing limang metro habang mayroon naman itong haba na dalawamput walong metro. Ito ay ganito kalawak at kahaba dahil gusto ng pamunuan ng Cloud Soaring Sect na mas mailabas pa ang totoong kakayahan ng mga Core members sa isang laban. Isa pa, mas komportable ang bawat isa kung sa malawak na entablado magaganap ang laban.

Sa unang entablado, isang nakangiting binatilyo ang nakaharap sa nakasimangot na dalagita. At ang nakangiting binatilyo ay walang iba kung hindi si Ezekias Sieve.

Bilang miyembro ng Earth Sieve Family, natural lang na malaki at matikas ang katawan ni Ezekias. Kayumanggi rin ang kaniyang kulay na bumabagay sa kaniyang itim na buhok at kulay-itim na mga mata.

Kung ang Golden Lion Family ang may pinakamatibay na pangangatawan sa lahat ng Aristocrat Clan, ang Earth Sieve Family naman ang mayroong pinakamatibay at pinakamatigas na pangangatawan sa lahat ng apat na Noble Clan. Pero kahit na mayroong ganitong katangian ang angkan na 'to, sila pa rin ang 'pinakamahinang' Noble Clan.

Pero kung tibay at lakas lang naman ang pag-uusapan, sa buong kaharian ng Sacred Dragon Kingdom, wala pa ring makakatalo sa Sacred Dragon Family.

Bahagyang yumuko si Ezekias sa direksyon ni Ashe at magalang na binati ang dalaga, "Binabati kita Binibining Ashe sa iyong kahanga-hangang talento, hindi talaga ako maikukumpara sa sa'yo."

"Maraming salamat kung gayon. Mn. Maaari na ba tayong magsimula? Hindi mo naman siguro gusto na mag-usap nalang tayong dalawa buong araw ano?" seryosong tanong ni Ashe.

Napangiwi nalang si Ezekias nang marinig niya ang mga salitang binigkas ni Ashe. Kahit na pamilyar na siya sa ganitong pag-uugali ng dalagita, hindi niya pa rin mapigilang mainis. Mas matanda at siya pa rin ang kasalukuyang pangalawa sa pinakamalakas kaya naman inaasahan niya man lang na gagalangin siya nito ng kahit kaunti. Maging ang mga Elders ay hindi mapigilang mapailing sa kanilang puwesto.

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now