Chapter XII

11.7K 753 33
                                    

Chapter XII: End of the Competition

Sa malawak na entablado, dalawang binatilyo ang nakatayo habang pinagmamasdan ang isa't isa. Ang isa ay nakangiti habang ang isa naman ay kalmado lamang. Sina Finn Doria at Seve Marren ay magsisimula nang maglaban!

Lahat ay tahimik na naghihintay sa magaganap na laban. Gusto nilang malaman kung hanggang saan ang kaya ni Finn na isang 7th Level Bronze Rank.

Matapos nilang masaksihan ang laban sa pagitan ni Matt at Finn, hindi na nila puwedeng baliwalain nalang ang lakas ni Finn, hindi siya maihahalintulad sa isang ordinaryong 7th Level Bronze Rank Adventurer.

"Akala mo ba na dahil natalo mo si Matt ng ganoon kadali ay kaya mo na ako? Hahaha. Pinapatawa mo ako." natatawang wika ni Seve. Ilang sandali lang ay biglang naging seryoso ang kaniyang mukha at muling nagwika, "Kung ako ang kaharap niya, kayang kaya ko siyang patumbahin sa isang atake lang."

"Bakit hindi mo subukan sa akin? Sugod." kalmadong wika ni Finn.

"Hmph. Pagbabayaran mo ang pamamahiya mo sa aming Black Tiger Family!" pagkatapos niyang magsalita ay agad-agad siyang sumugod kay Finn.

Kinuyom ni Seve ang kaniyang kamao at mapapansing nababalutan ito ng itim na liwanag. Iniabante niya ito at mas lalo pang bumilis ang kaniyang pagsugod.

Black Tiger Palm!

Ito ang skill na ginamit ni Lance sa laban nila ni Troy! Ang pinagkaiba nga lang ay hindi hamak na mas malakas ito at mas mapuwersa.

Habang nakikita ang palapit na atake ni Seve, hindi pa rin gumagalaw si Finn.

Bang!

Isang malakas na pagsabog ang maririnig sa buong lugar na 'yon. Napupuno rin ng alikabok ang buong entablado kaya naman hindi nila makita ang kung ano na ang resulta nang pagsugod ni Seve kay Finn.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay mayroong isang pigura ng binatilyo ang umalis sa alikabok at nakangiting bumalik sa kaniyang puwesto.

'Seve Marren!'

"Kung gayon, anong nangyari kay Finn?!" nagaalalang tanong ni Isake mula sa manonood.

"Hmph. Masyado siyang mayabang. Sinadya niyang saluhin ang atake ko kaya malamang ay duguan at nakahandusay na ang mayabang na 'yon." nang-aasar na sagot ni Seve.

"Ikaw..." galit na galit naman si Isake na para bang gusto niya nang umakyat ng entablado at hamunin ang mayabang na si Seve.

"Elders, hindi niyo pa po ba iaanunsyo ang aking pagkapanalo?" magalang at nakangiting yumuko si Seve sa mga Elders.

Hindi naman sumagot ang mga Outer Elders, sa halip, tumayo ang isa at lumapit sa entablado.

Hinawi niya ang alikabok na bumabalot sa ilan pang parte ng entablado. Matapos mawala ang alikabok ay agad namang bumungad ang isang nakangiting binatilyo.

Lahat ay nabigla at nanlaki ang mata sa kanilang nakikita. Kung totoong tumama ang atake ni Seve, hindi man lang ito nagdulot ng kahit anong galos kay Finn. Kahit ang kaniyang puting damit ay napakalinis pa rin!

"Paanong...?! Malinaw na tinamaan kita sa sikmura, kaya paanong nakakatayo ka pa?!" maging si Seve ay hindi makapaniwala sa nakikita ng kaniyang dalawang mata.

Hindi pinansin ni Finn ang hindi makapaniwalang si Seve. Humarap siya sa Outer Elder na nagtanggal ng alikabok at marahang yumuko, "Maraming salamat po sa pagtanggal niyo ng alikabok Elder. Muntik na akong mapuwing dahil sa mga alikabok na 'yon."

Hindi naman alam ng iba ang kanilang sasabihin sa mga sinabi ni Finn.

'Adventurer, mapupuwing? Kalokohan!'

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now