Chapter XVIII

11.3K 736 28
                                    

Chapter XVIII: Golden Lion Family

Mataas na ang sikat ng araw nang marating ni Finn ang Mulberry City, ito ang lungsod kung saan matatagpuan ang teritoryo ng Golden Lion Family.

Sa lungsod na ito, ang Golden Lion Family ang kinikilalang panginoon at ang bawat salita nila ay ang batas na dapat sundin ng mga mamamayang naninirahan sa lungsod na ito. Kilala ang Golden Lion Family bilang isang mabuting angkan dahil lagi silang handa kung sakaling may maganap na pagsalakay sa kanilang pinamumunuang lungsod.

Hindi rin sila humihingi ng napakalaking buwis sa mga mamamayang narito kaya naman malaki ang respetong natatanggap ng angkan ng Golden Lion Family sa mga mamayang nakatira rito. Kahit ang mga adventurer na may negosyo rito ay nagbibigay ng diskwento kapag nalaman nilang ang makikipag-transaksyon sa kanila ay nagmula sa Golden Lion Family.

Sa ganitong paraan ay mababayaran nila ang pagprotekta at kabaitang ipananamalas sa kanila ng Golden Lion Family.

Nang makatapak si Finn sa lungsod na ito ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad niyang pinuntahan ang kaniyang pakay sa lugar na ito.

Mabilis niyang tinungo ang eksaktong lokasyon ng teritoryo ng Golden Lion Family. At nang makarating na siya sa harap ng tarangkahan, agad siyang pinahinto ng isang guwardiyang nagbabantay rito.

"Tigil!" malakas na bigkas ng malaking guwardiya, taimtim nitong tiningnan si Finn mula ulo hanggang paa at nang mapansing isa lang itong ordinaryong binatilyo, tiningnan niya si Finn at muling nagwika, "Ang lugar na ito ay pag-aari ng Golden Lion Family at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtapak sa lugar na ito ng mga taong hindi panauhin ng Golden Lion Family. Pakiusap, iminumungkahi kong umalis ka nalang."

Ang guwardiyang ito ay nasa 5th Level Gold Rank lang at kahit na naramdaman niya ang antas ng lakas ng binatilyong nasa harap nito ay hindi pa rin ito nagpatinag at walang takot na pinakita niya ang ugaling ipinapakita nito sa lahat ng hindi miyembro ng Golden Lion Family.

Hindi naman nagalit si Finn sa pag-uugali ng guwardiyang ito dahil alam niyang ginagawa lang nito ang kaniyang tungkulin bilang tagabantay.

Marahang yumuko si Finn at nagwika, "Ako nga pala si Finn Doria, mula sa Azure Wood Family."

"Anong ginagawa ng isang miyembro ng Azure Wood Family sa teritoryo ng Golden Lion Family?" bago pa man makapagsalita ang guwardiya ay isang matandang boses ang parehong narinig ng guwardiya at ni Finn.

Nang matapos magsalita ng matandang boses ay agad namang lumitaw ang isang matandang may purong puting buhok.

Taimtim itong tumingin kay Finn at seryosong ininspeksyon ang binatilyo, "Hindi ba't ikaw ang kaibigang ipinakilala sa amin noon ni Young Master Isake sa Heavenly Auction House?"

"First Elder!" agad namang lumuhod ang guwardiya ng makita ang matandang ito.

Siya ay isang hamak na guwardiya lamang ng Golden Lion Family, tungkulin at dapat niyang igalang ang mga mahahalagang miyembro ng Golden Lion Family dahil isa ito sa panuntunan ng angkang kinabibilangan niya.

Nang makita ni Finn ang matandang ito, agad siyang napangiti. Kilala ni Finn ang matandang ito, ito lang naman ang kasama ni Family Head Augustus noon sa Heavenly Auction House, ang First Elder ng Golden Lion Family!

Lahat ng angkan ay may tinatawag na First Elder at ito ang may pinakamalaking awtoridad sa lahat ng mga Elders sa loob ng isang angkan. Ang kanilang opinyon at desisyon tunkol sa buong angkan ay napakahalaga at hindi dapat baliwalain.

Marahan namang yumuko si Finn at nagwika, "Isang karangalan, hindi ako makapaniwalang makikilala pa ako ni First Elder."

"Mn. Kaibigan ka ni Young Master Isake at--Sandali...Ang iyong lakas, isa kang 9th Level Gold Rank?! Paanong nangyari iyon? Malinaw na isa ka lang 7th Level Bronze Rank noong una tayong nagkita." gulat at hindi makapaniwalang tanong ni First Elder.

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now