Chapter XIV

12K 746 19
                                    

Chapter XIV: The Truth

Nang malaman ni Finn kung nasaan ang Adventurer na 9th Level Profound Rank, agad siyang umalis sa kaniyang silid at nagtungo sa Contribution Hall.

Hindi siya makapaniwala na ang institusyong ito ay mayroong isang 9th Level Profound Rank!

Ayon sa ama ni Finn Doria na si Third Elder Creed Doria, sa buong kaharian ng Sacred Dragon Kingdom, tanging kakaunting adventurer lang ang nakatungtong sa Profound Rank dahil hindi ganoon kadali ang maabot ang antas ng lakas na ito.

Syempre, kahit ito ay mahirap, mayroon pa ring ilang paraan upang maabot ang antas na ito at yun ay ang pagkain ng isang Soul Enhancing Pill gaya ng Profound Nurturing Pill na napanalunan ni Family Head Frederick Marren sa Heavenly Auction House.

Gaya nang paliwanag nang namamahala sa Heavenly Auction City na si Alicia, mayroong tatlumpung porsyento lang na tumaas ang antas ng isang 9th Level Scarlet Gold patungong 1st Level Profound Rank at ito ay dumepende pa sa talento ng Adventurer na kakain ng Profound Nurturing Pill na ito.

Nang malaman ni Finn na mayroong malakas na Adventurer sa loob ng institusyon, hindi niya mapigilang makaramdam ng galit at poot. Dahil isang palaisipan ang tumatakbo ngayon sa kaniyang isipan.

Ilang minuto lang na kaniyang mabilis na paglalakad ay agad rin niyang narating ang Contribution Hall. Binagalan niya ang kaniyang paglalakad nang makapasok siya sa loob ng gusali at hindi niya inaasahan ang adventurer na kaniyang maaabutan sa lugar na iyon.

Hindi niya inaasahang ang inaakala niyang mahinang Elder ay siya palang pinakamalakas na Adventurer sa buong institusyon!

Ang Outer Elder na nagbigay panimula sa mga bagong estudyante. Si Outer Elder Kiden!

"Elder Kiden." malumanay na wika ni Finn.

"Finn...Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" nagtataka at nabigla namang tanong ni Kiden sa binatilyo. Malalim niyang tiningnan ang binatilyo at nagpatuloy sa kaniyang sasabihin, "Narinig ko na isa ka palang malakas na 9th Level Gold Rank! Hindi ako makapaniwalang mas malakas at mas bata ka sa akin. Isa ka talagang talentado--"

Bago pa man matapos ni Kiden ang kaniyang sasabihin ay pinutol na siya ni Finn, "Hindi ka isang Outer Elder."

Nabigla naman si Kiden sa sinabi ni Finn ngunit agad rin siyang nakabawi. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay mayroong alam na si Finn sa kaniyang totoong posisyon sa institusyong ito.

Pilit siyang ngumiti sa harap ni Finn at nagwika, "Huh? Anong sinasabi mo?"

"Hindi mo na kailangan pang magkunwari, Elder Kiden. Hindi ka isang 9th Level Silver Rank, ikaw ay isang 9th Level Profound Rank!" pagbubunyag ni Finn.

Nanlaki ang mga mata ni Kiden sa mga salitang pinakawalan ng binatilyo. Hindi siya makapaniwalang alam nito ang kaniyang totoong antas ng lakas.

Ngunit paano?

Huminga siya ng malalim at ikinumpas niya ang kaniyang kanang kamay. Nabalutan naman ng harang na gawa sa soulforce ang buong Contribution Hall at tanging si Finn lang at Kiden ang nagkakarinigan.

Sound Concealing Skill!

Ang skill na ito ay tanging mga nasa Profound Rank pataas lang ang may kakayahang makagawa, ginagamit ito upang maitago at maiwasan ang kahit anong ingay na makalabas at marinig ng ibang nilalang. Sa tulong nito, mas magkakaroon ng pirbadong pag-uusap ang dalawa.

"Wala ng kwenta kung itatanggi ko pa sa'yo ang totoo kong pagkatao. Ako si Kiden Sylveria, ang Institution Master ng Sacred Dragon Institute." malumanay na wika ni Kiden. Makalipas ng ilang segundo, muli siyang nagwika, "Hindi ko maisip kung paano mo nalaman ang totoong antas ng lakas ko."

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now