Chapter XIX

11.1K 696 10
                                    

Chapter XIX: Unexpected Visitor

"Family Head Augustus, First Elder, alam kong sa mundong ito ay wala ng libre kaya naman gusto kong maghandog ng kabayaran upang mapapayag kayo sa aking kahilingan."

Hindi naman nagsalita ang dalawa nang matapos sabihin ni Finn ang mga salitang ito. Hindi nila maitatangging totoong walang libre sa mundong ito, at lahat ng kagustuhan ng isang adventurer ay may karampatang kapalit.

Ngunit, ano ang ibabayad ni Finn sa kanilang Aristocrat Clan? Isang ordinaryong angkan lang ang angkang pinagmulan ni Finn kaya naman walang bagay na makakuha ng interes ng Golden Lion Family. Isa pa, isa silang malakas na Aristocrat Clan at maaaring lahat ng bagay na mayroon ang Azure Wood Family ay mayroon rin sila.

Nang makita ni Finn ang tahimik na dalawang matanda. Iginalaw niya ang kaniyang kamay at tila ba parang may inaabot sa kaniyang bulsa. Inilabas niya ang kaniyang kamay at inihayag sa dalawa.

Napakunoot-noo naman ang dalawa at taimtim na tiningnan kung ano ang bagay na nasa ibabaw ng palad ni Finn.

"Interspatial ring? Kung ito ang tinutukoy mong kabayara--"

"Syempre, alam kong ang inyong angkan ay maraming ganito ngunit hindi naman ito ang aking ihahandog sa inyo. Pakiusap, tanggapin niyo ito at tingnan kung ano ang nasa loob ng singsing na ito." nakangiting putol ni Finn kay Augustus.

"Mn." tumango naman si Augustus at marahang kinuha ang singsing sa ibabaw ng palad ni Finn.

Gamit ang kaniyang soulforce, ininspeksyon ni Augustus ang laman ng singsing at agad na gumuhit ng hindi makapaniwalang ekspresyon sa kaniyang mukha.

"!!!"

"Anong problema Family Head Augustus?" takang tanong ni First Elder.

Nagtataka siya kung bakit nagulat si Augustus nang inspeksyunin niya ang laman ng interspatial ring na nagmula kay Finn.

"First...Elder. Tingnan mo." wala sa sariling iniabot ni Augustus ang singsing kay First Elder.

Inabot naman ito ni First Elder at gaya ng ginawa ni Augustus, ginamit niya rin ang kaniyang soulforce upang inspeksyunin ang laman ng singsing.

"!!!"

Gaya ni Augustus, malinaw ring mapapansin ang sobrang pagkagulat at hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni First Elder.

Hindi naman makapaniwalang tumitig ang dalawang matanda kay Finn.

"Siguro ay alam niyo na ang laman ng singsing na 'yan." nakangiti pa ring wika ni Finn sa dalawa. Tumingin siya sa singsing at marahang nagwika, "Mayroong tatlong Advance Profound Pill at dalawang low-tier Excellent Armament ang nasa loob ng singsing at sigurado akong hindi niyo ito matatanggihan. Ang Advance Profound Pill ay maihahalintulad sa Profound Nurturing Pill. Ang pinagkaiba lang, hindi gaya ng Profound Nurturing Pill na mayroon lang na tatlumpung porsyento, ang Advance Profound Pill ay mayroong limampung porsyentong posibilidad na maabot ang Profound Rank."

Mas lalo pa silang nagulat nang marinig ang pagpapaliwanag ni Finn.

'Limampung porsyento!'

Napangiti naman si Finn sa reaksyon nina First Elder at Augustus. Ito ang kailangan niyang reaksyon.

"Si... Sigurado ka bang ito ang ibibigay mong kabayaran?" nanginginig ang dalawang kamay ni Augustus habang kinakabahang nakatitig kay Finn.

Kahit ang isa lang na pill na ito ay siguradong mapapaisip na sila sa kahilingan ni Finn pero, mayroong tatlo nito at hindi lang 'yon, mayroon pang dalawang low-tier Excellent Armament!

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now