Chapter XL

15.1K 802 81
                                    

Chapter XL: First Goal Accomplished

Napanganga ang lahat ng marinig ang sinabi ni Finn. Hindi nila inaasahang sasabihin ito ng binatilyo. Ang mga Elders at si Sect Master Noah ay nanlaki rin ang mga mata sa kanilang narinig.

"Sigurado ka ba sa iyong desisyon Finn Doria?" kunot-noong tanong ni Elder Marcus.

Hinihintay nila ang labang ito dahil inaakala nilang magiging seryoso na sa pakikipaglaban si Finn sa pagkakataong ito ngunit hindi nila inaasahang agad itong susuko ng hindi man lamang lumalaban.

Sasagot na sana si Finn ngunit agad siyang nakarinig nang malakas na sigaw mula sa unang entablado, "Finn Doria! Anong ginagawa mo?! Labanan mo ako at huwag kang maging duwag!"

"Ayoko." iling na sagot ni Finn.

"Hmph. Lalaki ka ba talaga?! Aakyat ka rito sa entablado o ako mismo ang hihila sa'yo paakyat dito?!" galit na galit na sigaw ni Ashe.

"Ayoko." muling iling ni Finn.

--

"Labanan mo ako..."

"Ayoko."

--

"Duwag!"

"Ayoko."

--

Patuloy namang nagpapalit-palit ng tingin ang mga manonood sa sagutan ng dalawa.

"Binibining Vermillion, alam kong guwapo ako ngunit hindi mo kailangang mahumaling sa akin nang sobra. Umabot ka pa sa puntong gustong-gusto mo akong makalaban. Sa hinaharap, pagbibigyan din kita kaya naman huwag kang mag-alala. Pero sa ngayong mas mahina pa ako kaysa sa 'yo, susuko muna ako para hindi ako sobrang mapahiya."

Nang marinig ito ng lahat, muntik na silang masuka at mapapansing namumula na sa galit at inis ang iba. Maging ang mga Elders ay napasapo na lang ang kanilang palad sa kanilang noo habang umiiling-iling pa.

"Hmph! Binabawi ko na ang sinabi ko kaninang isa siya sa iniidolo ko! Nakakahiya siya!"

"Gusto ko siyang bugbugin hanggang sa hindi na siya makalakad!"

"Aaah!"

Maraming galit na galit kay Finn Doria dahil sa pahayag niyang ito.

"Finn Doria! Talagang pinapahapdi mo ang aking mga palad!" sigaw ni Ashe Vermillion.

Nang marinig niya ang mga reaksyon ng mga manonood at ni Ashe, umubo lang siya ng mahina at hindi pinansin ang mga ito.

"Elder Marcus. Nakasaad po sa patakaran na maaaring sumuko ang isang kalahok kaya naman desidido na po akong sumuko sa labang ito. Maghihintay na lang ako sa susunod na laban." nakangiwing wika ni Finn Doria.

"Kung desidido kana talaga, wala na kaming magagawa." iling na wika ni Elder Marcus. Inilibot niya ang kaniyang paningin at marahang inanunsyo ang panalo, "Dahil boluntaryong sumuko si Finn sa labang ito, si Ashe Vermillion ang nanalo at dahil may dalawa na siyang panalo, siya ang kauna-unahang nakakuha ng puwesto para sa lalahok sa Seven Great Faction Games!"

"Si Finn Doria naman ay mayroon pang isang pag-asa upang magkamit ng puwesto, yun ay kung mananalo siya sa susunod na laban." pagpapatuloy ni Elder Marcus.

Tumingin ang lahat kay Ashe Vermillion. Tiningnan nila ito nang may paghanga.

Isa siya sa lalahok sa Seven Great Faction Games... Anong klaseng oportunidad ito? Napabuntong hininga na lang sila sa kanilang sarili dahil alam nilang sinayang nila ang una at huling pagkakataong makakasali sila sa Seven Great Faction Games.

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Where stories live. Discover now