Chapter XXVII

10.8K 754 10
                                    

Chapter XXVII: Alicia Herschel

Lahat ay nangamba sa ulat na ito ng tagabantay. Maging ang mga Elders mula sa Golden Lion Family ay naguhuluhan.

"Alchemist Association?! Anong dahilan at naririto ang isang Elder mula sa isa sa Seven Great Faction?" nanlalaking mata ni Family Head. Agad siyang pinagpawisan sa noo at muling nagsalita sa mga Elders, "Elders mula sa Azure Wood Family, kailangan nating magmadali at salubungin ang ating espesiyal na panauhin."

"Family Head Neleos, dahil ang angkan natin ay magka alyansa na, hayaan ninyo kaming sumama sa pagsalubong sa espesyal ninyong bisita." mapait na ngiti ni Elder Caesar.

Isa itong Elder mula sa Alchemist Association kaya naman kailangan nilang magmadali at magbigay galang dito. Ito ay dahil sa buong Sacred Dragon Kingdom, lahat naman ay alam na ang Alchemist Association ang pinakamaimpluwensiya at pinakaginagalang na Faction ng lahat. Kahit ang Royal Clan ay hindi mangangahas na hindi irespeto ang Alchemist Association, iyon ay dahil halos lahag ng uri ng Pills ay nagmumula sa Faction na ito.

Bukod kay Creed, iniisip ng mga ito na may relasyon ang pagbisita ng Elder na 'yon sa pinagmulan ng mga pills na ibinigay ni Finn sa Azure Wood Family. Alam nila na lahat ng pills ay nagmula kay Finn, ngunit ang hindi lang malinaw ay kung saan nagmula ang napakaraming pills na ito.

'Hindi kaya... ang Elder mula sa Alchemist Association ay guro ni Finn?' sa isip nila.

Ngunit agad rin nila itong binalewala. Kaya ni Finn na mamigay ng sampung Excellent Armament. Ibig sabihin ay mas mayaman pa siya sa isang Elder mula sa Alchemist Association.

Ilang sandali pa nilang pagmamadali ay agad rin nilang narating ang Family Hall kung saan naroroon ang kanilang panauhin. Agad rin silang natauhan ng makita nila ang napakagandang babae na komportableng nakaupo sa kahoy na upuan.

"Auction House Mistress Alicia?" gulat na naibulalas ni First Elder Caesar.

Lahat ay napatingin nang biglang magsalita ni Elder Caesar. Hindi nila inaasahang kilala nito ang espesiyal na panauhin.

Syempre ay kilala ni Elder Caesar ang babaeng ito, yun ay dahil naroroon siya sa Heavenly Auction House kasama si Golden Lion Family Head Augustus. At kahit na naabot niya na ang 1st Level Profound Rank, hindi niya pa rin maramdaman ang totoong antas ng lakas ni Alicia.

"Oh? First Elder Caesar? Totoo nga ang balitang nakipag-alyansa ang Golden Lion Family sa Azure Wood Family. Mn?" matamis na ngiting bigkas ni Alicia sa matanda. Mayroon siyang napansin na kakaiba, "1st Level Profound Rank? Malinaw na nasa 9th Level Scarlet Gold Rank ka lang noon."

Agad-agad namang bahagyang yumuko ang pamunuan ng Azure Wood Family at mga Elders mula sa Golden Lion Family, sabay-sabay silang bumati, "Magandang araw Elder mula sa Alchemist Association."

"Mn. Ako nga pala si Core Elder Alicia Herschel mula sa Alchemist Association at naparito ako dahil mayroon akong hinahanap na miyembro ng Azure Wood Family na nagngangalang Finn Doria." paliwanag ni Alicia.

Nagulantang silang lahat sa pakay ni Alicia sa Azure Wood Family.

'Si Finn? Ngunit bakit?' tanong nila sa kanilang isipan.

Si Finn ang kasalukuyang pinakamahalagang miyembro ng Azure Wood Family dahil kung hindi dahil kay Finn, hindi mapupunta sa kasalukuyan nilang sitwasyon ang Azure Wood Family. Kaya naman nangangamba sila nang malaman nilang si Finn ang pakay ni Elder Alicia sa kaniyang pagparito.

Nang mapansin ni Alicia ang ekspresyon ng mga ito, agad siyang ngumiti at nagwika, "'Wag kayong mag-alala, ako'y naparito lang upang makipag-usap sa binatilyong 'yon."

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant