Chapter 1: BEGINNING

582 52 110
                                    

¡¡¡WARNING¡¡¡

1. Tamad ang author.

2. Matagal ang update.

3. Adik ang author.

4. Baliw ang author.

5. Alien ang author.

6. Mabubweset ka.

7. Masama ang ugali nang author.

8. Madami ang tumatakbo sa utak kaya pati kayo maguguluhan.

9. Magiging ultimate BEAUTILIENS  ko kayo pag naging followers ko kayo. (kung gugustuhin nyo lang naman)

10. Malakas ang hangin nang DAKILANG TAMAD NA AUTHOR nato.

¡¡¡Please don't forget to COMMENT, VOTE and FOLLOW THANK YOU SO MUCH¡¡¡


Third person's POV,

"Whaaaaahh" sigaw ng mga kababaihan sa campus. "Andyan na sila" "I'm gonna die" sigaw pa ng iba. Halos ganito araw-araw ang nangyayari dito sa campus.
Halos masira ang eardrum ni Kasuieko Hanroy sa ganitong sitwasyon, sigawan dito tilian doon, napipikon na si Kasuieko sa kanilang lahat. Laging pumapasok sa isip nya na pagbabarilin ang mga tao sa campus para tumahimik ang mundong ginagalawan nya. Pero di nya pwedeng gawin, dahil 'di pwedeng sya lang mag-isa sa mundo.

Si Kasuieko ay isang binatang mahilig mag-isa. Galing sya sa angkan ng Hotumarru. Sikat at hinahangaan ang pamilyang Hotumarru sa buong mundo. "I want to marry you!" sigaw pa nang isang babae. Hindi si Kasuieko ang dahilan ng tilian sa campus kundi ang Hunky Boyz. Isang grupo ng kalalakihan na pinagpapantasyahan ng kababaihan at mga pusong babae sa Hotumarru Academy. "Whaaahhh tabi ka nga dyan" sigaw ng isang bakla at itinulak si Kasuieko patabi. Ganito sya araw-araw parang basurang hindi pinapansin pero tapunan ng tukso.

Pumasok na sya kwarto nila, at dating gawi sya ang laging nauuna. Umuupo sya lagi sa pinaka dulo at pinakalikod na upuan. "KRIIING!! KRIIING!! KRIIING!!"  tunog ng bell at nagsipasukan na ang lahat ng estudyante sa kani kanilang kwarto. Lahat ng kaklase ni Kasuieko tumitingin sa kanya bago maupo na parang nandidiri at nagtataka.

"Good morning class!" Bati ni Mrs. Maria Moore "Mr. Hanroy pwede bang hubarin mo ang nakabalot sa mukha mo." puna nya kay Kasuieko.

"Ayoko! Mas kumportable ako dito." pagmamatigas na sagot ni Kasuieko.

"Ma'am masanay na kayo sa OOTD ni Hoody este Hanroy pala." anas ng kaklase nya.

"Okay nayang suot nyang jacket with hood, mask at sunglass. Mabuti nayan di tayo mahawaan ng galis nya at baka kung ano pang sakit ang meron sya hahahahaha." pangungutya ni Kevin na kabilang sa grupong Hunky Boyz. Nagtawanan ang lahat, ganito lagi ang nararanasan ni Kasuieko araw-araw at minsan mas malala pa.

Mabilis na natapos ang buong araw nakauwi na si Kasuieko sa bahay nya, inilapag nya ang kanyang gamit sa sofa at isa isa nyang tinanggal ang kanyang hood, mask at sunglass. Humarap sya sa salamin at nagsalita. "Dapat ka lang itago sa hood at facemask."

The Man Behind the HoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon