Chapter 4: SHE SAW HIS FACE

201 27 37
                                    

Third person's POV,

Nasa loob na nang radio/music studio si Kasuieko.

Inayos nya ang lahat ng gagamitin nyang materyal para sa kakantahin nya

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Inayos nya ang lahat ng gagamitin nyang materyal para sa kakantahin nya. Nilock nya ang pinto para walang makapasok doon. Hinubad na ni Kasuieko ang kanyang mask at hood naupo na sya sa bangko at nagstart na sya sa kanyang kakantahin buong puso nyang kinanta ang awiting The truth untold. Habang kumakanta sya madadala ka sa kanyang damdamin makikita mo sa mga mata nya ang kalungkutan na meron sya. Dito lang sa loob ng kwartong to makikita ang totoong Kasuieko sa school na to. Napangiti nalang sya ng matapos na nya ang kanta. Lingid sa kaalaman nya meron palang ibang tao na kanina pa sya tinitingnan pero hindi nya napapansin. Nagulat na lang si Kasuieko ng may marinig syang kakaiba sa C.R. nang lalapit sana sya sa pinto may lumabas na isang babae na ikinagulat nya. Pareho silang dalawa na nakatulala. Tumingin ang babae kay Kasuieko mula ulo hanggang paa. Nasulyapan din ng babae ang nakasabit na mask at hood ni Kasuieko napa atrass ang babae at pautal na nagsalita.

"I-i-kaw.. P-pa-paa-no? Ba-kit? K-a-ka-Kasuieko?"

Hinawakan ni Kasuieko ang balikat ng babae at deretso nyang tiningnan sa mata.

Hindi makagalaw ang babae dahil sa mga matang nakatitig sakanya hirap syang huminga dahil bumilis ang tibok ng puso nya na parang may stumped sa loob

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Hindi makagalaw ang babae dahil sa mga matang nakatitig sakanya hirap syang huminga dahil bumilis ang tibok ng puso nya na parang may stumped sa loob. Bigla syang napatingin sa labi ni Kasuieko dahil nagsalita ito.

 Bigla syang napatingin sa labi ni Kasuieko dahil nagsalita ito

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

"Wala kang nakita nang kahit ano dito. Hindi mo ako nakita at wala kang pagsasabihan tungkol sa natuklasan mo."

Napalunok ng laway ang babae hindi sya makapag salita kaya tumango lng sya. Hindi parin nya tinatantanan kakatig ang labi ni Kasuieko. Binitawan ni Kasuieko ang balikat ang ng babae at kinuha na nya ang kanyang hood at mask at isinuot. Bago sya lumabas tumingin sya sa babae na nakaupo na sa sahig at nagpasalamat. Tumingin lang sa kanya ang babae at lumabas na sa kwartong yun. Pag kalabas nya ay huminga sya nang malalim. At naglakad na papalayo. May nakapansin sakanya na lumabas sa radio room. Pumunta sa radio room ang taong nakakita kay Kasuieko na lumabas sa kwartong yun. Binuksan nya ang pinto para malaman nya kung may iba pang tao don. Wala syang nakitang ibang tao. At napagtanto nyang si Kasuieko pala ang kumakanta kanina. Dali-dali syang tumakbo papunta sa canteen. Pagkatakbo nya ay lumabas na ang babaeng nagtatago sa radio room. Hindi sya nakita dahil nagtago sya sa likod ng pinto. Naglalakad ang babae na wala sa sarili. Hindi sya makapaniwala sa mga natuklasan nya at nakita. Hindi nya namalayan ang oras at biglang tumonog ang bell na syang dahilan para magising sya sa pagkatulala. Nasa classroom na sya at naka upo nang may lumapit sa kanya.

"Uy, Keziah okay kalang ba?"

Tanong ng kaibigan nyang si Saskia. Tumango lang sya at hindi nag salita.

"Hoy! Keziah gising. Alam mo bang si Kasuieko ang kumakanta tuwing friday. Nakita sya ni Laila kanina."

Nagulat sya sa narinig nya dali-dali syang tumayo at tumakbo papalabas. Hindi sya nagpaawat kahit na pinipigilan sya nang kaibigan nya. Tumatakbo sya papunta sa classroom ni Kasuieko nang malapit na sya tamang tama na nasa labas palang si Kasuieko pinuntahan nya si Kasuieko at hinila patakbo napasunod naman si Kasuieko sa kanya nang malayo na sila. Sumakay sila sa elevator, sila lang dalawa. Tumingin sya kay Kasuieko na parang walang pakealam sa mga nangyayare.

"Kasuieko may nakakita sayo alam na ni Laila ang sekreto mo."

"Wala syang alam. Ang alam nya at ang pinagsasabi nya ako ang kumamakanta at hindi nya ako nakita tulad ng makita mo ako."

Nakahinga nang maluwag si Keziah. Napangiti si Kasuieko sa inasal ng babae kahit hindi nakita ni Keziah ang ngiti ni Kasuieko alam ni Kasuieko ang pagngiti nang sarili nya.

"Dahil ikaw ang unang taong nakakita sakin dito sa school na to. Ano ang pangalan mo?" tumingin sya sa mata ni Keziah na ikinailang ng babae kaya umiwas nalang sya at tumingin sa pinto ng elevator para hindi mailang si Keziah sa kanya.

"Ako si Keziah galing sa special class parehong level tayo" sagot nya habang nakatingin sa sahig.

"Salamat Keziah dahil inangkin mo rin ang sekreto ko salamat makakaganti rin ako sa kabutihang ibinigay mo sakin."

Binuksan na ni Kasuieko ang elevator. At lumabas hindi naman nila pinaandar ang elevator kaya hindi sila nakaalis sa 4th floor. Sumunod si Keziah kay Kasuieko at sabay si lang naglakad papunta sa kani kanilang classroom. Inabutan ni Kasuieko si Keziah ng bottled water.

"Inumin mo, hinihingal ka pa eh. Pasensya kana nainuman ko nayan eh. Kung ayaw mo neto bibilhan nalang kita." kinuha naman agad ni Keziah ang tubig at nagpasalamat. Tumingin lang si Keziah kay Kasuieko papasok sa classroom nito. At tumuloy na sya papunta sa kanyang classroom.

Heaven's POV,

Nakapasok na ang lahat sa cla pero si Kasuieko at si Queentin wala pa. Sino kaya ang babaeng humila kay Kasuieko kanina ang cute nyang babae. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Kasuieko at nagbulungan na naman ang lahat. Kasabay nya ang babaeng humila sa kanya kanina tinitingnan lang nya si Kasuieko papasok at umalis na rin sya.

"Bakit sya kasama ni Hoody boy?"

"Baka kase alam na nya na si Kasuieko ang kumakanta tuwing friday"

"Bakit sya mag aaksaya ng oras kay Hoody boy? Sya kaya ang genius ng special class."

"Walang mali sa ginagawa nya baka kase nagustuhan na nya si Kasuieko dahil sa singging skill na meron si Kasuieko."

"Oo nga kahit ako nainlove sa boses nyang mala anghel"

"Tssk"

"Asus denied kapa. Halos na adik karin sa boses nya."

Yan ang usapan ng tatlong kaklase namin na sila Liz, Mae, at Ruth. Naupo na si Kasuieko na parang walang narinig sa paligid nya.

"Uy, Kasuieko ang ganda ng boses mo." wika ko sakanya pero hindi nya ako pinansin na parang walang narinig.

"Sino yung kasama mo kanina? Gf mo ba?"

Pangungulit ko sakanya pero hindi nya sinagot ang tanong ko sa kanya tumingin lang sya sakin at hinila nya pababa ang hood nya hanggang sa hindi ko na makita ang mga mata nya. Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Lumalabas na ang ibang kaklase namin at nagbubulungan at may tinitingnan sa may pinto. Hanggang sa lalabas na si Kasuieko kaya sumunod ako sa likod nya biglang may humila nang buhok ko kaya tumingin ako ng masama kay Alvin dahil sa ginawa nya. Sabay na kaming lumabas ng kumag nato. Nangmakalabas kami nakita kong may kasabay si Kasuieko maglakad. Sumimangot na lang ako dahil alam ko na ang kasama nya ay ang sinasabi nilang genius. Bumaba nalang kami ni Alvin sa hagdan nang may nakasalubong kami na nakangiti sa amin.

A/N:
pabitin muna gusto ko lang mang asar.. mahal kong asarin ang mga readers ko lalo na yung mga silent reader. Sorry sa type kong may mali tao lang po.

The Man Behind the Hoodحيث تعيش القصص. اكتشف الآن