I'LL MIGRATE TO THE MOON

50 7 8
                                    

Part 2 of CHAPTER 8:
I'LL MIGRATE TO THE MOON

    

      Nagulat na lang ako dahil may biglang nagsalita ang alam ko ako lang mag isa rito. Dahil sa pagkagulat ko muntikan na akong mahulog pababa at bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako bago pa ako mahulog dahil sa pagkahila nya sakin ay bumagsak ako sa sahig at sumakit ang pwetan ko. Agad akong tumayo at tumingin sa kanya. Nakangiti sya na parang baliw. At dahan dahan syang lumapit sakin at ako naman ay napapaatras nang 'di ko alam ang dahilan nang biglang....

    Nang biglang may inabot syang lollipop sakin. Haist bakit ako natakot sa kanya kanina. Kinuha ko ang lollipop sa kamay niya tumingin ako sakanya at ngumiti na naman sya na parang baliw at bigla na lang syang mas lumapit sakit at bigla nya akong niyakap. Nagulat ako sa  ginawa nya kaya pinilit kong lumayo sa kanya pero sa bawat pagtulak ko sakanya ay mas humihigpit pa ang yakap nya sakin.

  " Maraming salamat sayo."  pabulong na wika nya at humihikbi na sya kaya hindi ko na pinilit na ilayo sya sakin. Huminga na lang ako ng malalim at tinapik tapik ko nalang ang likod nya para aluhin sya.

"Maraming salamat talaga sa ginawa mo kanina."  wika nya ulit.

"Ginawa ko kanina? Ano ba yung ginawa ko na pinagpapasalamat mo?" Tanong ko sakanya.

Dahil sa tinanong ko ay humiwalay na sya sa pagyakap sakin, at tumingin sya sa mata ko at ngumiti na naman habang pinupunasan ang luha nya sa mga mata nya.

"Salamat sa ginawa mo kay Kasuieko."  dahil sa sinabi niya ay nalinawan na ako.

Tumalikod na ako sakanya at naglakad na ako papunta sa pinto pababa ng rooftop.

"Ako pala si Keziah, salamat ulit." masayang wika niya. Inangat ko ang kanang kamay ko habang nakatalikod sakanya para malaman nyang naririnig ko sya.

"Anong pangalan mo?" sigaw pa nya.

"Migi!!" sigaw ko pabalik habang di parin ako tumitingin sa kanya. Bumaba na ako pero di ko parin alam kung saan na ako pupunta ngayon.

Third person's POV,

Nakababa na si Migi sa group floor ng school, pero 'di nya alam kung saan s'ya pupunta. Lingid sa kaalaman nya may sumusunod pala sakanya. Hindi nya napapansin yun dahil malalim ang iniisip nya.

Nagulat sya dahil biglang may tumama sa ulo nya. Yun ang dahilan para makabalik sya sakanyang wisyo. Napansin nyang may nakatayong lalake sa gilid nya kaya tiningnan nya ito nang masama.

"Pasensya na po hindi po namin sinasadya na tamaan ka ng bola."  wika nang lalakeng mukang natatakot sa presensya ni Migi.

Tumingin lang si Migi sakanya at naglakad na papalayo. Habang umiikot si Migi sa balay buong campus, sina Hidari naman at Jun Roy ay magkasama.

"Bakit ba sunod ka nang sunod sakin?" naasar na wika ni Hidari.

"At sinong nagsabing sinusundan kita?" usal naman ni Jun habang ngumingisi nang nakakaloko. Sa sobrang asar ni Hidari ay mas binilisan pa nya ang paglalakad pero sumusunod parin si Jun sakanya.

Napansin ni Hidari ang isang lalakeng nakahood sa ilalim ng isang puno. Nabigla nalang siya nang bigla syang akbayan ni Jun.

"Si Kasuieko yan. Ang taong iniligtas nyo kanina." usal ni Jun

"Nag tanong ba ako sayo? Ewan ka din eh." asar na wika ni Hidari habang diring diri sa pagkaakbay sa kanya ni Jun.

"Alam mo pakiramdam ko tayo magkakatuluyan sa huli." tawang tawang wika ni Jun

"Loko ka! kadiri ka SOBRA!! Baliw ka!!"  asar na asar na wika ni Hidari habang inaalis ni Hidari ang kamay ni Jun sa balikat nya.

"Hahahaha ang sabi nga nila THE MORE YOU, THE MORE YOU LOVE. OK lang naman na magkagusto ka sakin eh. Pakipot kapa talaga."   tawa parin nang tawa si Jun pero si Hidari ay asar na asar na. Kaya mas pinili ni Hidari na lumayo kay Jun binilisan nya ang paglalakad para hindi sya mahabol.

"HIDARI!!! DALAGANG PILIPINA YEAH!!!"  malakas na sigaw ni Jun habang nagpa-flying kiss pa.


Hidari's POV,

Haist grabe sa kabaliwan ang lalakeng yun. Ibang klase. Ikamamatay ko talaga pag sya ang nakasama ko sa loob lang nang araw. Magpapakamatay talaga ako. Hindi ako magdadalawang isip. Kadiri talaga ang tumatakbo sa isip nya.

Haist bang ewan talaga. Buti nalang hindi na sya sumusunod sa akin.

"Ang lalim naman nang iniisip mo PANGET."

"PANGET? Pesta ka ahh.!!" napatigil ako sa sasabihin ko dahil natanto ko na  kung sino ang hinayupak na tumawag sa akin nang panget.

"Oh kuya, ba't nandito ka?" tanong ko kay kuya Tako.

"Bakit nga ba ako nandito? Nandito ako kase nasa loob ka ngayon nang clinic at isa akong doctor." sagot niya sakit na parang nagtataka.

"Eh teka? Paano ako napunta dito?" takang tanong ko. Nawala na yata ako sa sarili ko. Ano ba to.

"Malamang dumadaan ka sa pinto. Hindi naman pwedeng sa pader ka dumaan. Hindi ka multo kapatid ko" sarkastikong sagot ni kuya.

Isa rin to e. Sarap ipagbuhol silang dalawa ni Jun. Haist ano bang nangyayari sakin? Hindi na ako nagsalita at lumabas na lang ako sa clinic. Binabaybay ko ang hallway na walang tao. Bakit ganito? Napatigil nalang ako dahil may sumigaw mula sa likuran ko.

"HIDARI!! THINK POSITIVE LANG!! GANYAN TALAGA PAG-INLOVE KA LUTANG KA TALAGA!!!"

Yun ang sigaw nang kuya kong baliw.

"LITCHUGAS KA KUYA!! HINDI AKO INLOVE!!" sigaw ko rin sa kanya

"WAG KA NANG MAG-DENY. IKAW RIN ANG MASASAKTAN."  dagdag pa nya.

Bweset talaga ayoko na talaga sa earth.. haist. Wala na bang matitino dito sa school nato? Wala na talaga, mag ma-migrate na ako sa moon bukas.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko hanggang sa nakita ko si Migi na parang nagtatago. Nilapitan ko sya nang dahan dahan.

"Sino ang pinagtataguan mo?" pabulong na wika ko. Dahil baka marinig ako ni Jun dahil nasa di kalayuan sya.

"Shhhhhhh.. Baka makita ako nang baliw."  mahinang wika rin nya.

"Haist pati ikaw hinahabol nang baliw na si Jun Roy?"  usal ko pa. Pero umiling-iling lang sya.

"Eh sino humahabol sa iyo?" tanong ko. Hindi sya nagsalita pero may tinuturo sya. Isang babae na dito rin nag-aaral.
Nagulat na lang kami ni Migi nang may biglang nahulog sa harapan namin. Parang nabuhusan kami nang malamig na tubig. Hindi ako makapag salita. Tiningnan ko lang ang damit namin ni Migi na may talsik na pulang likido, lalo na sa harapan namin. Kitang kita ko ang pag-agos nang pulang likido. At nilamon kami nang malakas na sigaw mula sa dalawang babaeng estudyante na nasaksihan din ang nakita namin.

NANG BIGLANG......


...TO BE CONTINUED...

Yasuy's NOTE,

Pasensya na at ngayon lang nakapag-update ang pinakamamahal at pinaka sa pinaka sa katamaran na AUTHOR.

NAGMAMAHAL,
Ang inyong
TamaThor

The Man Behind the HoodWhere stories live. Discover now