MEET THE CRAZY

176 26 20
                                    

Heaven's POV,

Pagbaba namin may nakasalubong kaming lalakeng nakangiti. Tinititigan lang sya ni Alvin. Pinagmasdan ko sya nang mabuti nasa likod ang kanan nyang kamay. Nang ilantad nya ang kamay nya may hawak syang baril napaatras ako at hinampas ko si Alvin at sumigaw ako ng "TAKBO" Dali-dali akong tumakbo at alam kong sumunod sya dahil tinatawag nya ako pero hindi ko pinansin dahil gusto kong tumakas at mabuhay. Tumingin ako sa likod ko para tingnan kong sumusunod pa ang lalake. Pero wala na si Alvin wala na sya sa likod ko at yung lalake ay malapit na sa likod ko at hawak parin nya ang baril. Please Alvin humingi ka nang tulong ayoko pang mamatay.

Queentin's POV,

Nalaman na nang lahat na si Kasuieko ang pinapantasya nilang kumakanta tuwing friday sa school. Alam kong walang mangyayare masama, ramdam ko rin na hindi nila bubullyhin ngayon si Kasuieko kaya hindi ako papasok ngayon. Nasa tapat na ako nang bahay na syang pakay ko. Nagdoorbell na ako nang tatlong beses mayamaya may lumabas na matanda ngumiti ako sakanya kaya ngumiti rin sya.

"Ano ang maiitulong ko sa iyo hija?"

Hindi ako sumagot inabot ko nalang cellphone ko sa kanya at tiningnan yun. Pinapasok naman nya ako.

"Ikaw pala yun? Pero mukang hindi bagay sayo eh. Queentin tama?"

"Opo, alam ko rin po na pumunta dito kaninang umaga si Heaven."

"Heaven?"

"Heaven Jacinto po mag-apply sya kaninang umaga dito."

"Ahh sya nga ang babaeng walang alam sa gawaing bahay."

"So, hindi nyo po sya tinanggap?"

"Sa totoo hija tinanggap ko sya."

"PO!?!?!?!"

Gulat kong tanong sakanya. Napangiti naman sya, ano ba ang problema nang matandang to?. Kanina pa ngiti nang ngiti.

"Bakit hija, may alam ka ba sa gawaing bahay?"

"Opo marunong akong magwalis mag-ayos mag-imis pati rin po pagluto pero sa paglalaba hindi po."

"Aba, muka kang mayaman pero marunong ka nang mga gawaing bahay."

"Bata palang po ako sinanay na ako ni mama sa mga ganyan."

"Ooh talaga mukang isang malupit na guro ang nanay mo?"

"Isa po syang teacher pero hindi naman sya malupit."

"Okay, tanggap kana bumalik ka nalang bukas magdala ka narin ng gamit mo."

"Paano po si Heaven?"

"Dalawa kayo ang magtatrabaho dito kung okay lang sayo."

"Sige po babalik po ako bukas."

Umalis na ako pagkatapos non. Babalik na sana ako sa school dahil maaga pa naman pero may may nagtext sakin kaya pumunta na sakanya naabutan ko syang nakaupo kaya na upo na ako sa harapan nya. Kaya ayun nagpapacute na sya.

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
The Man Behind the HoodOù les histoires vivent. Découvrez maintenant