Chapter 3: WANTED HOUSEMAID

241 31 67
                                    

Heaven's POV

Maaga palang wala na ako sa bahay

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Maaga palang wala na ako sa bahay. Bilang agent dapat laging maaga at laging maagap at dapat ang mata laging sa subject. Sa mahal kong subject. Hehehehe.

"Alis na tayo dito Heaven ang lamok dito sa pinagtataguan natin eh." reklamo ni Sussy sakin

"Mag tiis ka ginusto mo yan, 'di ko namang sinasabing sumunod ka ehh"

"Eh kasi po MISS HEAVEN pag nagpapanggap kang pekeng agent may kabaliwan kang gagawin kaya babantayan kita"

Ang ingay talaga ng dala kong aso tahol ng tahol. Nakita ko na si Kasuieko na lumabas na sa garahe nila sakay ng motor nya.
Paano ko nalaman ang bahay ni Kasuieko? Simple lang sinundan ko sya kahapon at may natuklasan akong nakakawindang hindi lang ako ang stalker ni Kasuieko dahil may nakita akong babaeng may dalang box. At hinabol pa ng loko ang lokalokang my mask. Ayokong mag patalo kaya bumili rin ako ng regalo ko para kay Kasuieko. Napabalik nalang ako sa reyalidad ng hampasin ako ni Sussy.

"Bakit ba?" Naasar kong tanong at ngumuso lang sya. Tiningnan ko ang tinuturo nya. Nakita kong may babae sa tapat ng bahay ni Kasuieko dali dali ako lumapit don.

"Teka Heaven" hindi ko pinansin ang tawag ni Sussy. Nang makalapit ako sa babae tumitingin sya sakin at ngumiti.

"Hi, miss anong meron dito?" Tanong ko sa babaeng nerd pero mukang mabait naman.

"Ahh may sinadya lang ako dito, nag hahanap kase nang katulong ang nakatira dito"

"Mag-aapply ka pala dito?"

"Ahh hindi ako pinapunta lang ako dito para kausapin sila"

"Ganun ba? H'wag mo na silang kausapin ito ang limang libo bumalik kana sa pinanggalingan mo"

"Salamat pero hindi pwede, papatayin ako mamaya pag hindi ko sila kakausapin"

"Papatayin ka nila mamaya? Ako papatayin na kita ngayon pag 'di ka pa umalis." Pananakot ko sa kanya pero hindi sya natinag.

"Nakakatakot ka pero mas may kinakatakutan pa ako"

Yumuko sya, parang nakakatakot nga ang tinutukoy nya, tao pa ba yun. Lumapit na sa akin si Sussy at ngumiti. Bigla syang humarap sa babae.

"Uy, chimaymay! Bakit Nandito ka? Umalis kana dito at kung ano pa ang magawa ko sau. Tanggapin mo nalang ang pera. Kesa naman sumunod ka sa mga halimaw mong amo. Hindi parin naman mag babago ang pakikitungo nila sayo kahit sundin mo lahat ng inuutos nila. Pero pag umalis kana ngayon may pera kapa. Shuuu shuuu shuuu sige na."

The Man Behind the HoodHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin