Part2 of chapter 5

150 21 11
                                    

Jun's POV

Uuwi na ako dahil alam kong may sumusunod sakin. Hindi pwedeng madamay ang iba. Sinilip ko si Kasuieko at nakita kong pinupulot nya ang mga DVD na inihulog ko. Lumabas na ako sa gate at sumakay na ako sa motor. Ako si Jun Roy Hotumarru, oo last name ko ang pangalan ng school namin. Naging Hotumarru lang ako nung iwan ni Kasuieko ang pamilyang Hotumarru kailangan ng may tagapag mana ang mga Hotumarru na lalake kaya pinili nila ako hindi ko kadugo si Kasuieko pero lumaki ako kasama sya kaya parang kapatid na ang turing ko sakanya. Alam kong naguguluhan kayo, dahil ang totoo magulo talaga ang pamilyang napasukan ko. Oo mayaman at sikat kaya napapansin ng lahat. Nagbalik na ako kaya simula sa lunes hindi na mahihirapan si Kasuieko sa pangbubully sa kanya. Habang nagmamaneho ako alam kong may sumusunod na kotse sa likod kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho at pumasok ako sa isang iskinita at pinatay ang ilaw ng motor ko. pinaandar ko ang motor ko hindi naman kase maingay ang motor ko kaya ok lang habang dumadaan ako sa iskinita merong nakatambay sa tapat ng tindahan at nag-iinuman. Tumuloy lang ako ng dahan dahan.

"Hoy!" sigaw ng isang lalakeng nakahubad tumingin muna ako sa paligid ko at itinuro ko ang sarili ko.

"Malamang ikaw, ikaw lang ang tao dito eh." napakamot nalang ako sa batok ko sa sinabi nang lalakeng to.

"Ako lang po ang tao dito?" tanong ko sakanya.

"Tanga pala to eh" nagtawanan sila.

"Kung ako lang po ang tao dito. Eh ano po kayo? Ano po ang tingin nyo sa sarili nyo? Hayop? Alien? Engkanto? Insekto? Ano po ba kayo? Para malaman ko kung anong klaseng species po kayo."

Seryoso kong tanong sa kanila. At tumawa naman sila kaya napakamot nalang ako sa batok ko.

"hahahaha halika dito payatot ilagay mo muna dyan ang motor at samahan mo muna kami." utos sakin nang isang lalake

"Teka lang po kalbo" sagot ko. Tumawa ulit ang mga kasama nung kalbong lalake. Itinabi ko muna ang motor ko at inilagay ang susi sa bulsa ko at lumapit ako sakanila. 9na pero ok lang wala namang pasok bukas. Pinaupo nila ako at nag pakilala sila sakin.

"Ako si Dong tangkad" sagot ng lalakeng nakaitim pero hindi naman matangkad sya nga ang pinakamaliit sa lahat, halos magkakaidad lang sila ang hula ko nasa 30's na sila.

"Ako naman si Tin." pagpapakilala ng lalakeng mataba.

"Thin? Eh hindi naman po kayo payat ang laki nga nang tiyan nyo eh. Buntis po ba kayo? Hindi po ba sasabog yang tiyan nyo? Tapos sya si Dong tangkad eh halos dalawang dangkal lang po ang taas nyo eh."

Tumawa lang sila at walang sinagot sa tanong ko.

"Alam mo kung hindi lang magalang ang pakikitungo mo samin baka nabugbog kana dito." wika naman nang lalakeng kalbo.

"Teka lang po, huhulaan ko ang pangalan nyo." turo ko kay manong kalbo.

"Sige payatot hulaan mo ang pangalan nya." wika ni manong tangkad.

"Kung sya si tangkad, tapos sya si Thin, kayo naman po si kapal." Nagtawanan naman sila sa sagot ko.

"Mali ka hijo, ako si kulot."

Napatawa nalang ako, at nakisabay sa tawanan nila. Nagulat ako nang may humila sakin mula sa likod na ikinatumba at nakita ko rin ang pagkagulat nang tatlong lasinggerong kasama tumingin ako sa may hawak ng damit ko. Hindi ko sya namumukhaan pero alam kong hindi maganda ang pakay nya sakin.

"Sino ka ba? At bakit mo ginugulo ang munting kasiyahan dito?" tanong ni manong tangkad sa lalakeng may hawak sakin.

"Wala na kayong pakealam dito kung ayaw nyong madamay dito kilala ko ang batang to tulak to nang droga at kung ano ano pang bawal na gamot." pananakot nang lalake sa kanila, tumingin silang tatlo sakin umiiling ako. Nakatayo na ako habang hawak hawak ng lalake ang damit na nasa parteng likuran ko at medyo nasasakal na ako sa damit ko.

"Sige kunin mo na si payatot" wika ni manong thin.

"Kung makakalabas ka dito na kasama sya." wika naman ni manong kulot.

"Mga bata labas. May bisita tayo." sigaw naman ni manong tangakad at may mga kalalakihan na nagsisulputan at nakapaikot na sa amin. Napaatras ang lalake at hila-hila parin ako. Mas lumapit sa amin mga lalake at biglang itinulak ako ng lalakeng may hawak sakin at tumakbo sya ng mabilis. Tumingin ako sa tatlong manong at nag bow ako bilang pag galang at pagpapasalamat.

"Tumayo ka nga nang matuwid hindi mo na dapat gawin yan hindi kami chinese o ano man ang lahi mo. Pilipino kami isang salamat lang okay na kami."

"Oo nga tama si Dong tangkad" wika ni manong thin.

"Pero mas magiging okay kung mag iinuman na tayo." wika ni manong kulot hindi ko akalaing sila ang magliligtas sakin. Inakala ko pa na sila ang masasamang tao pero mali ako. Hindi ako nakauwi dahil baka daw inabangan pa ako ng lalake sa labasan, hindi na sila nag usisa kung bakit gusto akong kunin nang lalake. Sa bahay ako ni manong thin natulog wala syang asawa pero may mga anak sya at yun ang mga pusa nya.

 Sa bahay ako ni manong thin natulog wala syang asawa pero may mga anak sya at yun ang mga pusa nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Someone's POV,

"Napaka bobo mo! Bakit ka natakot? Ang sabi ko patayin mo sya kahit buhay mo pa ang kapalit"

"May pamilya po ako sir" sagot ko sa kanya.

"Oo may pamilya ka at may pamilya din ako. Kaya dapat patayin mo rin sya tulad sa pag patay mo kay Yuie para matapos na ang problema ko."

Umalis na ako sa opisina nang boss ko. Hindi ako gagawa nang ganitong bagay kung kaya ko lang. Hindi ako makatulog dahil lagi kong napapanaginipan nang patayin ko ang batang si Yuie tapos ngayon bata parin ang papatayin ko. Hindi na yata kaya nang konsensya ko to.

"Mapapatay nyo nga ako. Pero hindi ang pangalang meron ako. Hindi nyo makukuha kung ano man ang gusto nyong kunin."

Nagising nalang ako dahil napanaginipan ko na naman sya alam nyang mamamatay na sya pero hindi ko makita ang takot sa mga mata nya. Sa panahon nayun ako ang natakot sa kanya. Pero wala syang magagawa dahil na patay ko na sya. Pero parang panalo parin sya dahil gabi gabi nya akong hindi pinapatulog.

The Man Behind the HoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon