CHAPTER 8:

127 12 24
                                    

Hidari's POV

"Ano ba?" sigaw ko kase sa mukha ako tinamaan. Tiningnan namin kung sino ang bumato sa amin. At dalawang babae ang bumato sa amin....

"Anong trip nyo mga babaeng walang dibdib.!" inis na wika ko

"Aba hoy! May dibdib ako oh! oh! Pasalamat ka't binato kita nyan." wika ni Sussy sungit sabay turo ng plastic na binato sa amin.

"Eh, bakit kaba namamato? Pwede mo namang iabot 'di ba?"

"Asus ang arte mo magpalit kana. Pasalamat ka't mabait ako." usal ni Sussy sungit.

Tumingin ako kay Migi para umalis na kami para mag bihis. At laking gulat ko...

"Te-teka asan na sya?"

"Kanina pa umalis. Nagtatalo kase kayong dalwa." wika ni babaeng ewan

"Iniwan ako...Kasalanan mo to sungit." usal ko at sabay turo kay Sussy sungit. Bumalik ako sa clinic at baka dun sya nagbihis. Pag kabukas ko nang pinto nakita ko si kuya octopus ba naka upo.

"Kuya octo?"

"hmmmm?"

"Si Migi?"

"Hintayin mo nalang nagbibihis pa sya. Maupo ka muna dito." wika nya sabay turo sa tabi nya.

"Alam mo kaliwa kahit ikaw ang dahilan ng bagyo sa japan dahil sa kahanginan mo na miss kitang bata ka." usal nya sabay gulo ng buhok ko.

"Aba kuya! Yang ginagawa sa babae yan ginagawa maghanap kana kaya nang magiging gf dito hindi yung buhok ko ang pagtitripan mo."

Tumawa lang sya at binatukan ako at nagsalita ako

"Aba!!! Walang duda!!"

"Ano ang walang duda bata?"

"Walang dudang mag pinsan kayo ni Migi. Ako yung kapatid mo eh!! Tapos babatukan mo lang ako?" pag rereklamo ko.

"Kabatokbatukan ka kase. Mag tino ka para 'di na kita babatukan." sabay kaming tumingin ni kuya sa kakalabas palang na si Migi naka bihis na sya. Sinamaan ko lang sya nang tingin dahil iniwan nya lang ako kanina dun paano kung nirape ako nang dalwang yun.? Pumasok na ako sa cr at nagbihis na. Ilang saglit lang ay natapos na ako. Nag paalam na kami kay kuya at 'di na kami pumasok sa dapat namin pasukan dahil nawalan kami nang ganang umakyat dahil sira daw ang elevator kaya tumungo lang kami ni migi sa canteen para mag paka busog. Namangha ako kase ang laki nang canteen nila. Inikot ko lang ang paningin ko sa kabuuan nang lugar. May napansin akong isang lalake na nakaupo sa sulok. Siniko ko si Migi at agad naman nyang tiningnan ang tinitingnan ko.

"Halika na kumaha muna tayo nang makakain at para..."

"At para makakain na tayo.?" pag puputol ko sa sinasabi nya kaya dating gawi binatukan na naman nya ako. Hindi na ako nag reklamo dahil wala rin naman akong magagawa.

Migi's POV,

Nakakuha na kami nang pagkain at naupo. Napansin ko ang lalakeng tinuro sakin ni Hidari hindi ko sya kilala pero parang may kakaiba sa kanya at hindi ko alam kung ano yun.. Tumayo na sya at umalis na. Nagulat nalang ako nang may tumabi sa amin na isang lalake na may hawak na tray at sya si Jun Roy.

"Makikiupo lang ako.. nakakatamad kumain kung ako lang mag isa." wika nya pero hindi na namin pinansin ni Hidari at kumain lang kami.

"Mga bagong estudyante kaya no?"

"Obvious naman itatanong mo pa. Pilipino ka nga." wika ni Hidari

Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagkain tiningnan ko ang dalwa tsk tong dalawang to bagay ipagsama parehong baliw. Isang baliw sa lahat ng bagay at ang isa baliw sa sarili.

"Uy! Migi! Ano na naman iniisip mo?" bumalik ang ulirat ko nang tawagin ako ni Hidari. Tumingin naman sakin si Jun Roy.

"Ikaw pala si Migi, ako pala si Jun Roy." tumingin ako sakanya nang seryoso at tinanggap ko na ang kamay nya. Tumingin naman sya kay Hidari.

"Haist oo na! Ako si Hidari." sagot ni Hidari dahil tiningnan ko sya ng masama.

"Hidari?? Teka!? So kayo ang tumulong kay Kasuieko kanina?" tumango lang kami ni Hidari at agad namang tumayo si Jun Roy at yumuko at nagpapasalamat.

"Ano ka ba. Hindi kami maharlika para yukuan mo nang ganyan." seryosong wika ko at tumayo na ako sa pagkakaupo ko at dinala ko ang tray ko at ang mga basura ko ay itinapon ko sa basurahan. Sumunod naman si Hidari sakin.

"Aba!! Parehong may disiplina kayong dalwa." napa tingin kami sa babaeng nagsalita. Hindi kami nagsalita at pinagpatuloy ko ang pagtapon ko sa basura ko.

"Alam nyo kase ang mga estudyante dito walang nagtatapon ng mga basura nila sa basurahan." wika nang babae kaya tumingin ako sakanya.

"Hindi ko tinatanong.. at wala akong pake alam sa mga estudyante." akma na sana akong aalis pero bigla akong pinigilan ni Hidari.

"Teka Migi, napaka suplado mo naman kay ms. Beautiful." haist lumandi na naman po sya.

"Ms. Ako pala si Hidari sya naman ang pinsan kong bipolar na si Migi. Pinaglihi kasi sya sa sama nang loob kaya ganyan sya." sobrang inis ko binatukan ko si Hidari at tumalikod na ako at narinig ko pa ang sinabi nang loko.

"Kitams.. pag pasensyahan mo na yun. Nasa menopausal stage na kase sya." kahit kailan talaga nakakainis yung hinayupak na yun nagulat na lang ako nang may tumapik sakin at tiningnan ko sya. Si Jun Roy pala sumusunod lang sya sa paglalakad ko.

"Yung babae kanina sya si Queentin."

"'Di ko tinatanong.."

"Ahahaha wala naman akong sinabing tinanong mo. Mukang tama nga si Hidari nag memenopause ka. Ahahaha."

Isa rin 'to eh. Sarap pagbuhulin ang dalwang to. Iniwan ko na siya at umakyat na lang ako hindi ko napansin na nasa rooftop na ako. Grabe napakalawak nang school na to. Tumayo ako sa dulo nang rooftop at ninamnam ang sarap nang hangin habang naka pikit.

"Delikado yang ginagawa mo."

Nagulat na lang ako dahil may biglang nagsalita ang alam ko ako lang mag isa rito. Dahil sa pagkagulat ko muntikan na akong mahulog pababa at bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako bago pa ako mahulog dahil sa pagkahila nya sakin ay bumagsak ako sa sahig at sumakit ang pwetan ko. Agad akong tumayo at tumingin sa kanya. Nakangiti sya na parang baliw. At dahan dahan syang lumapit sakin at ako naman ay napapaatras nang 'di ko alam ang dahilan nang biglang....

....To be Continued....

Yasuy's note:

Wala nang aasar lang ako!!!
Dahil trip ko lang...


NEW CAST

The Man Behind the HoodOù les histoires vivent. Découvrez maintenant