CHAPTER 9: Mr.Nalasing sa COKE

60 9 10
                                    

Third person's POV,

"Bakit nga ba kailangang balikan ang nakaraan kung pwede naman mag focus nalang sa hinaharap."   yan ang wika ni Heaven

"Dahil nagdulot sa atin yun nang malalim na sugat."   sagot naman ni Alvin na nasa loob na nang kotse.

"Yun na nga eh. Malalim na sugat ang ibinigay sa atin nang nakaraan, tapos dun parin ba tayo magpo-focus?"   tanong ulit ni Heaven habang sinusuot ang seatbelt.

"Bakit bigla kang nagbago?"  wika ni Alvin.

"Mula pa noon tayong nabubuhay sa nakaraan. Matinding torture na yun sa atin Al." Hindi na umimik si Alvin sa sinabi ni Heaven.

Nagdrive lang si Alvin at nanatili ang katahimikan sa kanilang dalawa. Walang  umimik sa kanila sa loob ng sampung minuto.

"Kina Kasuieko ba kita ihahatid mamaya?" pagbabasag ni Alvin sa katahimikan.

"Hindi, sa bahay muna ako uuwi." cold na sagot ni Heaven.

"Sige, wag muna tayong pumasok ngayong hapon." wika ulit ni Alvin.

"Dun ba ulit tayo pupunta?" tanong ni Heaven at tumango lang si Alvin bilang sagot at ngumiti lang si Heaven.

Sa kabilang dako pinagtatawan parin sina Hidari at Migi dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Kahit na galit na galit na si Migi kinokontrol parin nya ang kanyang sarili. Pati si Hidari ay pinipigilan ni Migi dahil masyado pang maaga para gumawa sila ng gulo.

"Pasensya na kayo, nadulas yung pintura sa kamay ko eh." naka ngising wika ni Kevin

"Bweset na demonyong alien nato." pabulong na wika ni Hidari

"Mukang tayo na naman ang bagong tapunan nang Bully ngayon ahh." wika ni Migi habang nakangiti at tumingin kay Kevin na nasa second floor.

"Aba! Naka ngiti ka pa talaga. Masarap ba ang pulang pinta nilagyan ko payan nang dugo nang aso para mas maganda." wika ulit ni Kevin.

"Talaga ba? Akala ko kasi..."  putol na wika ni Migi at tumalikod na sya at dahandahang naglakad at sumusunod naman si Hidari.

"H'wag na h'wag mo akong tatalikuran pag kinakausap pa kita. Akala mo ANO? ANO??"  asar na asar na sigaw ni Kevin. Humarap naman si Migi sa kanya at ngumisi.

"Akala ko kasi dugo mo mismo ang ginamit mo, kasing sangsang mo kasi." usal ni Migi na kinatawa nang ibang estudyante

"Mukang wala nang gamot sa baho mo. Umaalingasaw na kasi abot na sa ozone layer." wika ni Hidari

"Sino ba kayo para kontrahin ako? Hindi nyo ba ako kilala?" wika ni Kevin na sumasalubong na ang kilay

"Wala kaming pake alam kung sino ka. Bakit kami ba, kilala mo?"  wika ni Migi at nagsalute pa. Nagpatuloy na sya sa paglalakad pero naiwan si Hidari.

"Hindi mo magugustuhan pag nakilala mo kami nang lubusan. Pero magpapakilala na ako sayo. Kami ang taong puputol sa sampu mong sungay, pati narin sa pakpak na pinagmamalaki mo"  isang madiin na wika ni Hidari na bumaon sa tenga nang mga nakakarinig.

Hindi natapos ang araw at umalis na sina Hidari at Migi sa school ng maaga.

"Ano ba yan? 'Di man lang tayo nakapag hello sa bago nating teacher at bago nating classmate." wika ni Hidari habang nakaupo sa loob nang sasakyan.

The Man Behind the HoodWhere stories live. Discover now