REDHORSE COUPLE

55 6 7
                                    

Part2 of CHAPTER 9:
REDHORSE COUPLE

Migi's POV,

"Nice to meet you Mr.Nalasing sa coke." Bweset to close ba kami? Baliw yata to.

"Salamat at binawasan mo pa talaga ang iniinom ko."

"To naman. Konti lang naman. WAITER!!" wika nya at sabay tawag nang waiter at may lumapit namang waitress.

"Yes, Ma'am?"

"Isang bucket nga ng redhorse. Tsaka yung menu list nyo nga"  wika nya sa waitress

Tumalima naman ang waitress.

"Ako pala si Heaven."  pag papakilala nya at inabot nya ang kamay nya.

"'Di ko tinatanong." seryosong wika ko. Tatayo na sana ako para iwan na sya.

"Teka lang napaka highblood mo naman. Libre kita ngayon bilang pasasalamat ko." wika nya.

"Para saan?" takang tanong ko

"Tinulungan mo si Kasuieko eh."  naupo nalang ako dahil mukang maglalasing ang babaeng to. Dumating na ang waitress na may dalang redhorse at list ng menu.

"Ito na po ma'am, sir."

"Miss isang dynamite."  wika nya sa waitress

"Sige po ma'am, 10 minutes lang po. Kayo po sir?"

"Fries and chicken nuggets yung spicy lang." wika ko sa kanya ngumiti naman ang waitress at umalis.

"Tssk banglandi nang babaeng yun." wika ni Heaven

"Bakit kilala mo ba sya para i-judge sya? Kung sya malandi? Ano tawag mo sa sarili mo?" inis na wika ko sa kanya. Tumingin lang sya sakin nang  masama.

Hindi sa masama ang ugali ko ayoko ko lang sa mga taong judgemental. Akala mo naman napaka perfect nila. Yun pala mas madumi pa sila sa gina- judge nila. Napansin ko nalang ang pagdating ng waitress ang inorder ko, kaya kumain na ako. Hindi pa dumadating ang inorder nyang dynamite. Uminom na ako ng redhorse, ganun din ang ginawa nya at kumukuha sya sa inorder ko. Hindi pa tumatagal halos maubos na ang pulutan.

"Halatang gutom na gutom ka ah."  wika ko dahil halos sya lang ang kumakain nang inorder ko.

"Hindi lang gutom uhaw narin."  naka ngiting sagot nya.

Nanahimik nalang ako. Hindi ko pa nga nakakalahati ang redhorse ko pero yung sakanya nakaubos na sya ng tatlong bote. Babae ba talaga to.

"Excuse po maam, sir ito na po ang dynamite na order nyo pasensya na sa paghihintay."  wika ng waitress at inilapag na nya sa lamesa at umalis na. Tumingin naman sakin c Heaven.

"Alam mo---"

"Pasensya kana 'di ko alam.". pagpuputol ko sa sinasabi nya.

"Makinig ka sasapakin kita dyan eh"

"Tsskk." mukang lasing na 'to.

Habang nagsasalita sya kunwari nakikinig ako. Tumungga nalang ulit ako at kumuha nang dynamite dahil sa naubos na ang pulutan ko.

Nagulat nalang ako nang bigla nyang hampasin ang kamay ko.

"Bakit ba?" asar na wika.

"Aking inorder yan eh. Kung gusto mo rin nyan umorder ka dun. Hindi yung kukuha ka nang hindi sayo."  wala sa wisyo nyang wika.

The Man Behind the HoodWhere stories live. Discover now