CHAPTER 10: THE RAPISTAlvin's POV,
"Ikaw Al, hah bat moko binagsak yan tuloy natumba ako." wika nya habang hinihimas ang pwetan nya.
Batukan kaya kita para malaman mong hindi ako ang nagbagsak sayo. Ano na naman problema nang babaeng to. Bumangon na sya at tinulungan ko na syang makatayo.
"Aba, Al ba't biglang nagbago ang amoy mo?" wika nya habang sinisinghot ako.
"Tsk"
"Pero masungit ka parin hahahaha. Al, salamat sa lahat."
"Tara na matulog kana, at baka mapikon ako at iwan kita dito sa labas." singhal ko sa kanya, kaya tumalima sya agad at hindi na sya nag salita hanggang sa madala ko sya sa kwarto nya, at nakahiga na sya.
"Uy, alam ba ni Kasuieko na dito ka matutulog?" Baling ko sa kanya, bigla nalang syang napabalikwas sa pagkakahiga at tila nawala ang ispiritu ng alak sa katawan nya.
"My gosh Al." Gulat na wika nya habang nakatakip ang isang kamay nya sa bibig nya at ang isa ay nasa ulo nya.
OA
"Hindi ako nakapagpaalam. Hindi ko rin nasabi kay manang na hindi ako makakauwi sa kanila."
"Tsk"
"Baka hinihintay na ako ni Kasuieko dun." wika nya na nag-aalala.
Para namang maghihintay sayo yun, halos wala ngang pakealam sa mundo yun. Bigla na syang tumayo.
"San ka pupunta?"
"Syempre uuwi na ako kay Kasuieko, tiyak ako hinihintay nya ako."
"Tsk" angil ko
Kailan kaya naging feelingera ang pinsan kong to? Umaasa lang naman sa bato.
"Uy! Alvin, magtigil ka sa kaka-tsk mo dyan. At tumigil ka narin sa pag-uusap mo sa sarili mo."
Nagulat ako sa nasabi nya paano nya nalaman ang laman nang isip ko?
"Hindi ko nababasa ang isip mo. Sadyang nababasa ko lang ang ekspresyon sa mukha mo."
Seryoso? Lasing to di ba?
"Hatid mo na ako sa asawa ko, please good Alvin." Sabay puppy eyes pa ang timang.
"Oo na kukunin ko lang ang susi."
"Salamat GWAPO."
"Tsk. Tsaka na yang pangbobola mo."
"Al, di ako nambobola. Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Ok, sabi mo e."
Heaven's POV
"Shit!!!"
"Ang sakit ng ulo ko"
"Buti at gising kana."
Gulat na tumingin ako sa nagsalita
"Manang?"
Shit, paano ako naka uwi dito?
"Bakit gulat na gulat kang nakita mo ako?"
![](https://img.wattpad.com/cover/171170987-288-k476742.jpg)
YOU ARE READING
The Man Behind the Hood
General FictionIts all about the guy who hide his face to the people, A man who totally stranger in his school. And a girl who want to know what he hiding, she will do her best to know the secret of the man behind the hood. What will happen to their story they wil...