PLAN of YUIE

162 17 39
                                    

Third person's POV,

Natapos ang buong araw ni Heaven sa bahay ni Kasuieko masaya sya, at laging may kabaliwang na iisip tungkol sa kanilang dalawa ni Kasuieko. Pero si Queentin na dapat magtatrabaho ngayon at makakasama ni Heaven pero hindi sya nakarating. Nasa loob ng kwarto si Heaven na katabi lang ang kwarto ni Kasuieko. Habang si Heaven ay nagsasaya si Kasuieko naman ay naasar sa pagsusunod ni Heaven sakanya, sa pagtitig sakanya, kaya nagkulong lang sya sa loob ng kwarto. Sa kwarto rin sya kumakain at hindi rin sya lumalabas. Nalulungkot naman si Heaven dahil umiiwas si Kasuieko sakanya. Dumating araw ng linggo at dumating din si Queentin sa bahay ni Kasuieko.

"Hija, bakit ngayon ka lang? Dapat kahapon ka pa Nandito?" wika ni Loring kay Queentin.

"Pasensya na po, hindi po ako makakapagtrabaho dito may kailangan lang po akong gawing importante."

Matapos magpaliwanag si Queentin ay umalis na sya.

2nd Someone's POV,

"Tapos na ba ang lahat?" tanong ng lalakeng nasaharapan ko.

"Oo, at naka ayon ang lahat sa plano." sagot ko sakanya at biglang bumukas ang pinto at iniluwa ng pinto ang isang lalakeng nakakatakot ang aura nya. Hindi ko pa sya nakikitang ngumingiti. Umupo sya sa harapan namin at inilabas ang cellphone nya. Tumititig lang kaming dalwa sa lalakeng naka upo sa harapan namin.

"Kayong dalwa kumain na ba kayo?" tanong nya

"Opo, kumain na kami." sagot namin.

"May binili pala ako para sa inyo kunin nyo sa kotse." wika nya habang hindi tumitingin sa amin. Ibinato nya ang susi sa kasama ko. Pumunta na kami sa kotse at kinuha ang mga paper bag at dinala sa harapan nya.

"Ano pa ang hinihintay nyo buksan nyo sa inyo yan"

Wika nya at binuksan na namin tumambad sa amin ang isang uniform. Nagtinginan kaming dalwa sa isat isa at tumingin kami sa lalakeng nagbigay sa amin.

"H'wag na kayong magtaka, simula bukas estudyante na kayo ng Hotumarru Academy, at doon na magsisimula ang plano natin." wika nya at tumayo na sya at humarap sa bintana.

"Pero boss? Sigurado na po ba kayo?" tanong ko

"'Di ba ang sabi ko sayo Migi h'wag mo na akong tawaging boss tawagin mo ako sa pangalan ko." wika nya sa akin at humarap sya sa amin "YUIE, tawagin nyo akong Yuie." wika nya at biglang nagbago ang aura nya sa pagsambit nya ang sarili nyang pangalan. Kanina na nakakatakot sya ngayon mas nakakatakot na. Umupo na ulit sya.

"Yuie, ano ang una muna naming gawin?" tanong nang kasama kong lalake na si Hidari.

"Si Kasuieko ang unahin nyo at aalamin pa natin kung nagpapatay sakin."

"Paano po si JR?" tanong ko

"Si Jun Roy. Hayaan nyo muna sya. Sige aalis na ako, kumpleto na ang mga gamit nyo dyan dapat maaga pa kayo "

Umalis na sya at kinuha na namin ang mga gamit at dinala sa kwarto namin. Bigla lang may parang bumagsak sa sala kaya dali-dali akong bumaba at nakita ko si Yuie.

"Anong problema?" tanong ko sakanya dahil isang malaking bato pala ang ibinagsak nya sa sahig dahil dun basag basag na ang tiles na binagsakan ng bato.

"Wala akong problema, nabobored lang ako. Kaya na pagtripan ko lang ang bato tapos binagsak dito. Ewan ko kung ano ang naiisip kong gawin."

The Man Behind the HoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon