Chapter 2

4K 154 6
                                    

Marahas na napabuga ng hangin si Elver Baron,treinta añoz na siya pero wala pa rin siyang matinong trabaho sa kabila ng pagtatapos niya sa kursong business management. He born with a golden spoon on his mouth pero dahil sa pagiging maloko niya sa buhay dumadanas siya ngayon ng kalupetan sa buhay. Ang maghirap at maghanap ng trabaho na hindi rin naman niya natatagalan dahiL hindi siya pasensyoso sa mababang trabaho na nakukuha niya. Pinanganak nga naman siyang mayaman tapos pagwawalisin lang siya ng buong mall? The fuck!

Damn,kung hindi lang sana niyang binugbog ang anak ng mayor sa lugar nila na naging malaking iskandalo sa pamilya niya na kilala rin roon ay disin sana tinakwil siya ng kanyang magulang at alisan ng pag-aaari. ATM,kotse at condo. Wala siya ni kahit ano maliban sa pride na lang niya.

Pabagsak na nilapag niya ang duffle bag niya sa sahig pagkapasok niya sa bagong uupahan niyang bahay. Maliit lang iyun pero ayos lang sa kanya kaysa naman sa kalsada siya matulog. Mabuti na lang nakuha niya ang sahod niya sa huLing pinagtrabuhan niyang restaurant. Natanggal siya dahil naroon ang magulang niya at kinausap ang manager ng resto at iyun nga natanggal siya dahil sa kagagawan ng kanyang magulang.

Alam niyang malaking iskandalo ang nagawa niya pero dapat bang ganun kalupet sa kanya ang mga ito? Anak naman siya ng mga ito! Hindi ba dapat ang magulang hindi natitiis ang anak pero bakit kulang na lang alisan siya ng apelyido para tuluyan na siyang hindi maging anak ng mga ito.

Padarag na umupo siya sa lumang single sofa. Bukas kailangan niya muling maghanap ng trabaho kung hindi magugutom siya. At titiyakin niyang hindi siya magmumukhang kawawa sa paningin ng kanyang mga magulang.

Kinabukasan,agad na natunton niya JJ's Racing Club. Nangangailangan kasi ng bagong mekaniko na siyang nahanap niya sa pagsisearch bago siya nakatulog ng nakaraan gabi.

Malaki ang nasabing lugar at sa labas pa lang dinig na dinig na niya ang ingay ng mga sasakyan. He love car,too. Minsan na rin siyang nakipagkarerahan iyun nga lang ilegal na paligsahan. Bigla niya tuloy na-miss ang kotse niya. Damn! Makukuha rin kita,my baby!

Humakbang siya papasok roon. Sisiguruduhin niyang makukuha siya bilang bagong mekaniko roon dahil gustong-gusto niyang makakita ng iba't-ibang modelo ng kotse at makahawak muli ng sasakyan.

Siniwerte naman siya ng matanggap agad siya at isang linggo na mula ng mag-umpisa siya sa pagmimikaniko.

"Ang astig talaga ni idol kahit ilang beses kong panuorin mga laban niya manghang-mangha pa rin ako!" bulalas ni Aries. Ang siyang head ng mga tauhan na tumanggap sa kanya.

Abala ito sa panunuod nito sa hawak na ipad. Iba nga naman kapag may posisyon may oras na makapagrelax-relax sa oras ng trabaho.

"Pare,panuorin mo 'to! Kilala mo ba si Ms.Red?" untag nito sa kanya.

Agad na umiling siya. Dinampot nya ang maruming basahan at pinunasan ang kamay na nalagyan ng grasa saka siya lumapit sa lalaki.

"Last week lang champion siya ulit!" puno ng pagmamalaki nitong saad. Pinanuod niya ang kulay pulang kotse. Swabe ang pagkakausad ng kotse tila bang kabisadong-kabisado na nito ang race track.

"Is she's a woman?" usisa niya pagkaraan.

"Ha? Woman? Oo,babae. Si Ms.Red..saka wag mong sabi ako inienglish," anito na kinailing niya.

"Alam mo bang wala pa nakakakita sa totoo niyang itsura maliban sa mga mata niya kung makatitig talang maiinlove ka?"

Napataas siya ng kilay. "Baka mata lang ang maganda sa kanya," komento niya sabay ngisi.

"Grabe ka! Malay natin di lang mata niya ang maganda pati mukha niya!"

"Ahh,bakit kailangan pa niyang takpan ang mukha niya kung maganda pala siya? Baka nga may peklat pa yan dahil malay natin sa kakarera niya naaksidente na siya,mga ganun bang pangyayari kaya minsan nagpapakamisteryoso tayo kasi may tinatago tayong lihin pisikal man yun o hindi," litanya niya. Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Aries kaya nginisihan na lang niya ito.

"Miyembro kaya siya rito,dalawang o tatlong beses siyang nagpupunta rito para mag-ensanyo," untag nito.

Nagkibit siya ng balikat. "Who cares..hindi ko naman tipo ang mga babaeng masyadong pamisteryoso,"tugon niya rito na kinailing na lang nito.

"Kahit na,astig pa rin siya!"depensa nito sa hinahangaan nito.

"Oo na..pero balang araw may makakatalo din dyan. Para sakin ang mga babae mahina pa rin kumpara satin mga lalaki," maangas niyang saad. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"Ang harsh mo naman magsalita," naiiling na saad nito.

Natawa siya. "That's a reality,pare..tayo pa rin ang malakas kaysa sa mga babae," aniya. Confidence na confidence sa sinabi niyang iyun.

Totoo naman,hindi ba?

Kung meron man na babae ganun siguro iilan lang pero para sa kanya mahihina pa rin ito sa paningin niya.

Muli niyang hinarap ang inaayos na sasakyan.

"Akala ko babae lang ang nagiging bitter? May pinaghuhugutan ba,Mr.Who- cares-sa-babaeng-pamisteryoso?"sabi ng boses ng babae.

Agad na napalingon siya sa nagsalitang iyun.

Isang matalim na mga mata ang nakatitig sa kanya.

Her eyes is so tantalizing..so Fiercing!

But damn! She's so beautiful!

"Kim!" si Aries.

Nanatili na masama ang tingin nito sa kanya at hindi niya alam kung bakit bigla siya nqkaramdam ng guilt at hindi niya maintindihan kung bakit?

"Uh,si Elver nga pala,bagong mekaniko natin," pakilala sa kanya ni Aries.

Nakahalukipkip ang babae sabay taas ng kilay nito.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa pero pinantili niyang cool sa harapan nito. Wala pang babae ang nakakapag-intimidate sa kanya!

Ngayon lang,dude!

"Kamusta?"friendly niyang turan rito.

Nagsalubong ang kilay niya ng bigla na lang ito tumalikod sa kanya.

"Mukhang wala sa mood si Kim,sundan ko lang!"

Hindi makapaniwalang napatitig na lang siya sa papalayong babae.

Totoo ba yun? Inisnab siya nito?

Tss,mga babae talaga!

Pero aaminin niya kahit suplada ito maganda pa rin.

Fuck!

What happen to him? Is he having crush on her?

Inisnab na nga siya nito nakuha pa niyang hangaan ito?

Maganda naman kasi talaga eh.

Damn..no fucking way to admit it to his self!

Na ano?

Atrractive ka agad sa kanya?

Tsk,ayoko sa babaeng suplada!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now