Chapter 9

2.9K 117 3
                                    

Naisip niya na huwag muna umuwi at inayos ang dapat ayusin para kinabukasan kunti na lang ang gagawin niya. Saka wala din naman siya gagawin pagkauwi niya sa inuupahan niya.

Hindi niya namalayan na pasadong alas y diez na pala ng gabi kung hindi pa niya naramdaman na kumakalam ang sikmura niya. Kumain naman siya kaso kunti lang iyun dahil gusto niyang balikan agad ang tinatrabaho niya.

Halos katatapos lang niya punasan ang kotse na kulay itim na inayos niya ng may dumating na isang lalaki.

Malamang isa ito sa member ng JJ's Racing Club. Wearing a brown jacket and rugged jeans at alam niyang nagmula ito sa mayamang pamilya.

Why,anak-mayaman ka rin naman ah!

Kapuna-puna ang aura nito. He's like a powerful man. Ewan niya pero may kakaiba rito.

"Ikaw pala ang bagong empleyado rito?" palakaibigan nitong saad sa kanya.

Siya ba ang big boss nila?

Ngumisi ito at humalukipkip sabay sandal sa gilid ng isang kotse.

"Kaibigan ako ng may-ari ng Racing Club na ito," untag nito na kinabigla niya. Tila bang nabasa nito ang nasa isip niya.

"May dala nga pala ako para sayo,"saad nito.

Para sa kanya ang hawak-hawak nitong bote na kulay ginto na may kulay pulang takip?

"Welcome gift ko para sayo,kaibigan," pag-abot nito sa kanya ng bote.

Tinanggap naman niya iyun. "Salamat,Sir-?"

"Zei,"friendly nitong sabi sabay lahad sa kanya ng palad nito.

" Elver,"pagsambit niya sa sariling pangalan.

"Nagagalak ako na makilala ka,Elver..sa wakas pinagtagpo na kayo ng mahal na prinsesa,"mahiwaga nitong saad.

Napangunot-nuo sya sa sinabi nito.

Ano raw?

Ngumisi lang ito sa kanya. " Mabubuksan lamang ang boteng iyan kung ang prinsesa ang magbubukas para sayo,ang inumin na yan ang kahulugan ng pagtanggap mo sa kanya kaya sana gaya ng mga naunang itinakdang lalaki ay mabilis mo rin siyang matanggap,"sabi nito na kinaawang ng mga labi niya.

Ano bang pinagsasabi nito? Tila ata may saltik ang isang ito!

Kunot na kunot ang nuo niya at nalilito sa pinagsasabi nito sa kanya.

Nakainom ba ito o ano?

Napakurap siya ng tumawa ito. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

Ano bang tinatawa nito ?

Baliw ata ito eh?!

Sinulyapan niya ang hawak na bote. Baka pinagtitripan siya nito at baka mamatay pa siya sa inumin na binigay nito ah?!

"Espesyal na inumin yan,kaibigan..mula yan sa pinagmulan ng prinsesa na itinakda sayo para makasama mo habam-buhay," mahiwaga muli nitong saad.

"What are you saying? It's sound like crazy,pasensya na.."hindi na natiis niyang komento sa pinagsasabi nito. Medyo naiirita na rin siya.

Muli itong tumawa ng mahina na tila natutuwa sa nagiging reaksyon niya.

"Huwag kang mag-aalala,mauunawaan mo rin ang mga sinabi ko sa oras na mapalapit na kayo ng prinsesa,maniwala ka paniguradong ikaw na ang pinakamaswerteng tao na itinakda sa kanya,mahal na Prinsipe," anito.

Hindi na niya napigilan matawa at mapailing.

He's so impossible!

Nang muli niyang sulyapan ito natigilan siya ng wala na ito sa harapan niya. Napalinga-linga siya. Pero ni anino nito wala na!

Damn! Hindi kaya multo ang lalaking baliw na yun?!

Kung multo yun,ano yang hawak mo?

Agad na napasulyap siya sa bote na hawak-hawak niya. Marahas siyang napabuga ng hangin.

Itatapon na lang niya iyun baka mamaya may nilagay ang lalaki na yun. Pero agad din nabitin sa ere ang pagtapon niya sana sa isang basurahan ng magreplay sa isip niya ang sinabi ng lalaking iyun.

Kabaliwan man pero kuryuso siya kung totoo ba yun o kalokohan lang pero base sa tono ng lalaking iyun tila bang isang mapakaseryosong bagay yun.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

Damn!

Mabuti pang itabi na lang niya. Saka sayang mukha pa naman interesante ang boteng ito..at mamahalin.

Kaweirduhan man ang pinagsasabi ng baliw na lalaking iyun mas umuusbong na kuryusidad sa kasulok-sulokan ng isipan niya.

Wala naman siguro masama kung iisipin niya na baka may katotohanan ang mga sinasabi ng Zei na yun.

Alam naman niyang nababalot din ng mga misteryosong bagay ang mundong ito.

Napailing-iling siya sa sarili.

Mahiwaga na rin yan pinag-iisip mo,Baron.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now