Chapter 22

3K 131 7
                                    

Wow! Mukhang may tatapat na sayo,prinsesa!

Namamangha na pinanuod niya ang pagmamaniobra ni Elver sa kotse niya na walang pag-aanlinlangan. Napakasmooth ng pagpapatakbo nito tila ingat na ingat nga ito sa pagmamaneho gaya ng sinabi nito na iingatan ang kotseng iyun.

She feel so proud of him. May angas nga ito pero kaya naman nitong pabilibin ka gaya ng nakikita niya ngayon.

I swear! Magugustuhan siya ni Haring Jamere! Magaling na racer din ang in-law niya!

Napangisi siya. Tama. Tiyak nga magugustuhan ito ng kanyang ama. Ganun din ang kanyang ina.

Nasasabik na siyang makilala ito ng kanyang mga magulang.

Pero..kailan naman?

Agad siyang natigilan sa sinabi ng wolf niya. Kailan nga ba niyang balak na ipaalam rito ang koneksyon nilang dalawa?

Marahas siyang napabuga ng hangin. Hindi niya malubos maisip na ganito pala kakomplikado  ang sitwasyon niya.

Oo..dapat na iyun asahan na hindi magiging madali sa kaniya ang lahat na ito.

Napukaw siya ng makitang bumaba na ng kotse ang binata. Gaya ng ginawa nito kanina hindi niya muling inaasahan na yayakapin siya nito.

Ha-ha! He's so sweet!

"Thank you!" tuwang-tuwa saad nito habang mahigpit pa rin nakayakap sa kanya.

Namalayan na lang niya nakayakap na rin siya rito habang may ngiti sa mga labi niya.

Ilang minuto ang tinagal ng pagyayakapan nila ng dahan-dahan sila kumalas sa isa't-isa. May nahihiyang ngiti sa mukha ng binata marahil natanto na naman nito ang pagyakap sa kanya muli sa pangalawang pagkakataon.

"Uh,sorry,ganito talaga ako kapag sobrang nasisiyahan," anito. Iwas ang mga mata.

Aww,he's so cute..

"Ang mangyakap?" may panunukso niyang tugon rito.

Napahawak ito sa batok at hindi makatingin sa kanya. Natawa siya sa inakto nito na kinatingin agad nito sa kanya. Masasalamin sa mga mata nito ang pagkamangha. Ngayon siya naman ang napahiya sa inakto niyang iyun .

"Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka,Kimberly.." usal nito na mataman na nakatitig sa kanya.

Tukso layuan mo ako!

Napalunok sya ng magsimula ng mag-init ang katawan niya.

Kahit yung lips lang,prinsesa!

Napatitig siya sa mga labi ng binata at umakyat iyun sa mga mata nito na mataman din nakatitig sa mukha niya.

Lalong umiinit!

Move,princess!

"Elver? Ms.Red?"pagtawag niyun sa kanila ng pamilyar na boses ng lalaki.

Bago pa man niyang pagbigyan ang sarili na matikman ang mga labi ng mate niya ng bigla naman may nagsalita mula sa likuran niya.

Oh no! Wrong timing naman oh!

"Aries!" si Elver na siyang nakaharap sa gawi nito.

Her eyes widen. Walang takip ang mukha niya at agad naman nahalata ni Elver na ayaw niyang makita ni Aries ang mukha niya.

"Ms.Red! Buti na lang maaga akong pumasok ngayon nakita kita ulit!" namamangha saad ni Aries at nanatili siya nakatalikod rito.

Mabilis ang kilos ni Elver nakalapit na ito kay Aries at inakbayan. Nakikita niya kasi sa gilid ng mga mata niya.

"Magpapractice muna si Ms.Red..uh,maya na lang uLit natin siya lapitan!" panggigiya nito kay Aries palayo sa kanya.

"Ah,Ms.Red! Panunuorin kita! Goodluck!" pahabol ni Aries habang hinihila ito ni Elver palayo sa kanya.

Marahas siyang napabuga ng hangin.

That's so nearYung kiss,I mean!

Napailing na lang siya.

"Bakit ka nakasuot niyan?" naulinigan niyang tanong ni Aries.

"Wala! Trip ko lang!"agad na tugon ng binata rito.

"Asus! Baka nagpapapogi ka lang kay Ms.Red?!"panunukso nito.

Isang tawa ang kumawala sa binata sa panunukso ni Aries rito.

Yeah,ang gwapo nga niya eh!

"Kailangan na natin magpalamig!" bulalas niya.

Right!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now