Chapter 37

2.9K 110 0
                                    

Mahigpit na niyakap niya si Kimberly mula sa likuran nito habang nakaupo sila sa loob ng tree house na pag-aaari ni Zei. Na isa palang dating panginoon ng mga lobo! Hindi niya mawari na isa na lamang itong ordinaryong nilalang sa mundo ng mga tao dahiL mas pinili nitong makasama ang babaeng nagpatibok sa puso nito. Iyun ang hinangaan niya sa dating panginoon ng mga lobo. Sinakripisyo nito ang pagiging diyos ng mga lobo para sa wagas na pag-ibig.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ito sakin ngayon..I feel so happy and content..you're complete my life,my princess.." masuyo niyang anas sa may leegan nito kung saan nakasiksik ang mukha niya sa mainit nitong balat. Pumihit ito paharap sa kanya pero nanatili nakapalupot rito ang mga braso niya.

"Gayun din ang nararamdaman ko. Akala ko noon kumpleto na ko dahil kasama ko ang Hari at Reyna lalo na ang aking mga kadistrito pero may isang lalaki pala nakatakda pa rin sakin na siyang kukumpleto sakin.." madamdamin nitong saad.

Madamdamin na sinakop niya ang mga labi nito na agad naman tumugon sa kanya.

"Mahal na mahal kita,my Princess.." madamdamin niyang saad.

"Mahal na mahal din kita,my prince," tugon nito. Muli nagtagpo ang kanilang mga labi.

"Gaano naman katagal?"kaagad na pagtatanong ni Kimberly sa Hari ng ipaalam sa kanya na kailangan niyang harapin ang mga Anda. Na siyang magbibigay ng basbas sa kanya at para na rin makita niya ang mundo na pinagmulan ng kasintahan.

"Depende,"sagot ng Hari.

Nagdududang napatitig ang kasintahan sa ama nito.

Niyapos niya ang kasintahan. "Sigurado naman ako na magkikita pa rin tayo," aniya na hindi rin sigurado kung iyun lang ang gagawin niya roon.

"May iba pa po bang gagawin bukod sa pagbasbas sa kanya ng mga Anda?" muli pagtatanong nito.

Nagkibit ng balikat ang Hari. "Ililibot siya ng Anda ng mga pulang Lobo sa buong distrito," tugon nito.

Bumaling sa kanya ang kasintahan. "Bumalik ka kaagad. Sabay tayo babalik ulit dun," anito.

Nakangiting tumango siya sa kasintahan.

"Handa na ba ang prinsipe?"si Zei.

Hindi na siyang nagdalawang-isip na halikan ang kasintahan sa harapan ng Hari. Damn! He need it! His goodbye kiss!

"I love you.."anas niya ng matapos ang halik niya.

"Mahal din kita.." tugon nito.

Kinakabahan man pero naiexcite pa rin siyang makatuntong sa mundo na pinili niya kasama ang kasintahan. Ang prinsesa niya.

Napaawang ang mga labi ni Elver ng masilayan ang mundong-Colai.

Damn shit! Totoo ba ang nakikita niya?!

"Ang prinsipe ng mga pulang lobo..kinagagalak ka namin makilala,mahal na Prinsipe.." pukaw sa kanya ng nagsalita iyun na agad na kinabaling niya rito.

Lalo lamang siya namangha ng makita ang nasa sampung lalaki na may kanyang-kanyang kulay ang kasuotan. Ang nasa harapan niya ang may kulay pulang kasuotan.

Ang Anda ng mga pulang lobo!

"Uh,ako nga po pala si Elver.."pakilala niya sa sarili. Hell! Hindi niya kung ano ba dapat niya unang sabihin sa mga ito!

"Ang lalaking itinakda sa prinsesa ng mga pulang lobo.." anito.

Tuluyan na siyang nawalan ng sasabihin kaya naman napatingin na lang siya sa mga ito na malugod na malugod siyang makita.

Sinulyapan niya ang paligid na nakikita niya.

Dito sa mundong ito nagmula ang kanyang kasintahan!

Ang kanyang prinsesa!

Nakakamanghang tunay!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now