Chapter 19

3K 109 3
                                    

Namamangha pa rin si Elver sa nangyayari. Kung kanina lang para siyang mababaliw sa sakit dahil kay Kimberly ngayon naman siyang-siya siya at para siyang nakalutang sa ulap dahil din kay Kimberly.

Heck! Kayang-kaya talaga siya nitong baliwin sa isang iglap lang!

Sabay na bumaba sila ng sasakyan pagkaparada niyun sa tapat ng inuupahan niya. Gusto man niyang tanungin kung paano nito nalaman kung saan siya nakatira pinigilan lang niya ang sarili. Ayaw niyang maging awkward na naman silang dalawa.

Ayaw niyang masira ang gabing ito ngayon kasama niya ang dalaga.

"Aalis ka ba agad?" agaran niyang tanong rito.

"Bakit mo naitanong?"

Bigla siyang napahiya. Damn,paano ba dapat idahilan?

Ano,Elver? Natotorpe?

Tumikhim siya. Bahala na! Kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon na ito!

"Uh,pahinga ka muna saglit. Ang haba ng oras ng pagmamaneho mo," aniya.

Matiim itong tumitig sa kanya. Sana hindi nitong mahalata na gusto lang talaga niyang makasama pa ito ng matagal.

May bukas pa,Elver!

Tss,Paano kung mag-iba na naman kagaya kanina?

Friends na nga kayo,di ba?

Saka nagsorry siya sayo!

Pinigilan niyang mapangiti. Nasisiyahan talaga siya dahil ibang-iba Kimberly na ang kaharap niya ngayon.

She look friendly now but still intimidating pa rin. Siguro dahiL sa mga mata nito at tindig.

She's like a princess with full of authority!

"Sige.." tugon nito na kinapukaw niya.

Napangiti na siya at nagmamadaling binuksan ang nakalock na pintuan.

Mabuti na lang hindi siya makalat na tao kung hindi baka pinahiya na niya ang sarili kung sakali man na dinaig pa niya ang payatas sa pagiging makalat.

"Anong gusto mong inumin?" agad na pag-aalok niya rito pagkapasok nila sa loob ng bahay.

Napadako ang tingin nito sa maliit na kusina niya at sinundan niya ang tinitingnan nito.

Bumalim ang paningin niya rito at napakunot ng nuo ng makitang na tilang hindi nito inaasahan na makakakita ng ganun bagay sa kusina niya.

"Uh,hindi ko nga mabuksan yang bote na yan," aniya na sinamahan niya ng pagtawa sa dulo.

Napabaling sa kanya ang dalaga.

"Hindi mo talaga mabubuksan yan.." anito na tila may alam ito sa weird na boteng iyun.

Napatitig siya rito. Parang may alam ito tungkol sa bote base sa sinabi nitong iyun.

"Uh,Oo nga eh..weird din kasi may sinabi sakin ang nagbigay niyan sakin..mabubuksan lang yan kung ang prinsesa ang magbubukas," paglalahad niya habang nanatiling nakatitig siya sa dalaga.

Nakatitig muli roon ang dalaga at matiim niyang pinag-aaralan ang reaksyon nito. May kung ano kasi siyang nasisense na tilang may alam ito.

"Naniniwala ka ba?"bigla nitong pagtatanong sa kanya.

Binaling nito ang mga mata sa kanya.

" Wala naman imposible sa mundo.."saad niya.

Double meaning,Elver ah!

Gaya ba na posible na magkagustuhan kayo at sa huli kayo ang magkakatuluyan?

Nasaksihan niya ang pagdaan ng pag-asa at tuwa sa mga mata ng dalaga bago bumaling ang paningin nito sa ibang dako.

"Uh,mabuti pang maupo ka muna. Ikukuha kita ng maiinom," aniya.

Ayaw niyang sumakit ang ulo masyado siyang masaya ngayon para pansinin ang weird na pakiramdam na nakikita niya sa dalaga.

Hindi kasama roon ang kaalaman na ito ay si Ms.Red; ang hinahangaan ng lahat sa larangan ng pangangarera.

He know her secret at hihintayin niya na magsabi ito sa kanya kung sino ba talaga ito.

Kapag close na close na kayo? O kapag kayo na?

Agad na winaksi niya ang pag-aadvance ng isip niya!

Friendship muna! Doon naman nagsisimula ang lahat eh!

Saka nagsisimula pa lang sila at ayaw niyang maudlot yun!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now