Chapter 39

3.1K 111 2
                                    

"Maligayang pagbabalik,mahal na Prinsipe!" agad na bungad sa kanya ng dating panginoon katabi ang Hari.

Agad na hinanap ng mga mata niya ang kanyang prinsesa na napansin naman ng mga ito ang ginawa niya.

"Hindi pa niya batid na nakabalik ka na," si Zei.

Damn. He miss her so much!

"Kamusta?" untag ni Haring Jamere.

"Napakaganda ng mundong-Colai,mahal na Hari.." mangha pa rin niyang saad ng maalala ang pinanggalingan niya.

Ngumisi ito. "Mabuti naman at nagustuhan mo ang mundo namin...natin," saad nito.

Agad na tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Nakakamangha din na makilala ko ang mga Anda ng iba't-ibang distrito," aniya.

"Nagagalak kami na makitang nagustuhan mo ang mundong-Colai," si Zei.

"Wala ako masabi kundi isa siyang napakagandang paraiso," aniya.

"Salamat sa papuri,mahal na prinsipe," si Zei muli.

Hanggang ngayon naiilang pa rin siya na tawagin prinsipe pero kailangan na rin niya masanay dahil mula ng magtagpo sila ng kanyang prinsesa ay isa na talaga siyang prinsipe.

"Ipapabatid ko sa mahal na prinsesa ang iyong pagbabalik..may inasikaso lamang siya at iyun lang ang paalam niya samin," anang ni Zei.

"Salamat.."

Naiwan sila ng Hari at magkaagapay na tinahak nila ang kagubatan.

"May importanteng bagay nga pala ako ibibigay sayo," paghinto ng Hari.

Agad naman sya humarap rito. "Ano po yun,mahal na Hari?"

May kinuha ito sa likod ng suot nitong jacket. Agad na napaawang ang mga labi niya ng ilahad ng Hari ang palad nito sa harapan niya at masilayan ang dalawang singsing na kasintingkad ng apoy ang kulay niyun.

"Ang singsing nito ang simbolo ng pag-iisa ng prinsesa at ng prinsipe..ang pag-ibig na wagas. Mula sa aking Ama at ina na napunta sakin at sa babaeng itinakda sakin..ngayon ay binibigay ko ang mga ito sa prinsesa at sayo,mahal na prinsipe," paglalahad ng Hari.

Manghang kinuha iyun ni Elver.

Damn!

"S-salamat,mahal na Hari..at sa pagtanggap niyo sakin," aniya.

"Ikaw ang itinakda sa aming prinsesa kaya bakit hindi kita tatanggapin? Isinilang ka sa mundong ito para magtagpo-tagpo tayo,mahal na prinsipe.."anito sa sinserong tono.

"Maraming salamat,mahal na Hari!" malugod niyang turan.

Lumulobo ang dibdib niya sa pagkamangha at kaligayahan.

Hell! Napakaswerte talaga niya na siya ang itinakda sa prinsesa!

Sabik na niyang makita ang prinsesa niya kaya naman kanina pa siya hindi mapakali sa labas ng bahay nito. Gabi na at mukhang naging abala ngayon araw ang kasintahan kaya hanggang ngayon wala pa ito.

Agad siyang napabaling sa harapan ng may humintong kotse at mabilis na bumaba roon ang prinsesa.

"Elver!"

Nagmamadaling sinalubong niya ito at mahigpit na niyakap.

"Bakit ang tagal mo? Malapit na ko magpanik ah!"sabi niya pagkaraan halikan ang kasintahan.

Napangisi ito. " Pasensya na,mahal na Prinsipe..hindi na mauulit,"anito.

Muli niya sinakop ang bibig ng prinsesa.

"I miss you so much!"

"Namiss din kita.." tugon ng dalaga.

Hinila niya ito papasok sa bahay at pagkasara ng pintuan walang pakundangan na maalab niyang sinakop muli ang mga labi nito. Sabik at puno ng pagmamahal na inangkin ang prinsesa.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now