Chapter 23

2.9K 109 2
                                    

"Gusto mo siya?" sita ni Aselia sa kanya with her usual strict posture.

Napabaling siya rito mula sa pagtanaw niya sa kinaroroonan ni Elver na abala sa pakikipagkwentuhan sa ibang empleyado ng JJ'S racing Club. Kasulukuyan siyang nasa private office niya at wala nakakaalam na naroroon siya pagkaraan niyang magpaalam sa lahat na uuwi na pero sa opisina siya ng kanyang ama dumeretso dahil may pag-uusapan sila ni Aselia.

Naningkit ang mga mata nito. Kilala na siya nito kaya hindi sya maaaring magkaila rito.

"I like him.." tugon niya rito.

I love him,actually!

Sama here,wolf.

Woah! Kayo na ang itinakda!

Marahas itong bumuga at napiling. "Wala naman masama kung magkagusto ka pero iniisip ko lang baka masaktan ka?"may himig na babala sa tono nito.

Napangiti siya rito. Kilala rin niya ito. Minsan na itong nasaktan kaya naman hindi makakapagtaka na iba ang tingin nito sa lahat ng lalaki.

"Itinadhana kami," nakangiti niyang saad rito na kinasimangot nito.

"Ahh..so,gusto ka rin pala niya," mapait nitong saad.

Tumango siya. "Oo naman.."siguradong-sigurado niyang sagot.

I love you,princess!

"Well,wala na kong komento dyan..so? Ano pala ang sasabihin mo sakin?" pagbabago na nito ng usapan.

"Alam kong alam mo na darating sa punto na titigil na ko,hindi ba?" saad niya.

Hindi kaagad nakaimik ang babae at pagkaraan marahas itong napabuga ng hangin.

"Hindi ko pa rin inaasahan na ganitong kaaga? Why? "May lungkot na mahihimigan sa boses nito.

Siya naman ang napabuga ng hangin at mataman na pinagmasdan ang dismayadong babae.

"Iiwan ko rin ang mundong ito,Aselia.."saad niya.

"I don't understand?" naguguluhan nitong saad.

"Sabihin na natin gusto kong bumuo ng tahimik at payapang pamilya..sa isang napakalayong lugar," tugon niya.

Bigla ko namiss ang Mundong-Colai!

Soon,wolf! Makakabalik na tayo,I hope so!

"Marami ang malulungkot sa pag-alis mo sa pangangarera at..isa na ako roon,Kim.." malungkot nitong turan.

Nilapitan niya ito at niyakap. Bukod kina Zei at ng pamilya nito. Si Aselia ang isa sa mamimiss niya ng sobra sa oras na magbalik na siya sa mundong-Colai.

"Salamat sa lahat at sa pag-aalaga mo sakin.."saad niya rito.

Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. "Ayokong umiyak pero naiiyak ako dahil sayo,kainis ka!"anito sa nagrereklamong tono.

Natawa siya rito. "Salamat.."

Agad na napangiti si Kimberly ng lapitan siya agad ni Elver. Ito lang ang nakakaalam kung nasaan niya kanina.

"May competition ka ulit na sasalihan?"tanong agad nito.

Umiling siya. "Hindi na ko muling sasali sa competition.." aniya.

Natigilan ito. "Why?"

Nagkibit siya ng balikat. "Personal na dahilan.."

Dahil sa kanya,princess.

May panghihinayang na tumango ang binata. "Kung ganun hindi pala kita mapapanuod na lumaban sa unang pagkakataon,sayang," may panghihinayang nitong turan.

She smiled at him. "Pwede mo naman ako panuorin every morning," aniya.

Napangiti ang binata sa sinabi niya.

"Yeah,solong-solo kita..I mean,solong Audience mo"nakangisi nitong pagbibiro.

Natawa na lang siya ng mahina.

Napatitig sa kanya ng binata.

Fire alert!

" Uh,pwede ba kitang ayain magdinner? Sweldo ko ngayon eh,"wika nito na kinatawa niyang muli.

Hindi mo aakalain na unang kinaisan niya ay siya pang magpapatawa sa kanya.

Hindi nga lang alam niya pa na ikaw ang boss niya!

"Sure.."

Magbawas na tayo ng sekreto,princess!

Pero paano niya sisimulan ang pagsisiwalat niya rito?

Bahala na,mahal na prinsesa ang mahalaga unti-unti maibunyag na natin kung sino ka talaga!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now