Chapter 12

3.1K 112 4
                                    

Agad na napahinto sa paghakbang si Prinsesa Kimberly ng makita si Elver na nakatayo sa labas ng gate.

Siya ba ang hinihintay nito?

Friends na kayo di ba? Kinausap mo na siya kanina eh!

Napabuntong-hininga siya. Kahit gustuhin man niya na wag maging si Ms.Red na gustong mapalapit dito hindi niya napigilan dahil hindi mapipigilan ang nakatakda na mapalapit siya sa lalaking itinakda sa kanya. Mapa-kimberly man siya o si Ms.Red.

"Hi," pukaw nito sa kanya.

Isang tango naman ang tinugon niya rito.

"Uh,may gusto lang sana akong itanong," anito.

"Gaya ng ano?"

Hey,in friendly tone naman,princess!

"Uh,kinakausap mo na kasi ko tulad ngayon,so? Uh,pwede na tayong maging magkaibigan?"may pag-aanlinlangan pa nitong sabi.

Napatitig siya rito. He look nervous? What's that?

Baka naman kasi may something siya satin! Uh,I mean,sa inyo pala,mahal na prinsesa!

Anong something,wolf?

"Lahat naman ng crew dito kaibigan ko..yun nga lang hindi lang naging maganda ang unang pagkikita natin," deretsahan niyang sagot rito.

Hindi agad ito nagsalita.

"I'm sorry about that,Kimberly.." sincere nitong saad.

"I know I'm being jerk sa naging opinion ko para kay Ms.Red..I'm sorry about that..ang totoo niyan,isa na ko sa humahanga sa kanya," anito na nakangiti na.

Napatitig siya sa mga labi nito. Agad na sumiklab muli ang apoy sa mga ugat niya.

"She's cool like you,Kimberly," anito na kinabalik ng katinuan niya.

"Ha?"

Nakangiti pa rin ang mapupula nitong mga labi.

"Pa..paano mo naman nasabi na pareho kaming cool?"bigla nautal niyang sabi.

Uh-ah!

"Simple lang..pareho kayong malakas ang aura..ng dating..so tough and..." pagbitin nito sa huling sasabihin at tumitig sa kanya ang mga mata nito na lalong nagpagulo sa nararamdaman niya.

"Beautiful.." anas nito na matiim na nakatitig sa kanya.

Aww,maganda raw kayo,Prinsesa!

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin pero may isang emosyon ang pilit na gustong kumawala.

Kinikilig ka!

Tumikhim siya para kalmahin ang sarili bago pa man siyang tuluyang bumigay.

"So,kinukompara mo ba ako kay Ms.Fearless?" panunungit niya rito na sinabayan niya ng paghalukipkip ng mga braso niya.

Suplada mode!

Nanlaki ang mga mata nito. Bakas sa mukha nito na hindi ito makapaniwala at agad din nakabawi mula sa reaksyon nitong iyun.

"Wow..pareho pala tayo ng bansag sa kanya..?"

Natigilan siya.

Oh no! What did you say,princess?!

Ngumisi ito. "Ms.Fearless din ang bansag ko sa kanya ng mapanuod ko siya noong nakaraan araw na maabutan ko siya nandito," anito.

"Ganun ba," aniya sabay iwas ng mga mata rito.

"Oo.."

"Sige,mauna na ko sayo.." pagpapaalam na niya rito.

"Sabay na tayo hanggang sa kanto,Kimberly!" pagsunod nito.

Mariin siyang napapikit at nagpatuloy lang sa paghakbang.

Hindi kaya siya nagduda? Hindi ba sabi niya ng makaharap ka niya bilang si Ms.Red naaalala niya si Kimberly sa mga mata mo?

Napakuyom na lang siya ng mga palad.

Hindi ko alam,wolf...

Nakalimutan niya masyado nga pala observant ang lalaki.

Hindi naman na tayo makakatago na sa kanya kung malalaman niya na iisa kayo ni Ms.Fearless niya!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now