Chapter 13

2.9K 99 4
                                    

It's confirmed!

Ms.Red and Ms.Suplada ay iisa. Alam niyang hindi coincidence na pareho sila ng bansag sa nauna ang pagtawag niya rito ng Ms.Fearless! Isa na rin sa pruweba na nagalit ito sa kanya ng marinig nito ang pinagsasabi niya patungkol kay Ms.Red iyun ay dahil iisa sila!

Damn!

Hindi siya tuloy makatulog. Maraming gumugulo sa isip niya na mga katanungan at ang isa na roon ay kung bakit ito nagtatrabaho kung isa naman itong racer na paniguradong milyon ang napapanaluhan!

Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga niya sa maliit na kama.

Salubong ang mga kilay na naglalaro sa isip niya ang tanong na yun.

Bakit nga ba ito nagpapanggap na isa sa crew doon?

Nasundan pa ng isang tanong.

Sino sa dalawang katauhan ang totoo nitong pagkatao?

Muli nasundan ng isa pang tanong.

Hindi kaya siya ang may-ari ng JJ's Racing Club?

Marahas na nasapo niya ang ulo. Bigla tuloy sumakit ang ulo niya sa mga tanong na yun.

"Shit!" bulalas niya sabay tayo.

Wala pang babae ang nagpapagulo sa sistema at isip niya. Pati ang pagbabago ng bilis ng puso niya.

No one until Ms.Suplada came in the picture on his miserable life!

Bakit hindi mo aminin na higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman mo sa kanya!

Natigilan siya sa sinabi ng isip niya. Napaawang ang bibig niya.

"Am I?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa kawalan.

Wala sa sarili na napaupo siya sa plastic na upuan.

"Shit! In love ako sa kanya?"

Pinakiramdaman niya ang sarili at napaawang na ng tuluyan ang mga labi niya ng makakuha ng tugon mula mismo sa puso niya.

She's thinking of her and his heart beating so so fast!

Hindi makapaniwalang natatawang napahilamos siya sa kanyang mukha.

Never pa siya na inlove sa buong buhay niya!

Pero ngayon nga inlove ka na,Elver Baron!

Napadako ang mga mata niya sa bote na kulay ginto na nakapatong sa pabilog na mesa na gawa din sa plastic.

He try to open it. Kailangan niyang mahimasmasan at ang pag-inom ng alak makakatulong siguro sa kanya na kumalma pero marahas na nilapag niya sa mesa ang bote ng hindi niya iyun mabuksan.

Fuck it!

Matalim na tinitigan niya ang bote hanggang sa maalala ang sinabi ni Zei.

Mabubuksan lamang iyun kung ang mismong ang prinsesa kuno ng kung ano ang magbubukas niyun.

Kalokohan!

"Tss,I'm going insane now! Mas malala pa ito na itinakwil ako ng mga magulang ko!"puno ng frustration niyang saad.

Pahablot na hinablot niya ang jacket niya na nakasabit sa likod ng pintuan.

He need to breathe!

Lumabas siya ng bahay. May alam siyang lugar na pwedeng puntahan para makapagmunimuni siya!

Kung hindi siya lalabas ng bahay baka mabaliw lang siya mas mainam na makasagap siya ng hangin upang maalis ang agiw sa isip niya.

Dami na niya iniisip at dahil iyun sa dalawang babae na parehong ginagambala ang buo niya sistema at katawan!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon