Chapter 36

3.2K 140 7
                                    

Agad na napangiti si Kimberly ng madatnan ang Hari na nanunuod sa TV. Pinapanuod nito ang interview niya kahapon at ang pagreveal na niya sa tunay na mukha sa likod ng pulang panyo.

Tumabi siya sa Hari at nginisihan niya ito.

"Sa ginawa mong yan halos hindi ko na makita ang pintuan sa dami na nakatambak na bulaklak at lahat ng iyun puro mula sa mga lalaki naakit sayo,"untag nito na kinatawa niya.

"Hmm,Paano niyo naman po nalaman na mula sa mga lalaki ang mga iyun,mahal na Hari?" nakangisi niyang saad. Nanunudyo.

Pinatay nito ang TV at humarap sa kanya.

"Naamoy ko.."tugon ng Hari na halatadong disgusto iyun.

"Parang hindi niyo pinagdaanan iyun,mahal na Hari..I'm sure na marami kayong naging chicks na tagahanga.."pagtaas niya ng isang kilay rito.

"Oo naman..pero ang mahal na Reyna lang ang nakakuha ng puso ko..kahit na hindi ko pa agad nalaman na siya ang aking mate..she's so adorable,tough and fearless..tulad mo,mahal na prinsesa.." anito na mahihimigan ang purong pagmamahal para sa kanyang ina.

Napangiti siya at umisod palapit sa ama para mayakap ito.

"Buti na lang gwapo kayo nunca patulan kayo ni ina!"may pang-aasar niyang sabi rito.

Natawa ang ama. "Yeah,naalala ko pa na minura ako nun..but she's so damn hot na sinabi niya yun," tugon ng Hari na kinatawa niya.

"Uh,Goodmorning.."pukaw sa kanila ng boses na iyun.

Sabay nila nilingon ang bumati iyun sa kanila.

"Hey,mahal na prinsipe..gawa ka ng breakfast," utos ng Hari na kinalingon niya sa ama.

"Ah,masusunod,mahal na Hari.." nagmamadaling tumalima naman agad ang kasintahan.

"Kayo talaga,ama.." iiling-iling niyang saad.

Nginisihan siya ng ama. "I'm a king.."painosenteng nitong sabi.

Sinimangutan niya ito at agad na sinundan ang prinsipe nila na abala na sa harapan ng kalan. Mabuti na lamang marunong ito magluto. Niyakap niya ito mula sa likuran at hinalikan ang balikat nito agad na nilingon siya nito pinatakan ng halik sa nuo niya.

"Mornin,my princess.."agad na pagbati nito sa kanya.

"Morning,my prince.." tugon niya.

Nanatili siya nakayakap dito habang naggigisa ito ng bawang sa kalan.

"Hindi na mauulit ito kapag nasa mundong-Colai na tayo..hindi papayag si ina," aniya.

Tumawa ito ng mahina. "Ayos lang sakin na pagsilbihan ang Hari..gusto ko ipakita na karapat-dapat akong Prinsipe ng kanilang prinsesa!"anito.

Humigpit ang yakap niya rito.

"Mahal na mahal kita,Elver.."

"Mas mahal na mahal kita,my princess.." agad nitong tugon.

Nauwi sa pagkangiwi ang ngiti ni Kimberly ng makaharap niya na sina Aries at ang iba pa ng magpunta na sila ni Elver sa JJRC.

"H-hindi pa rin kami makapaniwala!" bulalas ni Aries na tuliro pa rin gaya ng iba pa.

Napangiti na rin ulit siya. "Ahm,Salamat sa inyong lahat at sa magandang samahan natin dito. Napakabuti niyong mga kaibigan," aniya.

Sumulyap siya kay Elver na nakamasid lang sa kanila habang nakaupo ito sa hood ng kotse niya.

Muli niya binalingan ang mga ito. "Gaya ng alam niyo..pasamantala ko muna iiwan ang lugar na ito..kasama si Elver.." patuloy niya.

"I-ikaw din ang anak ng may-ari ng JJRC,t-tama? A-anak ka ni Sir Jamere at AJ?" maang na saad ni Aries.

Nakangiti na tinanguan niya ito bilang pagkumpirma. Dramatic na napatumba ito na agad naman inalalayan ng iba na kinatawa niya. Nakita niyang natatawang lumapit na sa kanila si Elver na hindi na makatiis na panuorin lang sila.

Agad na inakbayan siya ng kasintahan.

"Actually..may gusto kumusta sayo,Aries.." si Elver na siyang-siya sa nakikitang reaksyon ng lalaki.

Nanlalaki ang mga mata nito na umayos ng pagkatayo.

"S-sino? Baka mamatay na ko sa sobrang pagkashock!" untag nito.

Napaigtad ito ng umakbay rito ang kanyang ama.

Gulat na napalingon si Aries rito.

"Kamusta naman ang lalaking pinagselosan ko dati?"nakangisi turan ng ama.

Napailing na lang sila ng tuluyan ng nahimatay ang lalaki at mabuti na lang akbay ito ng ama kaya di tuluyang bumagsak sa semento.

"Daig pa niya ang babae makareak," natatawang saad ni Elver.

Nilingon niya ito at puno ng pagmamahal na niyakap niya ito.

"Excited na kong umuwi satin," aniya.

"Ako din,my princess.."tugon ng kasintahan at mabilis na pinatakan ng halik ang mga labi niya.

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now