Chapter 38

2.9K 119 7
                                    

Hindi pa ba natin siya lalapitan at turuan ng leksyon,prinsesa?!

Naiinip na saad ng kanyang lobo sa kanya habang kampante nakatanaw lang siya sa isang grupo na maingay na nagkukuwentuhan sa di kalayuan sa kinaroroonan niya.

Mariin niyang sinipat ang kabuan ng lalaki na siyang pakay niya.

Ang lalaki na siyang driver ng kotse na muntik ng sumagasa kay Elver ng gabing iyun!

Ugh,nanggigil na ko!

Nang makitang umalis ito sa grupo nito agad na sinundan niya ito. Itinaklob niya sa ulo niya ang hood ng jacket na suot niya.

Alam niyang hindi magugustuhan ng Hari ang gagawin niya pero hindi niya palalampasin ang ginawa nitong tangkang pananakit sa prinsipe niya.

Let's get it on!

Nalaman niya kay Valerie na ito ang lalaking nakaaway noon ni Elver at gumanti nga ito ng gabing iyun. At marami na itong sinaktan na tao dahil sa kayabangan nito at sa pagiging maimpluwensya na pinagmulan ng pamilya nito.

Nagtungo ito sa parking lot at tila may kukuhanin sa loob ng sasakyan nito. Walang ingay na huminto siya sa likuran nito habang abala ito sa loob ng kotse.

Nang maisara nitong muli ang kotse nito nagulat ito ng malingunan siya.

"Shit! Who the hell are you?!" sigaw nito sa kanya.

Nanatiling nakakubli ang buong mukha niya. Pilit naman nito sinisipat ang hitsura niya.

"What do you want?" anito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napangisi ito.

Ggrr..bastos to ah!

"Pwede ka bang makausap?"saad niya.

Tuluyan ng lumantad ang malisyoso nitong paghanga sa kanya.

" Pwede naman..saan mo gusto,miss?"malisyoso nitong sagot.

Mariin niyang naikuyom ang mga palad.

Agad na sinundan siya nito ng talikuran niya ito at dinala ito sa madilim na parte sa pinakadulo ng parking area.

Bago pa man sya hawakan ng lalaki impit itong suminghap sa mabilis na pagbibigay niya ng leksyon rito.

Hindi siya bayolente pero hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nabibigyan ng hustisya ang tangka nitong pananakit sa prinsipe niya.

Pugto ang hininga ng lalaki na nilapit niya ang bibig sa tapat ng tainga nito.

"Walang sinuman ang maaaring manakit sa prinsipe ko..lalo na isang tulad mong mahina,"mariin niyang saad.

"W-who the hell are you?! Ahh!" singhal nito at napaigik itong muli sa huli ng walang kahirap-hirap na isalya niya ito sa pader. Nanatiling nasa gilid ng ulo nito ang mukha niya.

"The princess of red wolves district,moron!" pakilala niya rito at malakas ito napasinghap.

"What the fuck are you saying,crazy woman! Oh Shit!!"malakas nitong daing ng tapikin niya ang tyan nito at para sa tulad nitong mahina na mabilis na masaktan.

Pabalya niya itong binitawan at pausdos ito napaupo sa semento habang sapo-sapo nito ang sikmura at panay ang ubo.

" Babalikan kita kapag may sinaktan ka muli.."aniya puno ng pagbabanta.

"Mahal na prinsesa.." pagsulpot ni Zei.

Napabuga siya ng hangin.

"Zei.."

Oh-oh!

"Kanina pa kayo hinahanap ng Hari..nakabalik na ang prinsipe," anito.

Agad na nakaramdam siya ng pananabik ng marinig ang pagbabalik ng kasintahan.

"Talaga?"naiexcite niyang saad.

Tumango ito napabaling sa lalaking namimilipit pa rin sa sakit. Napangiwi siya ng bumaling muli sa kanya ang dating panginoon.

"Totoo ngang isa kang pulang lobo..warrior,"nakangisi nitong saad na kinangiti niya.

"Salamat,Zei..ahm,pwede bang ikaw na bahala sa kanya?"

"Oo naman,mahal na prinsesa.." anito.

"Salamat," aniya at mabilis na umalis sa lugar na iyun.

Narinig pa niya ang pagtawa ng dating panginoon habang kinakausap nito ang lalaki.

"Loko ka kasi..ginalit mo ang prinsesa," pagtawa nitong sabi na kinangiti niya at nagmamadaling sumakay sa kotseng dala niya.

Sabik na siyang makita si Elver.

She miss him so much!

TPORWD Series 4: Kimberly T. Justo byCallmeAngge(inCompleted)Where stories live. Discover now