Chapter 2

9.6K 319 103
                                    

'Creatures of Deception'


XIN

"What's the problem?" Tanong ko nung makarating ako sa realm na tumatawag sa akin. The white witches called me this time, and just like the other realm, they never call me by my name. Just by who I am. Tiningnan lang nila ako at bahagyang yumuko. "A troll is invading our borders." Agad na sagot ng isa sa kanila. Tumango lang ako at pinalabas na ang pakpak ko. I immediately flew towards their borders at dun ko nakita ang ibang witch na sinusunog na ang isang troll.


Kumunot kaagad ang noo ko sa nakikita ko. The troll was screaming while the witches burnt the troll. Tiningnan ko lang ng maigi ang troll at napansin kong may tinatago ito sa mga braso niya habang sinusunog siya. And that's when I knew what it was hiding.

Agad kong itinaas ang kamay ko para gawan ng white shield ang paligid ng troll at agad na nawala ang apoy sa katawan niya. Lumingon kaagad silang lahat sa akin na may pagtataka dahil sa ginawa ko.


"Daughter of Zeus, we called you here to kill the troll. Not save it."
Paglilinaw ng isa sa kanila pero nagtiim-bagang lang ako nung marinig kong umiiyak ang troll na sinusunog nila. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanila na nakatingin lang din sa akin. "I don't act recklessly. I need evidence that this troll is invading your borders." Sabi ko at tinuro ang troll na nasa loob ng shield ko. Wala munang sumagot sa kanila hanggang sa may naglakad papunta sa harapan.


"Lumagpas siya sa territory lane. Lumapit siya sa border namin. Hindi pa ba sapat na rason 'yun?"
Tanong niya dahilan para maikuyom ko ang kamay ko.


"Did she even touch your border?"
I asked when I recognized that the troll was female. Natawa lang silang lahat dahil binigyan ko ng kasarian ang troll na gayong hindi naman nila karapatan na bigyan ng pagkakakilanlan. "Trolls are filthy creatures! That's enough reason! Burn the troll!" Napapikit nalang ako dahil sa mga narinig ko. Nilakihan ko pa ang white shield na ginawa ko sa troll kaya napaatras kaagad 'yung mga white witch na lalapit sana sa kanya.

Nagprotesta kaagad sila na alisin ko ang shield ko. Umiling lang ako at inilayo ang troll sa kanila dahilan para magalit sila sa akin.


"You're helping a troll? You're helping a filthy creature?! Filthy hybrid!"
Sigaw nila sa akin at tinapunan ako ng mga torch nila. I quickly defended myself pero braso ko lang ang nagawa kong itakip sa mukha ko na punterya nila. I was busy taking the troll away from them that I couldn't think of a defence. White shields require too much concentration. Napatingin nalang ako sa braso ko nung naramdaman kong mahapdi ito.

A witch's torch light can burn even the fast healing skin. Napapikit nalang ako.


"You're just like them! Dark, filthy and useless!"
Sigaw nila sa akin kaya lumipad na ako palayo, taking the troll with me. Hinubad ko nalang ang jacket ko at inirolyo ito sa braso kong mas lalong humahapdi. Nung makalayo na kami sa borders ng white witches at nakapasok na kami sa gubat ay ibinaba ko na ang shield at naglanding na sa lupa.

Tinago ko kaagad ang pakpak ko at inalis na ang shield.


Pag-alis ko palang ng shield ay yumuko kaagad ang troll at parang nanginginig sa takot. Right, during the Blue Night, we were fighting trolls. But those weren't domestic trolls, they were trolls made by the Blue Queen to create chaos at that certain night. Tiningnan ko lang ang troll na nasa harap ko na nanginginig parin.


"Hey, hey. It's okay. No one will hurt you.. and your child."
Natigilan kaagad siya dahil sa sinabi ko at dun na siya dahan-dahang tumingin sa akin. Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakatakip niya dito at dun na lumabas ang baby troll na tinatago niya sa mga braso niyang may mga paso na.

Team AlphaWhere stories live. Discover now