Chapter 50

5.3K 201 143
                                    

'Kill the Hybrid'


XIN

The death of me, huh? I flashed one last look at Hades since this is the last time that I'm going to see him. Tumingin na ako kay Luce nung pumasok siya at sumandal sa door frame. I tried creating a portal and it was successful for the first time. I left the underworld without saying a word and I was brought back to UHT.


"Thank the gods you're back!"
Sinalubong agad ako ng yakap nina Joshua at Baxter at tsaka na nagsibabaan 'yung iba. I just looked at them and smiled for a bit. Lumapit naman agad si Xy sa akin at niyakap ang hita ko habang nakatingin lang ako sa team. They were all looking at me, waiting for me to say something.


"Let's go home."
Mahina kong sambit at nakita ko ang mga ngiti sa labi nila. Agad silang tumango at ibinaba na ang mga gamit nila. Jun approached me but he didn't say a thing. He just ruffled my hair and got my luggage down for me. Pinaupo niya lang ako sa sofa kaya tiningnan ko nalang 'yung team na binababa ang mga gamit nila.

Matthew was even mumbling about who's going to help him clean the house when we're back.


"Buhay pa kaya 'yung aso natin?"
Tanong ni Duke kaya binatukan agad siya ni Dino.


"Ulol! Wala tayong aso!"
Sumbat nito at napahawak nalang si Duke sa batok niya at tsaka sinabing nagbibiro lang siya. They all gathered their stuffs at the center while we're waiting for Milo to bring down his and Hoshi's belongings. Tinulungan na siya nina Jun at Wolfie dito.


"Oh, wait. Kailangan ko pa palang kausapin ang dean na aalis tayo."
Tiningnan ko lang si Seth dahil sa sinabi niya.


"We'll be right back. Mabilis lang kami."
Pagpapaalam ni Seth at tumakbo palabas kasama si Noonie. Tumango lang ako at nagpahinga muna sa sofa. I don't know but I'm suddenly having this urge to sleep. Nag-inat nalang ako at sinubukang labanan ang antok ko pero hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

And just as I fell into a world of unconsciousness, I heard a certain voice.


"Hammie?"
Kumunot agad ang noo ko nung marinig ko ang boses ni Hoshi. I tried to call his name but my lips won't even move. I can't even move. What's going on?


"Xin, I need you to leave that place. Now! Leave!"
Kumunot ang noo ko nung bigla nalang siyang nagsisigaw at paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang sinisigaw niya. "Leave! Before it's too late!"


"Uhh.. Xin?"
Napabalikwas ako ng bangon nung may tumawag sa pangalan ko. Agad akong tumingin sa wall clock at kumunot ang noo ko nung malaman kong dalawang minuto lang palang nakasara ang mga mata ko. I flicked my tongue at napailing nalang ako. That was weird. How come I had a dream just after two minutes of a shut-eye?


"Xin, I think you need to see this."
Agad akong tumingin kay Matthew dahil sa sinabi niya. He was staring outside the window kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya. "Bakit?" Tanong ko pero wala siyang sinabi at tinuro lang ang madilim na langit. Kumunot lang ang noo ko nung ginawa niya 'yun kaya tiningnan ko ng maigi 'yung langit.

I had to go outside the dorm to take a better look at sumunod naman siya sa akin. Naningkit ang mga mata ko nung mapansin kong parang may kakaiba sa langit. I just took off my jacket and let out my wings.


Agad akong lumipad paitaas at naramdaman kong sumunod si Joshua sa akin. Jayden just looked at us from below at tinanong kung ano ang nakikita namin. Nagkatinginan lang kami ni Joshua at lumipad pa paitaas hanggang sa patigilin ko na siya. I took a close look at the sky above me us. "Is this a shield?" Joshua asked.

Team AlphaWhere stories live. Discover now